Chapter 19: The Kiss

68 3 0
                                    

Kinabukasan ay naghanda na sa pag-alis ko. Dinalaw ko muna ang sina Hazel at Mira. Gising na sila pero hindi pa pwedeng kausapin at lapitan. Naghanap ako ng bulaklak at ipinaabot sa nurse na nagbabantay sa kanila. Ipagdadasal ko ang kanilang paggaling at sana dumating ang araw na makita ko silang muli. Hindi pa sila pwedeng ibyahe patungong Princeton dahil sa sitwasyon nila.

Pagbalik ko sa tent ay nandoon na si Zaizen, wearing his uniform. "Are you coming with me?" salubong kong tanong na may ngiti sa labi.

"I can't, I need to stay here in few days." Bumagsak ang balikat ko sa sagot niya. Nagiging dependent na ako, pero kasi siya nalang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon. Siya lang iyong nasa tabi ko palagi at hindi siya napapagod sa pag-aalaga sa'kin.

"Then I stay here too," suwestiyon ko pero mahina siyang umiling at pinipigilang mapangiti sa narinig. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. "Simula nang magising ka, halos hindi mo na ako kayang bitawan at ayaw mong mawala ako sa paningin mo."

Nanlaki ang mata ko at napamulahan. "I'm not!"

Tumaas ang isa niyang kilay at ngumiti. "Really?"

"Yes!"

"Very defensive," hinila niya ako bigla at niyakap. "Sana dito ka nalang ngunit maraming naghihintay sayo sa Princeton."

"Let me stay, they will hurt me," malungkot kong sabi at mas hinigpitan ang pagyakap sa kaniya.

Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong braso. "You don't want to see your sister? Halos dalawang buwan kang nandito Merari and you never try to contact them. Why?"

Napaiwas ako ng tingin. "I'm scared."

"Sana man lang kinontak mo sila, especially Abe and the twins. Narinig ko sa nurse na tumatawag ang mga kapatid mo pero hindi mo sila kinakausap."

I want to talk to them but it's not the right time.

"I don't want them to hear and see how miserable my situation right now. I don't want them to see how vulnerable and weak I am."

"So why you let me see all those things?"Napayuko ako. "Tell me, why Merari?"

"I don't know." Maybe he's a special friend, and I trust him more than anyone else.

"For all the men, ako lang ang nakakalapit sayo mula noong nagising ka. You are scared to Lieutenant Eli and even to my older brother. Why?" Mas lalo siyang tumitig sa'kin na may nais siyang marinig na sagot. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating.

"I don't know." I lied, I'm still confused. All I know he is special to me and I'm scared to lose him too. I have enough and I can't lose another one, especially him.

"You are confused, are you? Ever since I've met you, hindi ako naguluhan sa nararamdaman ko sayo."

Napaatras ako sa kaniyan at nalilitong tumitig sa kaniyang seryosong mukha "What do you mean?"

"As what I expected," agad siya tumalikod at naglakad paalis.

"Zaizen!" Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"I think I need to teach you." Sa isang iglap ay nakaharap na siya at agad akong hinawakan sa kamay palapit sa kaniya. Bila niyang inilapit ang kaniyang mukha at naramdaman ang paglapat ng malambot na bagay sa gilid ng labi ko. Sa gulat ay nanlaki lang ang aking ang mata at parang natuod sa aking pwesto. "Sa susunod hindi lang diyan ang matatanggap mo. I need to teach you another one next time. See you again, Mi Amor." He winked and left me dumbfounded.

A War Between Us (UNEDITED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang