“you know Kanji, ikaw lang naman ang iniisip ko. pambawi ko na din, kahit ngayon lang kunin mo na yung binibigay ko. ayoko kasing nakikita kang nahihirapan-”

“i said okay ate, so stop being dramatic. gosh! hindi bagay sayo”

she's really worried about me, pero kapag naalala ko yung pangba-blockmail niya kanina- hays!!

she let out a small laugh, saka itinuloy ang pagmamaneho.

nagyayaya din kasi siyang mag-shopping, kaya pumayag akong samahan siya.

ipinark niya ang kotse sa tapat ng Mall, pagkatapos ay sabay kaming pumasok doon saka nagtungo sa branded Clothing area, bibilhan niya daw kasi ako ng mga damit.

sabi sa inyo, mahilig siya sa mga branded e!

“I should buy you a new clothes, palitan mo na yung mga damit mong pang-Manang. psh!”

kita mo?! bibilhan na nga lang nang-lait pa! grabe talaga.

napaka-arte, psh! pati tuloy si Bri nagagaya sa kanya. hays.

naupo na lamang ako habang bored siyang pinapanuod tumingin ng mga damit.

“Condo lang right? bakit pati damit?” i said to her

humarap ito sa akin habang nakapameywang at nakataas ang kilay na tinitingnan ako.

“like duh! magsuot ka din kaya ng maayos na damit. hindi yung nagmumukha kang Manang”

I sighed heavily saka hinayaan na lamang siya, wala din naman akong magagawa dahil gagawin nito ang gusto niya kaya hinayaan ko na lamang.

tinawag niya pa ako para sukatin ang mga napiling damit. bitbit bitbit ko ang napakaraming damit pa-pasok sa loob ng dressing room. labas pasok ako doon habang pinapakita iyon sa kanya. pagkatapos ay nagtungo na kami sa cashier para bayaran ang mga pinamili.

kinuhanan niya din ako ng ibang sapatos at bags. bumili din siya ng perfume at relo para sa akin. puro branded, girl.
again.... sabi sa inyo mahilig ang Ate ko sa mga branded e!

sinabi ko din pala sa kanya yung about sa P.A thingy habang kumakain kami isa sa mga restaurant kanina.

hindi ko kasi ugaling mag-sikreto sa kanya, siya lang  naman kasi ang nakakaintindi sa akin. lalo na kapag about sa problema, kagaya na lang ng sitwasyon ko ngayon... yung paglalayas ko sa amin! siya lang saka si Kuya Emmanuel ang nakakaalam na sa Ambrosia ako nag-aaral, at nasa pilipinas ako. nasa ibang bansa kasi ang parents namin, kaya hindi nila alam kung saang lupalop ako naroroon!

kahit na busy si Ate Dionne sa kumpanya niya ay gumagawa talaga siya ng paraan para paglaanan ako ng oras. kahit ganyan siya ay napakaswerte ko pa din dahil may Ate akong kagaya niya.

kahit sino naman ay hihilingin siyang maging kapatid.

“Hindi ko naman magagamit yun lahat” i said to her

“Trust me magagamit mo ang mga yun, lalo na yung sa new work mo as P.A, psh!” irap nitong wika “Like duh! bigating artist ang makakasama mo kaya dapat lang na ayusin mo ang sarili, lalo na sa pananamit. baka pagkamalan kang katulong imbes na P.A”

grabe talaga!

“you're so mean” nakapout kong sabi.

“dapat kasi sa akin ka na lang nag-work, edi sana hindi ka na nahirapan” she said

nagtatampo kasi yan! about nga sa pagtatrabaho ko sa Impact Agency.

“I know what you are thinking. kaya nga ayoko e, kilala na kita Ate.”

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Where stories live. Discover now