Chapter XLI (Cyl's POV)

60.4K 1.1K 248
                                    

CYL's POV (^.^)~

"Dapat kasi Tita, tinuturuan nyo syang magluto. Paano nalang ang mapapanagasawa nya balang araw?" Sabi ko sa Mom ni Mei pero kay Mei ako nakatingin na kunware walang naririnig. =D HAHAHA~! Ayaw nya kasing pag usapan yung tungkol sa mga ganyan... awkward kasi para sa kanya ang pag-usapan ang mga ganyang bagay.

"Ewan ko lang talaga iha. Gustuhin ko man pero ayaw nya. And aside from that, I still have another problem with her. Pumunta Professor nyo sa biology dito sa bahay nung nakaraang araw, and he told us that she's failing his subject." Napanglingong sagot ni Tita na halatang problemado talaga.

"PO? TALAGA? Si Sir Xavier? Pumunta sya dito?" Pagtataka kong tanong, tas napatingin ako kay Mei na bingi bingihan lang. -_______-

Ngumiti ng kaunti si Tita saka nagbuhos ng malamig na orange juice sa baso ko. "Yes. Actually, he's our neighbor. Dyan lang sa kabila. And you know what, I'm thankful to him. At least, gumawa sya ng  paraan para malaman namin ang nangyayari sa batang to sa school."

Napabuntong hininga sya at tumingin saglit kay Mei na ngayon naman ay tinutunaw ng titig nya ang platong nasa harap nya. =.= Problema neto? "I can see his concern in our daughter. Kaso itong baby ko ang may problema. Binabalewala ang mga taong tumutulong sa kanya." 

Napatitig naman ako kay Mei nang marinig yun mula sa Mom nya. Binigyan nya naman ako ng ANO?-look nang mapatingin sya sa akin.

TSK TSK TSK! >___> Naglilihim na pala to samin eh~ Best friend or shall I say, closest friend nya ako tapoos hindi man lang sinabi na magkapitbahay sila ni... OH SO HOT PROFESSOR OF OURS! Chos~! HAHAHAH~! But seriously, totoo naman sinabi ko. Gwapo at hot naman si Sir kahit Geek pa sya~ ♥

Si Mei lang naman ata may ayaw kay Sir eh! -3- Laging sinisingit sa usapan namin ang salitang 'GEEK'. Ayaw nya daw sa geek, naku naku~! Kahit ba naman geek yun... haaaay~ Mapapadaydream ka pa din sa kagwapuhan nya. At kung nalaman ko lang sana na kapitbahay sila, HEHE... Baka dito na ako tumira sa kanila. 

"Ako na manghuhugas. Kayo naman nagluto." presenta nya at tumayo na agad saka niligpit ang pinagkainan namin. 

Truthfully, simula nang magising si Mei sa coma at nagka-amnesia, wala naman akong napapansing kakaiba sa kanya maliban nalang sa hindi nga nya kami kilala lahat. She asks questions kung ano ba nya kami or sino yun, sino yan na madali nya namang nakakabisado. While in her actions, wala akong napapansin... maliban nalang sa palagiang pagtitig nya kay Sir pag malayo ito samin. 

Kaya nga naisip ko, baka nalab at first sight sya kay Sir eh~! =D And how I wish yun nga ang nangyari. Gusto ko na ding mag move on tong bestpren ko kay Enzo. Like duh~! Look at this. Mas gwapo kaya si Sir kay Enzo. Plus, ang talino pa! Tsaka mukhang athletic naman si Sir. Katawan palang, may ibubuga na. 

"Iha? Can I ask you something?" biglang tanong ni Tita nang wala na si Mei sa dito sa may dining area.

"Sure. Ano po yun?" Tanong ko.

Tumingin muna sya saglit sa kakasarado palang na pinto ng kusina kung saan pumasok si Mei... saka ibinaling uli sa akin ang atensyon nya. "Ummm... I just want to know, may boyfriend ba anak ko?" Tanong ng Mom nya na kinabigla ko. 

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon