CHAPTER 18 : RYUU AND AVERY

Começar do início
                                    

"Good morning , Ms.Harrison" I greeted her tsaka ako yumuko bilang pagpapakita ng pag-galang.

"Pwede ka ng umalis, Diana" Maawtoridad na sabi ni Ms.Harrison kay Diana. Hindi man ako nakatingin ngayon sa direksyon ni Diana alam ko ang itsura niya ngayon. Sigurado akong super kusot na ang noo nito ngayon at kulang nalang tumirik na ng todo ang mata niya dahil sa inis.

"Tsk! Hindi ko naman gustong mag-stay sa lugar na 'to kasama ang isang insektong mabaho! Diyan na nga kayo!" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ipinikit ko pa ang mata ko at napakagat sa pang-ibaba kong labi. Pagkatingin ko sa gawi ni Ms.Harrison ay wala na siya doon. Nagulat ako nang may narinig akong isang malakas na pagdapo ng isang balat sa isa pang balat. Napasapo ako sa bibig ko sa gulat pagkatingin ko kay Diana namumula na ang pisngi niya. Wait! What happen?! Hindi ko man lang 'yon nasaksihan.

"How dare you slap me!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa naging reaksyon ni Diana sa ginawang pagsampal sa kanya ni Ms.Harrison kanina.

"Lumabas kana" Nasa malamig na tonong sabi ni Ms.Harrison. Woah! Ang lamig no'n ah.

Padabog na binuksan ni Diana ang pinto at pagkalabas niya ay padabog din niya itong isinara.

"Pasensya kana sa inasal ni Diana" Paghingi ng paumanhin ni Ms.Harrison.

"Hindi , ok lang po" Naiiling kong sabi.

Naglakad na si Ms.Harrison papunta sa office table niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa muli na itong makaupo sa swivel chair niya.

"Nandito ang form na fi-fill up-an nila Ryuu at Avery" Sabi niya sabay abot sa akin ng form. Tinignan ko lang 'yon ng ilang minuto. Iniisip ko parin kasi yung usapan nila ni Diana kanina. Curious lang ako kung ano yung alam niya na hindi namin alam. "Pakisabi nalang sa kanila na kapag tapos na nila itong fill-up-an ay ibigay nila ito agad sa akin, baka mawala pa mamaya." Dugtong niya pero wala parin itong natanggap na sagot mula sa akin.

"Excuse me? You ok Ms.Vallecillo?" Kunot noong tanong ni Ms.Harrison tsaka ito kumaway mismo sa tapat ng mukha ko. Bumalik ako sa realidad dahil doon.

"Yes?! Ms.Harrison, I'm fine. Wag po kayong mag-alala ako po mismo ang magbibigay sa inyo ng form oras na mafill-upan na nila" Sabi ko at kinuha na ang form. Yumuko muna ako bago ko siya tinalikuran at naglakad na palabas ng office. Hindi pa ako nakakasampung hakbang nang bigla kong napagdesiyonang tanungin siya tungkol doon sa narinig kong usapan nila ni Diana kanina. Huminga ako ng malalim at muling naglakad pabalik sa pwesto niya.

"Why? May kailangan ka pa?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako bilang sagot.

"May gusto lang po akong malaman. Narinig ko yung usapan niyo ni Diana kanina. Ano po ang dahilan kung bakit sila Ryuu at Avery ang napili ninyo para maging representative ng school natin sa Quiz bee?" Napakunot noo ako dahil sa mahinang pagtawa ni Ms.Harrison , hindi nagtagal ay tumigil din ito at pinagsalikop nito kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa niya.

"You're very direct to the point dear, Wala ka ngang sinasayang na oras. Natutuwa ako sa ipinapakita mo" Nakangiti at tumatango-tango pang sabi ni Ms.Harrison. I blinked my eyes twice nang mapansin kong may iba sa ngiti na ipinakita kanina ni Ms.Harrison, nag-iba din ang tono ng boses niya. Pakiramdam ko tuloy hindi si Ms.Harrison ang kausap ko ngayon. Unti-unti na akong nakaramdam ng kaba pero hindi ko 'yon pinahalata. Ikinuyom ko ang kamao ko. Wala ng atrasan 'to! Sabi ko sa isip ko. Nandito naman na ako sa sitwasyon na 'to, Bakit pa ako uurong?

THE S CLASS PROJECTOnde histórias criam vida. Descubra agora