Chapter XXXIX (It's my turn now)

60.1K 1.1K 172
                                        

A/n: Bumbumbee: Hi Moby~ Sorry... madrama yung nakadedicate sayo. Sinusunod ko lang ang listahan ko~ ^________^ Sa susunod nalang one shot story nyo ni Ehem! Hahaha

--

March 14, 20xx

--

"Anim na bwan... Isang taon... Limang taon...  Isang Decada... Kaya ko namang maghintay kahit gaano pa katagal, gumising ka lang Mei." Dalawang linggo na pero nanginginig pa din ako pag kinakausap sya. Dahil na rin siguro, sa paglipas ng bawat araw... mas lalo akong natatakot sa posibilidad na hindi na sya magigising pa.

Tulad na ng nakagawian ko bago ako lumabas, hinalikan ko uli sya noo... still wishing she'll wake up soon. Inayos ko muna ang buhok nya bago tumayo. "I have to go. Baka maabutan pa ako ni Enzo." He was the reason why Mei got into an accident. Nakainom sya habang nagmamaneho at sa sobrang lasing nya... di man lang nya napansin na patawid si Mei. And because of that... her parents tasked him to take care of her. Hindi ko alam kung hanggang sa magising lang ba sya o ano.

Nasa may pinto na ako nang saktong pumasok ang Kuya ni Mei. Matamlay pa din ang itsura nya pero pinilit nyang ngumiti nang makita ako. Palabas na sana ako nang mapansin kong lumaki ang mata nya at bigla sumigaw sabay takbo, "MEI!!!"

Paglingon ko, gumagalaw ang mga daliri ng kanang kamay nya. Dali akong pumunta sa tabi ng kama. Nakadilat ang mga mata nya habang nakatingin lang sa puting kisame. "Mei...?" Pag uulit ng Kuya nya habang nakangiti itong tinitignan sya at hawak hawak sya nito sa kamay.

Dahan dahan nyang iginalaw ang ulo nya... at matamlay na pinagmasdan  ang Kuya nya. Hindi sya nagsalita, hanggang sa napatingin sya sa akin. Parang ilang segundo nang matitigan ko ang mata nya, gusto ng bumagsak ng mga luha ko pero pinigilan ko.

Ibinaling nya uli ang tingin sa kisame... at sinambit ang mga katagang,

"Sino... kayo?"  

"Hey!" Nabalik ako sa katinuan ko nang may mag snap sa harap ko... si Kai. Tss. Naalala ko na naman yun. "Are you going to pay for the taxi fare since you seem want to stay here for the rest of your life?" Inirapan nya ako at saglit na naglabas ng limang daan saka binigay ito sa driver. "Keep the change." 

And the usual thing he does, hinila nya ako pababa ng taxi. Mahilig talaga syang manghila ng kung sino... Hindi man lang naisip na ang lakas nyang manghila. 

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Where stories live. Discover now