Natapos ang kanta at bumalik sa amin si Lourd para bawiin ang bride niya. He immediately hugged Monique and kissed her squarely on the lips. Napangiwi na lang ako. Possessive as always. Tumawa lang si Monique bago ako balingan, "Chance yung bilin ko ah." She said with a wink. Napatingin lang sakin si Lourd, "Anong bilin?"
May binulong sa kanya si Monique at napangisi si Lourd. "Go get her, Bro." He smiled wickedly. Tiningnan ko lang siya ng masama bago tumingin sa paligid. Madami pa din naman ang nagsasayaw. I even spotted James dancing with Trisha, the maid of honor, and Monique's best friend. Gusto kong tumawa. James is really making his own move.
Maybe I should make mine, too.
I shrugged bago lapitan si Eleanor. Nakangiti lang siya as usual. We danced for one more time before deciding to leave the reception. Kinwento lang niya sakin ang mga kalokohan ni Lourd na sinabi sa kanya. Nagpaalam lang kami sa parents ko, kay Fier na mukhang hindi pa din makapaniwala na si Eleanor ang kasama ko at sa bagong kasal na mukhang masaya naman sa isa't-isa.
As usual, hawak ko na naman ang kamay ni Eleanor palabas ng venue papunta sa parking lot. Hindi naman nagrereklamo si Eleanor kahit hawak hawak ko lagi yung kamay niya.
I don't know but I feel happy whenever I hold her hand. It was as if I could get a hold on her life too.
I glanced at my wristwatch, it was already 2 in the afternoon. Medyo maaga pa kung uuwi na agad kami. Tiningnan ko si Eleanor na nakatingin lang din sakin.
"2 pa lang. San mo gustong pumunta?" I asked her. Minsan naninibago din ako sa sarili ko when I'm being casual with her. When we act like normal person (not that I am saying we're abnormal). Parang mas sanay ako sa sarili kong lagging nagtatrabaho, formal at proper.
Hindi yung katulad ng ganito na kung saan na lang kami pupunta depende kung saan namin gusto. But if I have to be honest with everything, alam kong gusto ko na ganito na lang palagi.
Eleanor shrugged as she shifted from one foot to another, "Diba hindi pa kita fully napapatawad?" Tumango naman ako ng bahagya. Ang weird niya talaga. Parang kanina lang nung nagsasayaw kami, okay na okay.
"I'll show you something then I'll forgive you fully." She smiled.
"Ano naman yung ipapakita mo?"
"If I tell you now, I'm gonna kill you." She chuckled then, "Pero joke lang. Tara na, I'll drive okay?" Hindi pa ako nakakapagreact ay nakasakay na siya sa driver's seat. I have no choice but to be there on the passenger seat.
"Talaga bang ikaw ang magdadrive? Bat di na lang ako? Ituro mo na lang sakin kung saan." I suggested pero hindi naman niya ako pinansin. She revved the engine to life before turning to me, her expression was serious.
Bigla akong kinabahan. Bakit naman ganito kaseryoso ang mukha niya?
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...
