CHAPTER 13

1.4K 64 0
                                    

Shaira Denize POV

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga para pumasok na. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at nag-agahan nadatnan ko naman so Mam.

"Good Morning Maaaa! Magandang buhayyyy" Malakas na sigaw ko kaya naman napalingon siya sa akin.

"Good Morning din. Ang saya naman ata ng anak ko dahil ba hinatid ka ng boss mo?" Tanong ni Mama kaya naman nabilaukan ako.

"Ma wala lang akong masakyan kahapon kaya hinatid na ako ng boss boss ko baka naawa" sunod-sunod kong sabi. Nang tingnan ko Ang Mama ko ay nangingiti nalang siya.

"Napakadefensive naman ng anak. Oh namumula ka?" Shocks! Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Ma alis na po ako" Sabi ko kay nanay dahil di ako titigilan niyan sa pang-aasar.

Pagkarating ko sa company at 6am na alam kong nandito na Ang boss ko dahil remember? Sinabi ko sa inyo nun na 5am palang nandito na siya. Siya na Ang pinakamasipag na CEO.

"Good Morning sir." Bati ko sa kanya.

Tiningnan lang niya ako.

Dahil nadiliman ako sa opisina niya ay gusto kong buksan Ang curtain niya. Pero bakit kaya ayaw niyang buksan yung kurtina niya? Aha! Ano ba yan si sir porket CEO tamad na din magbukas ng kurtina. Hayst ako na nga.

Nang tingnan ko si sir ay busy pa din sya sa paglalaptop niya trabaho siguro alangan namang naghahanap ng idedate niya sa FB. Hayst pag ginawa niya Talaga yun di ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Hihihi.

So ayun ng mabuksan ko Ang kurtina niya ay...

"WHAT THE F*CK!" nagulat ako kay sir dahil sa sigaw niya.

"SHIT!F*CK! CLOSE THAT F*CKIN' CURTAIN" sigaw niya sa akin habang parang nilalayo niya Ang sarili niya sa sinag ng araw.

Dali-dali ko namang sinara yun. Nang masara ko ay humarap ako sa kanya nasalubong ko Ang nakamamatay na tingin niya na para bang kakainin na ako nito.

"YOU!" dinuro niya ako. "LEAVE!" tumakbo naman ako palabas dahil talagang nakakatakot siya.

Pagkalabas ko ay marami ng nakatingin sa akin agad namang lumapit sa akin si Danni

"Hey anong nangyari? Bakit sumisigaw si sir? Anong ginawa mo?" Sunod-sunod na tanong niya habang inaalo ako

Nagulat nalang ako ng punasan niya Ang mukha ko Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

"Hey stop crying. Come here." Sabi niya sa akin dinala niya ako sa baba ng company kung saan may cafeteria walang tao duon dahil working hours palang.

"Hey c'mon stop crying. What happened?" Hinawakan niya Ang kamay kong nanginginig dahil sa takot

"Danni May mali ba sa ginawa ko?"tanong ko sa kanya naginginig pa din ng mga kamay.

"Tell me. What happened?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari pagkatapos ay napahinga nalang siya ng malalim.

"Hindi ba sinabi sayo na ayaw ni sir ng binubuksan Ang curtain sa loob ng office niya?"

"Wala. Pero kasi alam mo yun? Ang dilim?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Hindi ko din alam ahh. Pero matagal na talagang ganyan si sir ayaw niya sa maliwanag." Sabi niya.

"Bakit bampira ba siya?" Sumisinghot pa na tanong ko.

"Sira nagpapaniwala ka Talaga sa mga ganyan?" Natatawang sabi niya. Kaya nagawa nalang din ako.

"Ohh ayan nakangiti ka na ulit mas bagay mo yan. Ano ba kausapin mo nalang si sir mamaya mag sorry ka" sabi niya at napatango nalang ako.

Pano ko siyang haharapin nito? Natatakot Talaga ako sa kanya. May side ako na gusto ko ng magresign pero sayang opportunity kaya try kong mag sorry sa kanya. Hayst tulungan nyo po ako.

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireWhere stories live. Discover now