"Right now if you really want me to forgive you, I suggest you do one thing. Makinig ka lang muna sa lahat ng sasabihin ko no matter how much they would cost you. Makinig ka lang. Wag kang magtatanong. Trust me in this. Okay?" I nodded reluctantly as she started driving.
Papatayin niya ba ako?
Seriously, Chance. Talo mo pa ang babae maging paranoid.
I'll trust her in this then.
Hindi na lang ako umimik habang nasa biyahe. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya pero seryoso lang siya sa pagdadrive. May kung anong expression sa mukha niya ang hindi ko maintindihan.
Napaayos lang ako ng upo sa sasakyan nung mapansin kong sa isang Memorial Park kami nagpunta. Tiningnan ko si Eleanor pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Ni hindi pa rin siya umiimik.
Bago pa ako makapagtanong ay bumaling siya sakin, "May bibisitahin tayo. Come on, I'll introduce you to someone." Hindi ko namalayan na nakapagpark na pala siya. Nauna na siyang bumaba sa sasakyan kaya bumaba na din ako. Halos wala namang laman ang Park maliban sa mga bilang mong tao na mukhang binibisita ang puntod ng mahal nila sa buhay.
Naglakad si Eleanor palayo kaya sinundan ko na lang siya. Maya-maya ay narating namin ang isang magarang mausoleum. Eleanor got a key from her purse and opened the place. Hindi naman ako sanay na ganitong bumibisita sa patay na, dahil wala pa namang deceased sa family namin.
Nakatingin lang ako kay Eleanor pagpasok namin. Her expression was still unreadable. Hindi ko alam na namatayan na pala siya. That should be worse than what I had experience. At least yung mga taong nang-iwan sakin, andito pa din at pwede ko pa silang Makita. Hindi ko man lang nahalata or naisip na nawalan na siya ng mahal sa buhay.
I grabbed Eleanor's wrist para iharap siya sakin. Nakatingin lang ako sa kanya pero nakatungo lang siya. Hindi ako umimik but I pulled her into a hug.
"Eleanor, wala akong alam. Pero hindi ako magtatanong dahil yun ang sinabi mo. I trust you in this because you told me to. But let me hug you for a while okay?" I felt her nod against my chest. Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya as I kissed the top of her head.
Maya-maya ay napatingin ako sa pangalan na nakasulat sa dingding.
Mariya Katherine Cruz- Gonzales
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin doon. Gustong-gusto ko ng magtanong kung anong nangyari pero gusto kong ipagkatiwala na lang sa kanya ang lahat.
Kilala ko si Katherine Gonzales. Siya ang asawa ni Mr. Gonzales, siya ang nanay ni Eleanor.
Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Nakaramdam ako ng kaba as I cupped her face para tumingin sakin. Eleanor forced a small smile pero kahit anong tago niya sakin ay alam ko at ramdam ko ang kalungkutan niya. Hindi ko akalain na makikita ko pa siyang ganito kahina.
ESTÁS LEYENDO
No Strings Attached
Ficción General[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...
