Chapter 19: Let me court you

Start from the beginning
                                    

"Let's see kung sino ang pipiliin niya. Kung sino ba talaga ang nakatatak na ang pangalan sa puso niya *smirk*."

Aba, napakaconfident mo naman na ikaw ang pipiliin ni Kath! May pasmirk-smirk ka pang nalalaman! Sa akin lang bagay yan!

"Sa tingin mo, may tiwala pa siya ngayon sayo? After mo pinaniwala na mahal mo rin siya?! Alam mo Vash, ang sakit non! Na si Kath, minahal ka niya! Naranasan mong mahalin ka ng isang tulad niya! Pero ako hindi! Grabe Vash ang tanga mo! Sinayang mo ang pagmamahal niya!

Kung ikaw talaga ang mahal niya at pipiliin niya, handa akong tanggapin. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao ng pagsisiksikan pa ang sarili sa taong mahal niya kahit alam naman niya sa sarili niya na hindi sila parehas ng nararamdaman. Pero right now Vash! I think, wala na siyang natitirang pagmamahal sayo! Kaya lalo lumakas ang loob ko, na may pag-asa pa ako para sa kanya!"

Yes, I am Daniel the Great. Ang taong gagawin ang lahat para sa taong mahal niya.

"Wag mo akong susubukan Daniel. Hindi mo alam ang kaya kong gawin. Katulad mo, hindi ako susuko para kay Kath. Kapag may ginawa kang masama ulet sa kanya, humanda ka sa akin. Mark my words." He smirked but before siya umalis, may inabot siya sa akin.

"Eto na ang sim mo. Binabalik ko na sa iyo. Salamat ha? Napasaya ako nyan." Then unalis na siya.

Buti naman binalik na niya ang sim ko.

"Kung ano ang ibinabanta mo sa akin, ganun din ang sayo. Wag na wag kang gagawa ng kagagaguhan kay Kath.

Dahil kapag ang kamao ko tumama sa mukha mo, putok yan."

Lumingon siya, at binigyan ako ng death glare na para bang katapusan ko na.

Hahahahaha. WOW. Nakakatakot naman itong si Vash. Tinakot pa ako. Iiyak na ba ako? Pinapangako ko, hindi ako gagawa ng kahit anong bagay na makapagpapaiyak kay Kath.

Kath, you're my life now. I will never do anything to hurt you. Seeing you happy pulls me from drowning in this very deep sea surrounding with these dangerous people. You're not mine, but I feel jealous whenever I see you talk with other guys. But I assure you that one day, I will hear those 3 words from you that will cure this sick feeling in my heart. Yes, this is love.

Next Scene: School

"Hello Kath!" Naglakad ako papunta sa kanya. Kasama niya ngayon sina Tine, Joana at Julia. Nakaupo sila ngayon sa isang bench at nagtatawanan pa.

"Oh. Nanjan ka pala Daniel. Hello!" Masayang bati niya sa akin. "Tapos ka na ba magrecess?"

Since ngayon ay Thursday, study period ang pagkatapos ng recess. Pero ang mga estudyante, imbis magstudy ng kung ano-ano for quizzes, recitations, etc., eto nakatambay sa covered court. THIS IS LIFE.

"Yes. Actually kanina pa ako busog eh. Ewan ko ba bakit parang nabusog na naman ulet ako ngayon." Nakita kasi kita Kath eh. Ihhhh <3

"Che! Abnormal ata tyan mo eh!"

"Oo nga eh. Teka, pwede bang makiupo? Kasya pa naman ata ako eh."

"Sure!" Nagtap si Kath dun sa tabi niya, sinasabihan na dun ako umupo. Nakatabi ko pa si Tine. Hahahaha nako lalong lumilt ngayong nakaupo. Parang nakaluhod nalang eh.

"Kamusta kayo?" Tanong ko sa tatlong girls na hawak ang mga cellphone nila. Wow may sari-sariling mga business.

"Ayos naman kami." Sabay sabay nilang sabi habang nakatingin para sa cellphone at nagpipipindot.

Win Your HeartWhere stories live. Discover now