CHAPTER 20

1.4K 62 0
                                    

Shaira Denize POV

Sa wakas at naka dating na rin ako sa bahay.

"Oh Anak! Kala ko ba malelate ka ng Uwi? Saan ka galing ba?" sunod sunod na tanong ni Mama.

Umupo muna ako sa sofa bago sinagot ang tanong ni mudra.

"Yung Boss ko kasi tumawag pinapapunta niya ako sa bahay niya.n Nilalagnat pala sya." pangiti ngiti naman si mama "Pero medyo okey naman na sya kaya iniwan ko na sya dun" sabi ko. Ngumisi naman sya.

"Anak ah." kinikilig na sabi "Awu! Bat ikaw pa ang pinapunta nya sa bahay nya bat hindi ang Doctor. Asus Anak ah iba na yan" Oo nga no! Bat hindi nga ba doctor ang tinawagan nya. Hay Nako.

"Ewan ko sayo Ma." pout kong sabi. Ngumisi nalang sya.

Umakyat nalang ako sa kuwarto ko para humiga ulit.

"Ayus na kaya yun?' sabi ko sa isip ko. Nakakaililang kasi ang pagtingin nya. 'Dapat bang hindi ko sya iniwan dun?' Iling iling bat ko naman sya aalagaan bakit doctor ba ko.

Aish bahala na nga makatulog na nga muna. Pero hanggang pagtulog ko sya parin nasa panaginip ko.

Naka gising nalang ako dahil sa ihip ng hangin dito sa bintana ko. Pagkamulat ng mata ko ay nabungaran ko na gabi na pala. Pero wait! Wait! parang hindi ko maalala na binuksan ko ang bintana dito sa kuwarto. Erase! Erase! Wag mong isipin na may multo baka si Mama lang ang nagbukas ng bintana ko kaya ganiyan.

Tumayo na ako at nagpunta sa Banyo para magmumog. Pagkatapos kong magmumog ay bumaba na ako sa kusina dahil nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Napansin naman ako ni Mama na pababa na.

"Sakto at nakahain na ako. Halikana kumain na tayo" anyaya ni mama.

Kaya umupo na ako sa upuan para kumain. Ang ulam namin ay Adobo. Si Mama na ang nag lead ng Prayer ngayon. Pagkatapos ng prayer ay nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta naman na ang SIR mo nak?" pag tatanong nya. Inirapan ko naman si Mama. Mag aasar nanaman to ih.

"bat dimo tawagan ma at saakin mo tinatanong! Paki ko ba dun!" ani ko.

Tinawanan nya lang ako kaya binilisan ko nalang ang pagkain ko kasi nakakainis Si mama nag aasar nanaman.

Pagkatapos naming kumain ay syempre maghuhugas ako ng pinggan. Ilang pinggan lang naman ang huhugasan ko kaya oki lang. Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na ako sa kuwarto dahil hindi naman ako mahilig manuod ng TV.

Umupo muna ako sa kama ko para magpahinga muna. And after that i'm going to take a bath then  do my Skin care Routine. Pak! English yun.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay nakita ko yung cellphone ko sa desk. Bumaba na kaya yung lagnat nya?
Ma itext ko nga sya.

From: HARI NG KASUNGITAN!
     Okey na po ba yung pakiramdam mo Sir?

Iling iling! Bat ko ba sya kakamustahin? Ano ako Girlfriend. Burahin ko na nga. O Shockks na Send. Shocks pano idelete to? Hala baka ma miss interpret nya! Aish nakakahiya makaligo na nga.

Habang naliligo ako ay kung ano anong pumapasok sa isip ko. Ang tanga kasi bat ko ba kasi na send yun. Bahala na nga bukas.

Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko, nagmuni muni at naka tulog na rin.

Medyo late na akong pumasok sa office kasi nahihiya akong magpakita kay Sir. Pagkadating  ko sa office ko  ay medyo maingay. 'Bat kaya sila maingay' dati rati naman ang tahimik dito ah.

"Oy Ghorl! Bat ngayon ka lang pumasok ah?" bungad na tanong ni Danni.

Nilapag ko muna ang bag ko bago sya sinagot sa tanong.

"Medyo late kasi akong nagising kaya na late ako" bat totoo naman yun ah "Bat nga pala ang ingay dito sa office ngayon?" tanong ko

"Wala pa kasi si Sir Jhared. Nagtataka nga kami kasi hindi namam sya nalelate na pumasok!" sabi nya habang tumitingin tingin sa mga katrabaho "Ikaw alam mo ba kung bakit na late sya since secretarty ka nya naman" pagtatanong nya.

"A-ah E-h" utal kong sabi. Nakatingin naman sya saakin " H-hindi ko din alam kung bakit ih."

Na ngunot naman ang noo nyA.

"Ngek! Bat naman kaya wala pa sya hanggang ngayon?" tanong nya ulit. Sasagutin ko sana ang tanong nya kaso tumunog ang Cellphone ko kaya lumayo muna ako sakanila bago sagutin ang tumatawag. Tinignan ko ang Caller at si Sir Jhared ang tumatawag.

"Ah Hello Sir!" Bati ko sakanya. "Good Morning po"

"How's my Schedule Today?" tanong niya.

Lumapit naman ako saglit sa desk ko at tinignan kung anong schedule ni Sir Jhared ngayon. Lumayo naman na ako ng konti pagkatapos tignan.

"Your Schedule for today Sir is You Have a meeting for the investor at 8:30 next is meeting of the board at 10:30 and last is meeting for Mister Chan at 3:30"

Pagkatapos kong sabihin ay narinig ko siyang huminga nang malalim. Baka may lagnat pa rin sya.

"Cancel all of my Schedule for today." sabi niya.

"Okey Sir Copy." sabi ko. Wala nang nagsalita saamin pagkatapos nun. Ibababa ko na sana kaso nagsalita pa siya.

"And" Putol nyang sabi "Pagkatapos mong Cancelahin lahat ng schedule ko ay pumunta ka dito sa bahay ko"

Napasinghap naman ako sa sinabi ni Sir. Ano nananaman kayang gagawin ko dun sa bahay niya? Hala naalala ko nanaman yung nangyari kahapon.

"Ah Sige Sir Copy" nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako nautal sa sinabi ko.

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireWhere stories live. Discover now