"Eleanor..."
She smiled again. Parang napakadali lang sa kanya ang ngumiti kahit ang bigat ng kalooban niya. She pulled away at humarap sa mga pangalang nakita ko.
"So that's my mother right there." She told me. Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. Wala naman akong alam sa pagcocomfort ng isang tao. Nahirapan na nga akong icomfort ang sarili ko everytime I would try to nurse my broken heart. Paano pa kaya kung ganito?
"She died almost four years ago." Natahimik naman ako. Wala akong karapatan magsalita. Eleanor is telling me this story even when I didn't ask for it. So I should at least be thankful. Kahit naman medyo matagal na kaming magkakilala ay kakaunti ang alam ko sa kanya, sa buhay niya at kung anong meron siya bago pa kami magkakilala noon sa bar.
Eleanor smiled bago ako tingnan, "Siguro nagtataka ka kung bakit ko to sinasabi sayo no?" Napatango na lang ako ng bahagya.
"Maiintindihan mo din." Ngumiti ulit siya. Gusto ko siyang hangaan sa abilidad niyang ngumiti kahit anong mangyari. Kahit andito kami ngayon nakatao sa harapan ng puntod ng mama niya.
I just learned another thing: Eleanor is also a strong woman.
Something I am not.
Konting masamang bagay na nangyari sa buhay ko, nakasimangot na ako at binubunton ang galit kung kaninuman. Now that I think about it, mukhang nakasimangot naman talaga ako lagi. Hindi naman siguro ako matatawag na masungit kung ganoon. Hindi katulad ni Lourd na hindi na mapawi ang ngisi sa labi.
Tiningnan ko lang siya at inantay magsalita. I don't want her to stop. Gusto ko siyang kilalanin. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya.
"So, I was nineteen back then when my Mom got pregnant with my sister, Elana Kier." Panimula niya. Tiningnan niya ako at ngumisi habang pinagmamasdan ako.
"What is it?" tanong ko dahil naweweirduhan ako sa ngisi niya.
Umiling naman siya. "Madami ang nagugulat kapag sinasabi ko na may kapatid ako especially when I tell them it's my younger sister, Lana. Hindi sila makapaniwala na panganay ako. Why? Alam ko naman. Hindi ako mukhang responsible para maging Ate. Mas bagay sakin ang unica hija or spoiled brat." She grinned. Hindi pa rin ako nagsasalita. Alam ko din namang gusto lang niya akong makinig sa kanya kaya niya ako dinala dito. She needed a listener, so here I am. Wala namang problema yun sakin basta siya yung kasama ko.
"Anyway, I was actually happy when I learned I was gonna be an Ate soon, believe it or not. So lagi akong kasama sa mga check-up ni Mom with her Doctor. Close kasi kami ng Mom ko. Lagi akong nakikinig sa kanya, sa mga bilin niya." Hindi ko mapigilang ngumisi. My lips twitched into a mocking smirk. Hindi ko lang lubos maisip na naging 'masunurin' palang anak si Eleanor sa Mama niya. She must look adorable.
An obedient Eleanor? Miracles do happen.
"Tigilan mo ako sa pagngisi mo!" She punched my arm playfully kaya tinawanan ko na lang siya. "Ganun ba kahirap paniwalaan? Kahit itanong mo pa kay Dad! I was obedient―"
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...
