Chapter 6: The Scheme

79 4 0
                                    

"MERARI!" Agad akong napatayo ng marinig ang pamilyar na boses, nakasunod sa kaniya si Tito Redrick na may ngiti sa labi. Dali-dali silang bumaba sa hagdanan habang ingat na ingat sa hawak niyang papel.

"Bakit?" Inabot nito sa'kin ang papeL na puno ng galak.

Masquerade Ball of Evergard Family

Gulat na gulat ako sa aking nabasa. "A ball?" Bakit naman magkakaroon ng ganito?

"Yes my dear, your Mom and I decided to have a little party at the same time, we will introduce both of you with our close friends." Ito na nga ang sinasabi kong hindi magandang plano ng dalawa. Hindi naging matagumpay ang kanilang unang plano kaya ito naman ang naisip nila. Bakit desidido silang makahanap ako ng kasintahan?

"Hindi ako papayag," seryoso kong saad na ikinabagsak ng kanilang balikat.

"It's a good opportunity for you, my dear, they can offer you a job. Also, the Royal Family is also invited," pagkumbinsi ni Mrs. Maureen.

"Alam kong hindi lang iyan ang plano niyo." Hindi nila ako maloloko, sa ilang araw na kasama ko sila nababasa ko na ang kinikilos nilang dalawa.

"Merari naman eh. I want them to know that I have daughters, two beautiful daughters."

"Hindi naman iyan kailangan, aalis din naman kami ni Abe sa susunod na linggo." Walang emosyon kong saad na ikinagulat ng dalawa. Wala pa akong nahahanap na matutuluyan at trabaho pero may ilang araw pa ako bago ang tinakda kong panahon para umalis dito.

"Merari!" Napatigil ako sa biglang pagsigaw niya at patakbong umalis. May gana pa siyang magalit sa walang kwenta niyang naiisip.

"Gusto lang niyang maramdaman niyo na bahagi kayo ng aming pamilya, Merari. Matagal na niya itong hinintay at mapakilala kayo sa mga kaibigan niya at makasama. Your mom loves you; she's trying her best. Pinagsisihan niya ang pag-iwan sa inyo, give her a chance. After all, she's your mother, don't let your hostility covers your warm heart, Merari. Alam kong may parte parin siya sa puso mo." Iyon ang binitiwang salita ni Tito Redrick bago sinundan ang kaniyang asawa.

He doesn't, he doesn't know anything.

Biglang sumulpot si Abe sa pinto mula sa labas, kasama ang kambal. "Whatever she did to you, she still our mom. Alam kong mahal mo siya; pero nabulag ka sa galit a pagkamuhi sa kaniya." Sumag-ayon naman ang kambal at muli silang lumabas, iniwan akong nakakuyom sa galit.

Tsk. Kahit si Abe ay kinakampihan na siya. Yeah, she's our mother but she never act like one. May malalim akong rason kung bakit ganito nalang ang galit ko sa kaniya. Minahal ko siya pero wala siyang ibinigay na katiting na magmamahal sa'kin.


"Abe pansinin m naman ako!" Kanina niya pa ako hindi kinakausap gayunadin ang kambal. Para akong hangin na 'di nila nakikita. "Abe!"

"Papansinin lang kita kapag huminga ka ng tawad at pumayag kansa gusto nila." Umalis siya agad at hindi man lang nagpaalam.

Sa hapunan ay nabalot ng katahimikan ang paligid, tanging ingay ng kubyertos ang maririnig. Sinisipa pa ako ni Abe sa ilalim ng mesa, at makahulugan akong pinaglakihan ng mata. Imbes na suportahan ako ay kinukunsinte niya pa ang desisyon ng dalawa. Inaway niya pa ako kanina at hindi ako pinansin, hindi nga siya umupo sa aking tabi at sa kabilang upuan na kaharap ako. May ibinulong siya sa kambal at binigyan din ako ng makahulugang tingin. Sa inis ko ay tumayo ako bigla na ikinatigil nila.

"Tapos na po akong kumain, salamat po." Aaksyong aalis na sana akong nang magsalita si Abe.

"Diba Ate may sasabihan ka sa kanila?" Kunot noo kong pinukulan ng titig si Abe at tinapunan niya ako ng masamang tingin gayunadin ang kambal. Napailing ako at muling naglakad paalis. Ngunit bago ko pa ipihit ang pinto papalabas ng hapagkainan ay nagbitaw ako ng ilang salita. "Pumapayag na po ako, pero hindi magbabago ang isip kong umalis dito."

A War Between Us (UNEDITED)Where stories live. Discover now