CHAPTER 27: UNKNOWN FEELINGS

53 7 0
                                    

CHAPTER 27

ASTRID's POV

Nandito kami ngayon sa café kung saan nagtatrabaho si ICE.

"Ang tagal naman ni ICE," Adrian said, "nagugutom na akooo." he let out a long sigh.

Napunta sa kanya ang atensyon naming lahat dahil doon. Napaawang konti ang bibig ko nang makita ko kung ano ang ginagawa niya ngayon, nakapangalumbaba lang naman ito sa mesa habang tinitignan ang mga costumer na kasalukuyang kumakain dito sa loob ng Café ngayon.

Tinignan siya ng masama ni Avery at mukhang naintindihan naman ni Adrian ang ibig sabihin ng tingin na 'yon, kaya naman itinuwid niya ang kanyang pagkaka-upo at tumingin sa ibang direksyon.

"Nagugutom na ako eh! Hindi ko naman mapipigilan 'tong tiyan ko." Muling sabi ni Adrian na dahilan para makatanggap siya ng isang solid na batok kay Avery.

"Babe naman?! Napaka sadista mo talaga! Hmph!"

"Pwede ba tumahimik ka nalang kung ayaw mong makatanggap pa ng isa. Konting tiis nalang, nandiyan na sila mamaya." Saway sa kanya ni Avery.

"Kailangan ba talaga kasing sabay-sabay tayo?"

"Hindi na dapat 'yon tinatanong Adrian," seryosong sabi ni Avery sa kanya. Imbes na sumagot pa si Adrian, niyakap nalang nito ng sobrang higpit ang kanang braso ni Avery.

Natatawa nalang ako habang pinagmamasdan silang dalawa dahil parang isang batang napagalitan na naman si Adrian kay Avery. Hindi ko maitatangging napaka cute nilang couple. I know how they appreciate each other kahit na lagi silang ganito.

Habang inaasikaso ni miss Rica ang isang costumer napadaan siya sa table namin, huminto ito sa paglalakad. "Wala pa sila ICE?" Tanong nito sa amin, dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon naming lahat.

Tumango ako. "Hanggang ngayon wala pa sila, kanina pa namin sila inaantay at same time nag-aalala na din kami." Napatingin ako sa wristwatch ko and i realize na malapit ng mag close ang Café.

Tumingin si Justin kay Ryuu at saka tinanong. "Ryuu, anong balita kay Humprey?"

Napunta naman kaagad kay Ryuu ang tingin ko at tahimik na inantay ang kanyang sagot sa tanong ni Justin.

Marahang umiling si Ryuu habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Hindi sinasagot ni Humprey ang tawag," ani Ryuu, napabuntong hininga na lamang ito. Sunod naman niyang tinawagan si ICE.

"Nasaan na kaya sila?" nag-aalalang tanong ni Kerbie. Pansin kong kanina pa siya nakatingin sa labas, he's hoping na makikita niya sila ICE na papasok ng café.

"Ang sabi niya ihahatid niya lang si ICE pero hanggang ngayon wala pa siya," Justin said.

"Tsk! Sana hindi nalang ako pumayag na siya ang maghatid kay ICE," bulong ni Avery. Halos magkasalubong na ang mga kilay nito habang sinasabi niya 'yon dahil sa inis.

"Mabuti pa kumain nalang muna tayo habang inaantay sila," singit ko naman sa usapan. Literal na kuminang ang mga mata ni Adrian dahil sa sinabi ko. "Tsaka magsasara na din kasi ang Café mamaya." Dugtong ko.

Pumayag naman si Avery sa suggestion ko at dahil meron na dati si Miss Rica sa table namin binigay nalang niya ang menu para makapili na kami ng kakainin namin.

Habang nag o-order kami ay napansin kong nakatingin lang sa akin si Justin, mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi ako nagdalawang isip na salubungin ito dahilan ng pagbalik niya sa huwisyo.

THE S CLASS PROJECTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin