CHAPTER 31

995 56 1
                                    

SHAIRA DENIZE POV

Gosh! Para siyang si Jhared kapag tinitingnan ako ng masama. Sandali nga! Huhu naalala ko na naman siya.

"Uy ano na namang nangyare sayo?" Tanong ni kyrie. Gwapo ng pangalan niya no? Syempre gwapo din may-ari eh pero shh Lang kayo baka lumaki ulo nito eh. Hays kung hindi ko Lang siguro nakilala si Jhared? Add to heart ko agad tong si kyrie HAHA

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya

"Ayan oh" sabi niya sabay punas sa mukha ko. Umiiyak na naman pala ako. " What happen? Come on tell me may umaway ba sayo? abangan ko" natawa nalang ako sa sinabi niya pero napahinto ako ng makitang nakatitig siya sa akin kaya napakunot Ang noo ko.

"Anyare sayo?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Wala. Ang ganda mo pala pag ngumingiti" paniguradong namumula na Ang mukha ko.

"T-tss t-tara na n-nga balik na tayo dun" nakakahiya! Nauutal pa ako.

"Okay"

Pagkaubos namin ng ice cream ay napagpasyahan naming umuwi na.

"Hatid na kita" sabi nito

"Hay naku wag na nakakahiya naman" may hiya pa naman ako no

"No I insist" hays ayoko sanang magpapilit pero hayaan na nga.

"Fine"

Itinuro ko Lang sa kanya Ang daan pauwi sa amin. Nang makarating kami ay bumaba na agad ako at bumaba din siya.

"Ahm thank you pala" sabi ko sa kanya dahil pansamantalang nakalimutan ko si Jhared

"Wala yon. Come on magkaibigan na tayo diba?" FC talaga to

"Sige na nga, para naman may kaibigan kang maganda" sabi ko na ikinahalakhak niya tingnan mo tong lalaking to Ang sama.

"Patingin nga Ng Mukha mo? Saan banda Jan HAHA" Sabi nya Jaya sinamaan ko Ng tingin

"Pfft don't look at me like that, oo na maganda ka na" napasimangot ako dahil hindi pa din siya tapos tumawa

"Umuwi ka na nga"

"Pfft eto na. By the way dahil magkaibigan na tayo pwede ko bang makuha number mo?" Aba speed din tong lalaking to ah alam ko mg-

"Pfft alam ko iniisip mo hindi kita type no " ouch! Grabe ahh.

" Luh! Gwapo ka Kyahh?" sabay irap ko sa kanya "Amina cell phone mo" sabi ko, ibinigay naman niya at tinype ko Ang number ko pagkatapos at ibinalik ko na.

"Thanks" sabay kindat niya sa akin at tumalikod na agad pero bago siya pumasok sa kotse niya at may sinabi pa siya na ikinatawa ko

"By the way wag mo siyang masyadong isipin tsk mas gwapo ako sa kanya" sabay pasok sa kotse niya at umalis na

Hays pano niya naman nasabing lalaki problema ko? Halata ba? Hayaan na nga Ang importante napasaya ako nung lalakeng yun kahit na kakakilala palang namin.

"Oh anak Sino yung naghatid sayo? Parang hindi yun yung boss mo." Nasa may hamba ng pintuan si mama.

"Opo ma bagong kaibigan" sabi ko nalang para hindi na siya magtanong about kay Jhared

"At kelan ka pa nagkaroon Ng Kaibigan Aber?" Tanong ulit Ni Mama

"Kakasabi ko nga Lang diba Ma. BAGO nga Po diba. Naku Naman Mama" sabay kamot sa ulo

"Namimilosopo ka nanamang Bata ka" Kunwaring inis Ni Mama

"Bat Ba Ma!Pilosopo ako E" Sabi ko sabay dila

"O siya sige Bahala ka sa Buhay mo, kumain ka na dun at tapos na ako hindi na kita nahintay inaantok na ako" sabi niya sa akin kaya hinalikan ko si mama sa pisngi at nag goodnight

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ko at naligo bago mahiga pero bago pa ako makahiga ay lumapit ako sa bintana dahil nung linipad yung mga kurtina ay parang may nakita akong tao sa baba. Hindi kaya si... hays ano ba yan hanggang ngayon pa naman ba umaasa ka Ha? Shaira? Makatulog na nga Lang.

Kinaunagahan ay maaga akong nagising. Eto na naman tayo makikita ko na naman siya. Kung may mahanap Lang akong ibang trabaho magreresign ako eh pero wag na Lang baka isipin pa niyang nagseselos ako pero sa totoo nagseselo- hays kailangan ko na talagang maligo kung ano-ano na naiisip ko eh.

"Shaira? Anak?" Katok ni mama habang nagbibihis ako.

"Bakit po ma?" Tanong ko pabalik at tinapos na Ang pagbibihis

" Dalian mo diyan at may bisita ka sa baba " huh? Sinong Bisita? Hindi Naman siguro sya.

"Sige po ma" sabi ko nalang at agad na bumaba na

Pababa palang ako ay alam ko na kung Sino tong feel at home na BWISITA ko.

"Hey morning " nakangiting anito

"Ano namang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay kyrie oo siya yung Bwisita ko

"Tss ihahatid kita" sabay kindat nito

"At bakit? Feeling close ka talaga kahit kakakilala Lang natin no? " sabi ko sabay irap

"Tita oh inaaway ako nitong anak niyo" sabi niya nagpapaawa kay mama.

"Tita?" Taas kilay kong tanong

"Ano ba yan Shaira, nagmamagandang loob na nga itong kaibigan mo para makatipid ka" what the? Kelan pa sila naging close? That fast?

"Kaya nga po tita" nakangising sabi pa niya habang tumitingin sa akin.

"Tara na sa kusina at magumagahan na" sabay pasok ni mama sa kusina

Sabay-sabay kaming kumain ng umagahan oo sabay-sabay pati si kyrie napaka feel at home talaga nito imagine kakakilala palang namin tapos parang siya pa yung anak ni mama kung asikasuhin

"Oh anak bakit parang di ka na hinahatid ng boss mo?" Nilang tanong ni mama kaya napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Ahh busy siya ma" sabi ko nalang

Pagkalabas namin ng gate ay nagsalita si kyrie.

"So boss mo pala Ang dahilan kaya ka umiiyak kahapon " sabi niya sa akin na ikinabuntonghininga ko nalang.

"Hindi no! Ang Chismoso mo! Tara na, kala ko ba ihahatid mo ako?" Sabi ko nalang dahil ayaw ko siyang pagusapan kahit makikita ko rin naman siya mamaya. Hindi pwedeng hindi kami magkita BOSS ko siya SECRETARY niya ako remember?

Pagkadating namin sa company at bumaba kaagad ako at magpapasalamat na sana kay kyrie ng mahagip ng mata ko si Jhared na madilim Ang mukha habang nakatingin sa amin ni kyrie umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang titigan.

"Salamat sa paghahatid" nakangiting sabi ko sa kanya, alam kong hanggang ngayon at nakatingin pa rin si Jhared pero mukha ko Lang Ang nakikita niya dahil nakatalikod si kyrie sa gawi niya.

"Sige bye na, wag kang iiyak sa harap ng boss mo ah? I'm always here you can call me anytime anywhere" pagkatapos ay tumawa siya at umalis na. Napabuntong hininga nalang ako habang tinatanaw siya hanggang sa lumiit na ng lumiit Ang sasakyan niya. Whoo kaya mo to Shaira! Tama si kyrie you need to be strong.

-------------------------

THANK YOU SA PAGBABASA
I LOVE YOU ALL❤️

PLEASE COMMENT AND VOTE

COMMENT PALA KAYO KUNG ANONG GUSTO NYONG ITAWAG  SAINYO❤️

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang