CHAPTER 8 : WE'RE PARTNER , RIGHT?

237 17 0
                                    

CIERIN


Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang palace para makapaghanda sa gaganaping duo wrestling battle. Actually, hindi ko 'to inasahang mangyayari sa buhay ko. A wrestling battle for a girl like me? It was a big no! Never! Kailan pa ako sumali sa ganito? Pero on second thought, excited rin ako! First time 'tong mangyayari buong buhay ko and we would do our best para manalo kami rito.

"Sorry, I'm not interested in you."

Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong pamilyar na boses. Dali-dali kong hinanap kung saan ito nanggaling. Nang malapit na ako sa isang puno, napaawang kaunti ang bibig ko sa nakita.

Nagtago agad ako sa isa pang puno na malapit lang sa kanila. Napaisip ako nang may ma-realize ako. Bakit ba ako nagtatago?

"P-Pero bakit? I'm pretty naman. Matalino rin. Hindi gaya ng ibang—"

"You're boring. Now, get out of my way."

"Timo—"

"Fuck! Hindi ka ba nakakaintindi?"

Nakita kong napatiim-bagang si Timothy. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Nagpipigil siya ng galit. Hindi ko alam, pero parang ako ang kinakabahan para sa babaeng kaharap ngayon ni Timothy.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Hinintay ko lang kung ano ang susunod na mangyayari.

"Timo—"

Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Timothy. Ikinulong niya lang naman iyong babae gamit ang mga braso niyang nakatukod sa malaking puno na malapit lang sa puwesto nila. Damn! Ano ba'ng tumatakbo ngayon sa isip ni Timothy? Nababaliw na naman ba siya?

"'Wag na 'wag mo akong tatawagin sa pangalang 'yan," seryoso niyang sabi. "Ey, babae? Don't bother me anymore."

Tinalikuran na niya ito at naglakad na palayo. Tatakbo na sana ako paalis, pero hindi iyon natuloy nang makita kong hinawakan ng babae ang kanang kamay ni Timothy.

"I love you, Timo—"

Napapikit ako nang makita kong tumilapon iyong babae na para bang ako ang nasaktan.

How could he be so rude? Bakit ba hindi na lang siya pumayag? Ano ba ang mawawala sa kaniya kung susubukan niyang makipag-date sa kanila? Gusto kong makialam ulit, pero sa huli, mas minabuti kong manood na lang.

"Don't make me say it again," walang ganang sabi ni Timothy at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Tatakbo na sana ako nang bigla niya akong tawagin sa pangalan ko. I blinked twice. Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig dahil sa gulat. I have no choice. Lumabas ako sa punong pinagtataguan ko at saka tumingin sa ibang direksyon na para bang inosente ako.

"Let's go, Erin."

"T-Teka? Iiwan mo na lang ba siya? Hindi mo ba siya patitigilin sa pag-iyak?"

"Hindi ko naman sinabing umiyak siya, so it's not my responsibility para patahanin siya."

Tuluyan na ngang naglakad palayo si Timothy matapos niyang sabihin iyon. Napabuntonghininga na lang ako saka nilapitan ang babaeng kanina pa nakaupo sa damuhan at walang tigil sa pag-iyak. Ibinigay ko sa kaniya ang panyo ko at inalalaya siyang tumayo. Pagkatapos ko siyang tulungan ay iniwan ko rin siya para sundan si Timothy.

"Hoy, Timothy! Maghintay ka!"

***

Nasa dressing room na kami ngayon ni Timothy at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang laban. Nakaupo kaming dalawa sa isang bench, pero kapwa kami nakatingin sa ibang direksyon. Masama pa rin ang loob ko kay Timothy dahil sa ipinakita niyang ugali kanina. Napakasama niya. Hindi ba niya alam kung gaano kasakit ang mga sinabi niya kanina roon sa babae? Pero pansin kong kanina pa siya walang kibo. Hindi kaya kinakabahan siya? Ano na naman bang nasa isip niya ngayon? Imposible namang kabahan siya. Nah, never mind.

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now