CHAPTER 21

1.3K 58 0
                                    

Shaira Denize POV

Pagkatapos kong icancel lahat ng appointment ni sir ngayon ay nagiisip pa ako kung pupunta ba Talaga ako. Pero knowing sir Hindi nun papayag nagpaalam ako may Danni na naalis na. Nagtanong pa kung saan ako pupunta at nasaan si sir. Pero di na ako sumagot. Tinukso pa nga nya ako na baka makikipagkita kay Sir Jhared. Pero diko nalang sya sinagot.

Habang nasa taxi ako ay iniisip ko kung bakit ako pinapapunta ni sir. May sakit pa ba siya? Pero habang nagiisip ako ay...

How-how you like that? You gon' like that that that that that (that that that that) How you like that? (bada bing, bada boom, boom, boom) How you like that that that that that (that that that that)

Now look at you, now look at me (uh) Look at you, now look at me (uh) Look at you, now look at me

Biglang nagpatugtog si manong driver.

"Para po kasing may iniisip kayong problema maam ehh kaya't nagpatugtog ako. Ang alam ko kaso mahilig Ang mga katulad niyo sa ganito. " paliwanag niya kaya nangiti naman ako dahil Ang bait niya.

"Pano nyo naman po nasabi na mahilig kami jan?" Tanong ko sa kanya.

"Ang nag-iisa ko kasing anak ay paborito Ang mga ganyan lagi niyang pinapakinggan" natatawang sabi niya. Halata sa kanya na Masaya habang kinukwento Ang anak niya.

"Sige po manong salamat po sa uulitin." Nakangiting sabi ko

Pagkababa ko ay nandito na naman ako sa malapalasyong bahay ni Jhared.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko si manang kaya nilapitan ko siya.

"Good Morning po" nakangiting sabi ko.

"Good Morning din iha nasa taas nga pala si jhared. Naku! Ang batang yan parang laging meron Ang sungit." Sabi sa akin ni manang habang tumatawa.

"Sinabi nyo pa Manang. Sobrang sungit ng alaga nyo." pabiro kong sabi. Humagik gik naman ng palihim si Manang.

Umakyat na ako sa taas at kakatok na sana ako ng bumukas ito at tumambad sa akin si jhared. Kakaligo nya lang ata.

"What took you so long?" Masungit na sabi nito.

"Ahh sorry kasi diba SIR medyo natagalan pa ako kakahintay ng taxi na pagsaSakyan ko" pabalang na sabi ko "Bakit mo nga pala ako pinapapunta dito?" Tanong ko sa kanya

"I'm bored. Let's go to the mall" mabilis na sabi nito.

Kumunot naman Ang noo ko. Ang lakas ng tama nitong lalaki to ah.

"Mall? Magaling ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Akmang hahaplusin ang noo nya pero nagsalita sya

"Yah Magaling na ako." tamad na sagot niya kaya't napanganga ako.

"Eh magaling ka na pala bakit mo pa pinacancel yung mga meeting mo?" Parang nagtatantrums dito.

Nagulat naman siya sa reaksiyon ko.

"May nakakatawa ba?" Inis na sabi ko sa kanya kung Hindi ko lang to boss baka hinalikan este binatukan ko na to.

"I want to be with you." Sabi niya ng nakatingin sa akin ng seryoso.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano ba yan marupok ako eh. Wag kang ganiyan Jhared

"A-ahh Tara na nga" sabi ko sa kanya. Hindi ko na sya hinintay sumagot bumaba na ako agad.

Pagkarating namin sa mall nagikot-ikot muna kami dahil maaga pa naman.

"Let's go" sabi niya sa akin. Pumunta kami sa loob ng Isang boutique Nagulat ako ng may ibinaba siya sa harap kong flat shoes . At lumuhod

"Para saan yan? Anong gagawin ko jan?" hindi mapakaling sabi ko.

Hinawakan nya naman ang paa ko at inalis nya ang suot kong heels. Pagkatapos ay sinuot nya saakin ang flat shoes.

"I saw you having trouble with your heels that's why." Sabi niya. Tumayo na sya pagkatapos maisuot saakin.

"T-thanks" nahihiyang sabi ko dahil napansin pa pala niya yun. Tumalikod na ako dahil napapansin ko na pulang pula na ang mukha ko sa hiya.

Habang kumakain kami ay napansin kong nakatitig siya sa akin kaya naiilang ako.

"I-is there something wrong with my face?" Tanong ko sa kanya o diba English. Wag ako!

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. ANG LAPIT NG MUKHA NIYA!

"B-bakit may dumi ba?" Kina kabahang tanong ko.

Ngingisi-ngising ipinakita niya sa akin Ang dumi sa gilid ng labi ko. Nakakahiya kung ano anong iniisip ko.

Alam ko kung bakit pangisi-ngisi Ang Isang to dahil panigurado namumula na Ang mukha ko sa hiya. Nakakaloka kasi kailangan pa bang ilapit ang mukha nya saakin.

Pagkatapos naming kumain ay akala ko uuwi na kami. Kaso

"Let's go."

"Ha? Saan?"

"Park"

Hinila nya na ako kaya nagpatianod nalang ako.Naghanap kami ng mauupuan. Tahimik lang kami pero siya Ang unang bumasag nun.

"What do you think of me?" Tanong niya ng Hindi lumilingon.

"What do you mean?" Napatingin na ako sa kanya.

"I mean. What do you think of me? Not as your boss but as Jhared."

"Ahh alam mo ba nung una kitang nakita natakot ako sayo ng sobra yung feeling na gusto ko ng magbackout pero inalala ko nun kailangan ko tong trabahong to." sincerong Kwento ko sa kanya. Hindi naman sya nagsasalita kaya pinag patuloy ko ang kuwento ko..

"Pero ngayon na makakasama kita nalaman ko na sobrang bait mo Talaga." halatang nagulat sya sa sinabi ko

"Really? Your not afraid of me?" Tanong niya sa akin.

"Bakit naman ako matatakot sayo? Totoo naman yung sinabi ko." pagtatapat ko.

"I hope so even if you know the truth" sabi nito pagkatapos ay tumayo na.

"What?" Tanong ko sa kanya. Anong totoo? Tumayo na din ako.

"Nothing. Let's go" sabi niya pagkatapos ay ngumiti walang halong pang-aasar.

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireWhere stories live. Discover now