Chapter 14: In the Hands of Darkness

81 3 0
                                    

Maaga kaming nag-impake matapos ang duty ng mga kasama ko, dahil dapat maaga kaming makarating sa Princeton. Delikado ang daan kapag gabihin kami. Hindi parin kasi natatapos ang digmaan laban sa mga Sauville na nakapasok sa Swendey. Pakalat- kalat daw ang mga ito at may tiyansang makasalubong namin sa byahe.

Malungkot kaming nagpaalam sa aming mga pasyente, at mga staff na napalapit na sa'min. May iilang nag-aabang sa aming pag-alis. Nagkahilera na kami sa pagsakay sa sasakyan, binusisi nila itong ng mabuti para walang problema sa oras ng byahe. May ilang truck ng sundalo ang magiging kasama namin pauwi bilang bantay at proteksyon.

"Ang lungkot talaga kapag magpapaalam," giit ni Mira habang nagpupunas ng luha.

"Ang bilis talaga ng oras parang kahapon lang una nating dating dito," dagdag pa ni Jane na kumaway-kaway sa kaniyang mga pasyente.

Pero may tao akong gustong makita bago pa man kami umalis, 'di ko maiwasang ilibut ang tingin ko sa paligid nagbabasakali na makita siya. I never expect that a guy like him can still smile that wide, because I really thought that he was born to be a cold and serious type person. Papa is right every person has its own soft spot, every dark side still has its own light.

"Merari, okay ka lang?" Bumalik ako sa reyalidad at hindi napansin na nakatitig na ang dalawa sa aking gawi.

"Oo, may naalala lang ako." 

Lumapit si Jane sa'kin at ngumiti. "I think it better to forget what we know Merari, at least nakatulong tayo sa Swendey." 

Napayuko ako sa kaniyang sinabi, alam kong pilit naming iniiwasan na pag-usapan ang nalaman ko. Pero bakit gano'n hindi parin ako masaya kahit nakatulong ako dito. Muli kong pinukulan ng tingin si Jane at bakas sa kaniyang mukha na hindi sapat ang ibinigay naming tulong para mawala ang nararamdaman naming konsensiya.

But my gaze turns to someone I don't want to see until my last breath, First Lieutenant Ingrid.

Lumapit siya sa'min, "we are very thankful for all your help. I wish your safe trip back to Princeton." Ngumiti siya sa lahat maliban sa'kin nang dumapo ang kaniyang tingin sa gawi ko. A look of disgust and annoyance. Bakit ang init ng ulo niya sa'kin? Wala naman akong ginagawa. Inirapan niya ako bago naglakad paalis at tulad ng dati sumunod naman ang iba niyang kasama. Makahulugan akong tinitigan ng aking mga kasama ngunit nagkibit-balikat lang ako. Malay ko ba kung ano ang ikinagagalit ng sundalong iyon sa'kin.

Isa-isa kaming sumakay pero nang ako na ang sasakay, isang boses ang umalingaw-ngaw at sinigaw ang pangalan ko. " Merari!" Paglingon ko ay walang iba kundi si Zaizen na hinahabol ang hininga sa pagtakbo niya. Nakasunod sa kaniya si Lieutenant Eli at Colonel Alexander.

Napayuko ako at nakaramdam ng hiya nang mapansin ang tingin ng mga tao sa paligid. "Merari." Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko sa pagtawag niya sa aking pangalan. Muli ko siyang tiningnan at nagtama ang aming mata, nagulat ako nang makitang punong-puno ito ng emosyon na hindi niya karaniwang ipinapakita.

"Bakit ka nandito? Dapat nasa tent ka at nagpapagaling," sabi ko habang nilibot ang tingin sa mga taong nakatanaw sa'min.

"I need to see you before you go, even it's hard for me to watch it."

Nalilito parin ako sa kinikilos niya, he's words and action na tanging sa'kin niya lang pinapakita base narin sa sinabi ni Princess Zuriel. Ayaw kong umasa sa mga bagay na ganito, dito ako mahina. Pero simula nang makilala siya ay para siyang larong na gusto kong alamin at kilalanin pa, kahit malamig siyang makitungo ay napapangiti niya ako at masaya naman siyang kasama.

Humakbang siya papalapit at bigla nalang hinawakan ang kaliwa kong pisngi, sa gulat ay napaatras pa ako ngunit nanatili parin ang kaniyang kamay. "Maybe I'm the most serious person you've ever met but remember you saw my smile and heard my laughed. It means you are special." Nilapat niya bigla ang kaniyang noo sa'kin at ilang sentimetro lang ang layo ng aming mga labi, kitang-kita ko ang napakaganda niyang mata na nakatitig sa'kin. "See you again, Merari. Please wait for me."

A War Between Us (UNEDITED)Where stories live. Discover now