CHAPTER 27

1.1K 53 0
                                    

Shaira Denize POV

"Anak! Gumising ka na! Anong oras na! Malelate ka sa trabaho mo!!!" Rinig kong sigaw ni mama. Na malamang ay naghahain na ng breakfast namin.

Dinilat ko ng aking mga mata, medyo malabo pa ang paningin ko, kaya naman kinusot ko ang aking mga mata.

"Ma? Baki----?" Yan nalang ang nasabi ko dahil may nararamdaman akong nakayakap sakin mula sa likod! 'Teka, sinonggg? Omygod!' 😳

Nang humarap ako sa likuran ko ay laking gulat ko nalang ng makita ko si jhared na nakayakap sa bewang ko 'Sheteeeeeeeee!! Andito nga pala siya kagabi.

"Pero pano ako nakatulog?" Nagtataka kong sambit sa sarili ko.

Pero nang tingnan ko siya ng mabuti ay nagtaka ako, nasan na yung mga sugat niya?

Anong nangyare sa kanya kagabi? Bakit ang dami niyang kalmot? Atsaka bakit siya natulog dito? At katabi ko pa!!!!!

'Omo 😳 wala naman sigurong nangyaring kababalaghan kagabi diba?'

Nang maisip ko ang mga yan ay agad kong tiningnan ang aking sarili kung may nangyare nga, pero buti nalang at wala. Ganito parin naman ang suot ko kagabi HAHAHA Charing.

'Sayang!' 'Ano ba yang pinagiisip ko!' Pinalo ko ang ulo ko dahil sa mga pinagiisip kong hindi maganda.

Namula naman ang mukha ko dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Nakakandong ako kay Jharedd. Shockkkss!!

Agad kong inalis ang kamay niyang nakayakap saakin at umalis sa kama ko at hinayaan ng matulog si sir dun.

Naghilamos muna ako bago Lumabas para sana kumuha ng makakain ng maalala ko si mama. 'Shete! Baka makita ni mama si jhared!'

Nang maalala ko yun ay agad akong bumalik sa kwarto ko para sana icheck si jhared pero pagkabalik ko sa kwarto ko ay wala na si jhared?

Naayos na rin ang higaan ko, sa tingin ko, sa bintana na naman siya dumaan. Ang hilig niya dun dumaan. Tsk!

'Di man lang siya nagbreakfast dito' Haysss ano ka ba namang utak ka! Sabay palo na naman sa ulo ko. Malamang sa bahay na nila siya mag be breakfast.

Bigla na naman ako napaisip. Speaking of breakfast! Ano kayang breakfast ng mga vampire na katulad niya? Since vegetarian na vampire si jhared? Ano kaya? Kambing? Baka? Kalabaw? Natawa nalang ako sa pinagiisip ko.

"Hayaan mo na nga yun, Shaira!" Aniko sa sarili ko sabay labas ng kwarto para magumagahan. Dahil malelate na nga pala ako sa trabaho ko! 'Di bale, may excuse naman!'

Nakita ko naman si Mama na kumakain na kaya sinabayan ko na siya. Minadali ko na ang pagkain ko, naligo na rin ako. At nagpaalam na kay mama para pumasok ng trabaho!

Nang makapasok na ako ay si Danni agad ang sumalubong sakin!

"Shaira girl, himala at nalate ka? Kanina pa kita hinihintay. Yung schedule ni sir need niya na Daw" Salubong sakin ni Danni 'di man lang nag Good morning' hehe

"Good morning! Sorry late ako, nalate kasi ako ng gising, napasarap tulog ko e" pagdadahilan ko sa kanya.

"Oh! Sorry, good morning. HEHEHE" aniya na medyo nahihiya. Ang ganda naman kasi ng pagsalubong niya sakin. Kutusan ko to ih.

"Deretso ka na daw sa Office ni Sir kapag naka dating ka na sabi niya kanina. Medyo Bad mood nga sya ih." Sabi niya.

"Sabay pala ulit tayo maglunch ah!" Pahabol niya pang sabi

"Sige! Punta na ngarud ako sa office ni Sir. Maiwan muna kita jan." Sabi ko sa kanya na prang walang nara
ramdamang kaba. Pero ang totoo grabe ang kaba ko ngayon.

Kinakabahan akong pumunta sa office ni sir. Dahil nga sa nangyari kagabi.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng office ni sir ay hindi ko muna binuksan iyon. Dahil nga kinakabahan ako, ni katok ay hindi pa ako kumatok.

"Come in!" Nagulat nalang ako ng magsalita si sir mula sa loob na mukhang inaasahan nga ang pagdating ko.

Kaya naman hindi ako mag kanda ugagang pumasok nako kahit sobrang kaba ko.

"My schedule?" Maikling aniya at prenteng aniya na parang walang nangyari kagabi.

"Ahh. S-sir your schedule for today" pautal utal na sabi ko.

"Is that all?" Tanong niya sakin.

"Y-yes sir!" Nauutal na naman na aniko. Bakit ba kasi nauutal ako!

"Okay. You may now leave!" Aniya na ikinagulat ko. Yun na yun.

"Sir? Coffee Sir You want?" Aniko na hindi na nautal. "I said, you may now leave!" Paguulit niya.

Oo nga naman. Ano pa bang gagawin ko dito. Pero yun na yun. Bakit parang umaakto siya na parang wala lang yung kagabi. Kahit wala naman talaga nangyari.

"Okay sir." Yun nalang ang nasabi ko sabay alis sa office niya.

Nang makarating naman ako sa office ko ay agad akong umupo sa swivel chair ko.

'Bakit ganun nalang siya umakto?'
'Ano bang nangyayari sa kanya?' Bat bigla siyang Na Bad Mood?

Bigla ko nalang naalala ang kanina pang tanong na bumabagabag sakin 'pano ba ako nakatulog?'

Nang alalahanin ko itong mabuti ay nahiya nalang ako sa sarili ko. Kainissssssssssss

'Nakatulog pala ako habang nakakandong sa kanya kagabi!' Busetttttttt!!

'Nakakahiya ka Shaira' aniko sa sarili ko habang pinapalo ang ulo ko.

Pero bakit ganun nalang ang pagakto niya? Bakit para sa kanya wala lang yung kagabi? Naalala niya ba ang nangyari kagabi kaya ganon?

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon