Chapter 3: See You Again

112 5 0
                                    

NAKAHINGA naman akong ng maluwag nang makita si Abe na ligtas. Ilang araw na ang lumipas pilit paring gumagapang para makaahon sa nangyari ang buong Campbell. Ang aming bahay ay wala na, ilang gamit lang ang nailigtas namin, hindi rin makalabas ng pera ang bangko para sa mga membro nito dahil nasabugan ang opisina. Kasalukuyang nasa evacuation center ang lahat, sa tulong ng monarkiya ay nabigyan kami ng mga pangunahing pangangailangan.

Palaisipan parin sa lahat ang dahilan sa nangyari, hindi naman sumasagot ng matino ang militar. Pilit nilang iniiwasan na umabot sa puntong gumagawa na ng iba't-ibang kwento ang mga tao.

"Ate hindi ka pa matutulog?" Antok na antok na nakatingin si Abe sa'kin habang nakahiga sa manipis na kutson.

"Hindi pa ako dinadalaw ng antok, matulog ka na." Inayos ko ang kaniyang kumot. Siksikan kami sa isang silid. Dapat nasa dalawa o tatlong pamilya lamang sa isang silid ngunit sa dami ng apektado, halos nasa pito o walong pamilya kaming nagsisiksikan sa apat na sulok dito. Mabuti nga at mga kapitbahay namin ang aming mga kasama. Hindi namin kasama si Aling Maria at Mang James dahil kasama nila si Luke na nagpapagaling parin.

Tahimik akong lumabas doon para makalanghap ng sariwang hangin, nasa ikatlong palapag ako ng gusali at tanaw mula dito ang nakakalat na mga sundalo. Nasa Werlock kami, hindi kasi ligtas ang Campbell. Ito lang kasi ang pinakamalapit na bayan na pwede naming puntahan.

PAGSAPIT ng umaga naging abala ang lahat sa tulong- tulong na pagluluto at pagbabayanihan. Sabay kaming naligo ni Abe sa maliit na palikuran at doon din nagbihis, maaga kaming gumising at baka matulad noong nakaraang tuluyang hindi na kami nakaligo sa haba ng pila.

"Ate kahit lumang dress na ang suot mo ang ganda mo parin."

"Binobola mo naman ako."

"Kapatid mo ako tapos hindi mo paniniwalaan." Niyakap ko na lamang siya at baka magtampo, naalala ko tuloy si Cole, bolero rin kasi iyon. Hindi ko na siya muling nakita, matapos ang nangyari.

"Dito ka muna at pupunta ako kay Aling Maria para dalhan sila ng makakain." Kinuha ko ang ilang pangkain nainihanda ko kanina.

"Ate sama ako." Nagpacute pa siya sa harap ko, pero hindi pwede ang mga bata doon sa maliit na camp na ginawa ng medical team.

"Hindi talaga pwede Abe, bawal din ang bata doon."

"Kahit saglit lang."

"Bawal talaga Abe," pagsisinungaling ko.

"Okay, I stay," sabi niya habang nakasimangot ang mukha

"Good, see you at lunch. Bibilhan kita ng paborito mong tinapay."

"Promise?" Mapaglaro akong ngumiti sa kaniya bago umalis.

Pagdating ko sa camp mas naging madami ang mga sugatan na dumadating, at may nagkakasakit na rin. Tama ang desisyon kung hindi siya dalhin dito. It's very horrible to see, people striving to live, begging for another chance.

Dumaan muna ako sa ilang checkpoint bago tuluyang nakapasok, agad kong tinungo ang tent kung saan si Luke.

"Aling Maria!" tawag ko nang makita sila, tumakbo akong lumapit at inabot sa kanila ang dala ko.

"Salamat Merari."

Lumapit ako kay Luke na mahimbing na natutulog. "Kamusta na po siya?"

"Okay naman ang operasyon, Salamat talaga Merari kung hindi dahil sayo, wala ng Luke na makikita sa harap namin."

"Sawang-sawa na po ako sa pasasalamat niyo," biro ko.

"Hindi ako magsasawa."

Napatigil kami nang gumising si Luke, agad kong tinawag ang Doktor para matingnan kung ayos na ba ang kalagayan niya.

A War Between Us (UNEDITED)Where stories live. Discover now