CHAPTER 16

1.5K 67 3
                                    

Shaira Denize POV

"Meeting adjourned" sabi ni Sir Jhared.

Lumabas naman na ang mga ka meeting nya at naiwan kaming dalawa.

"Natapos mo na ba ang pinapagawa kong report para sa lunes?" tanong ni Sir.

May pinagawa kasing presentation para sa report ni Sir sa lunes. Actually natapos ko na kagabi pa yun madali lang naman yun. Sanay naman na ako.

"Ah Yez Sir. Nasa table ko na po sya gusto nyo po bang makita? Andun din po yung hard Copy" tanong ko akmang lalabas pero pinigilan nya ko.

"Ah No need its okey Sa lunes nalang. Yung pinagawa ko nga pala sayo na xerox na tapos mo na?" tanong nya ulit

"Yez Sir! Lahat ata natapos ko na Hihi!" sabi ko habang nakangiti. Nakita ko naman si Sir na napangiti din.

"Oh! So rest day mo bukas? Tumango naman ako. Walang gagawin ah!" ngising sabi nya.

"Yez naman Sir! Mag mamall nalang ako bukas para ma relax naman ako kahit papaano." sabi ko kay Sir.

Mag mamall nalang ako bukas Since may trabaho naman na ako. Mamasyal lang ako hindi naman ako bibili nang mga mamahaling gamit hindi kaya ng bulsa ko.

Napatigil kami sa pag uusap ni Sir ng tumunog ang Cellphone nya. Kinuha nya naman sa Suit nya. Tumayo naman sya at lumayo ng konti. Tinititigan ko naman si Sir Jhared.

Ang pogi nya talaga. Siguro may asawa na sya o kaya girlfriend. Imposible naman na wala pa sa guwapo nyang yan. Nako mukhang mag papaiyak ng babae. Likod palang ni Sir ang guwapo na ng pangangatawan. Ilang Abs kaya ang meron si Sir. HAHA baka 6 nA Abs. Yummy!!! Napa iling iling naman ako sa mga iniisip ko. Pati boss ko pinag papantasyahan ko.

"Okey! I'm on the Way" sabi nya sa kausap. Tumayo naman na ako nung papalapit sya. "We need to go. Sumabay ka na saakin. Ihahatid na kita pagabi nA rin" sabi nya hindi na ako nag pabebe syempre Si Sir na ang nag aya hayaan mo na akong maging marupok. HAHA!

Nakasakay na kami ngayon ni Sir sa Honda nya. Ang tahimik kaya naisipan kong mag patugtog para maibsan ang katahimikan. Ilang oras lang ay binasag ni Sir Jhared ang katahimikan sa loob ng kotse.

"I don't like it when you talk to Clark like you are friends" aniya sabay tingin saakin. Nakahinto kasi ang sasakyan nasa stoplight.

"Aw Sorry Sir. May mali po ba? Sorry po hindi na po mauulit. Bawal po bang makipagkaibigan sa mga kaibigan nyo Sir?" naiilang kong sabi. Shocks bat ganon bawal ba?

"Hindi sa bawal. Basta ayaw ko lang nakikitang malapit kayo sa isat isa" sabi nya sabay iwas ng mata saakin.

"Oh sige po Sir Sorry po." sabi ko.

Pagkatapos kong sabihin yun ay tumahimik nanaman. May mali ba akong nasasabi? Hayst bahala na nga si Sir jan. Nakadating na rin kami sa bahay. Binaban nya rin ako sa pinagbabaan nya saakin dati. Bago ako bumaba tinignan ko muna si Sir.

"Sir Thank you po sa Paghatid saakin ulit. Baka gusto nyo munang lumuob para mag kape or juice." alok ko. Pero naalala kong may pupuntahan pa ata si Sur Jhared.

"Next time nalang Shaira. I have to go na kasi." sabi nya kaya lumabas na ako. Kumaway nalang ako.

Hinintay ko munang makalayo ang sasakyan ni Sir bago pumasok sa bahay. Naabutan ko naman si Mama na nanunuod ng TV. Nag kuwentuhan lang kami saglit at lumuob na ako. Humilata lang ako saglit pero hindi na kaya ng talukap ng mata ko kaya nakatulog na Ko.

Andito na ako sa Mall medyo napa aga ata ako kasi yung ibang branch magbubukas palang ng store nila. Punta muna ako sa Bookstore magtitingin ng kung ano ano. Ay oo nga pala bibili ako ng Ballpen and note paubos na kasi ang stock ko

Papasok na ako sa Bookstore at ang mga mata ko ay nagniningning at ang mga tenga ko ay nagpapalakpakan. HAHA.

Nagtitingin tingin muna ako ng mga libro dahil mahilig din akong magbasa basa. Sa kakatingin tingin ko ay may nabungo ako. Napapikit ako dahil napakatigas ng nauntog saakin akala mo pader. Pagmulat ko ng mata ay napasinghap ako dahil hindi pader ang nasangga ko kundi tao. Ang tigas ng biceps nya shit. Duon kasi ako nauntog. Lumayo ako ng konti at mas lalo pa akong napasinghap dahil si Sir Jhared ang nabunggo ko.

"Sir! What are you doing here?" ilang kong sabi.

Bat ganon kahit simple lang suot nya ang wafu nya parin. Naka shades pa sya jusko. My Heart Went Ops! Hihi. Kahit mga lalaki mapapatingin sakanya sa kagisigan nya. Jusko baka papalakpak ang mga bakla.

"Sir Paisa naman jan. Kahit isang Round lang."

"What the F*ck! What are you  f*cking saying? Isang Round lang? F*ck"

Kingina nasabi ko ba yung nasa isip ko? Kinginaaa! Lamunin na ko ng lupa. Shit

"A-ah Sir What I mean is may kasama ka ba? Samahan mo naman ako Sir Isang Round lang. Yun Sir yung gusto kong sabihin Hehe." palusot ko. Takte pinagpawisan ako ah Anak ng tokwa.

Naniwala naman ata si Sir sa palusot ko kaya naglakad na ako papunta sa ballpen section. Kumuha lang ako ng limang black and limang Black para may reserba ako. Nakasunod lang naman saakin si Sir. Kumuha din ako ng limang stickynote. Yun lang kinuha ko at pumunta na ko sa Counter.

350 lahat ng yun. Iaabot ko na sana ang bayad ko kaso may inilapag na ATM si Sir.

"Sir ako na po ang Magbabayad Since akin naman yan." inabot ko naman sa saleslady pero hindi nya kinuha. Tinignan ko naman si Sir pero iiling iling sya.

"Nah! Nabayaran ko na kaya wala ka ng magagawa" kinuha nya na ang ATM nya pagkatapos ay lumabas.

Kinuha ko na ang binili ko este ni Sir Jhared pala. Tumakbo ako para mahabol ko sya. Ang laki kasi ng hakbang nya.

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireWhere stories live. Discover now