Chapter 19: Let me court you

347 8 5
                                    

Daniel's POV

Weeks after those unexpected revelations from the people whom I considered one of the most important persons in my life, everything changed. Even my trust in them, changed.

"Vash, I treated you as my brother. Hindi nagbago ang friendship natin. Pero after ng ginawa mo sa aking panloloko, di ko na alam kung ano na ang susunod na mangyari sa ating dalawa. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin, pero hindi ko talaga inakala na nagkaroon kayo ng relasyon ng ex ko."

After classes, I asked Vash na mag-usap kami na kaming dalawa lang malapit sa park. Gusto ko lang alamin at makakuha ng mga kasagutan kung ano pa ba ang natitira sa pagkakaibigan namin after ng mga nangyari.

Heart-to-heart talk it is.

"Tandaan mo Daniel, hindi lang ako ang gumagawa ng panloloko." Then bigla nalang siyang nagdribble ng bola, malakas na para bang nanggigil siya.

"Ano bang sinasabi mo?" Tumingin ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya na parang gusto niya akong bugbugin dahil sa galit na pinapahiwatig nito.

"Niloloko mo rin siya." Then he punched me kaya napaupo ako sa sahig. I touched my lips and I saw blood.

Tumayo ako, "Ano bang problema mo?! Wala akong alam sa inaakusa mo sa akin!"

"Walang alam, o ayaw mo lang aminin sa akin?!" Susuntukin ulet sana niya ako, pero inunahan ko na siya. Dumugo na rin ang labi niya.

"Ano ba ang dapat kong aminin sayo?! Oo! Niloko ko si Raezel! Minahal ko siya noon pero nung naglaon, that's when I realized na hindi ko pala siya mahal! Magsama nalang kayong dalawa!"

"I am not talking about that, you stupid jerk!"

"Then what are you talking about?!"

"Niloloko mo si Kath! Niloloko mo ang babaeng mahal ko!" He punched me again, "How can you do this to her?! Akala ko ba kaibigan mo rin siya?! You could do things such as this para lang sumikat ka?!"

"Baka hindi mo alam Vash, may atraso ka rin sa kanya! Niloko mo rin siya! Pinaniwala mo na ikaw ay ako! Napakagago mo! Nagsuot ka pa ng mask, para lang hindi niya malaman na ikaw pala si Vash?! Na ang totoo, ako dapat ang may suot nun! Shit Vash! Hindi mo ba alam, napakahalaga sa akin ni Kath!"

"Talaga? Kung mahalaga siya sayo, bakit nagawa mo siyang lokohin?!"

"....."

Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nagawa ko siyang lokohin noon. Nagawa kong tanggapin ang deal namin ni Raezel. That girl. Ginayuma niya ba ako?

Noon palang, nung first time na nagkabungguan kami sa hallway, hindi lang books niya ang nahulog. Pati ang loob ko sa kanya, nahulog rin. Nakuryente ako. I called it spark of love.

Crush ko palang siya noon. Lihim lang at hindi ko pinapahalata sa kanya at sa kahit kanino. I'm such a coward! Napakaduwag ko para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. Kaya nga nung nalaman ko na mahal pala siya ni Vash, I tried to forget her, for my friend. I tried to love Raezel again, pero hindi ko magawa!

"See?! Manloloko ka rin! Pare-parehas lang tayong manloloko! Lahat tayo, niloloko ang isa't isa! Kulang nalang, tumakbo ang buhay natin sa mga panloloko!"

"I love her. Mahal ko siya Vash. Lahat ng mga nagawa ko, pinagsisihan ko. Kinalimutan ko na lahat yun. The deal, Raezel, as in lahat! Tinigilan ko na ang mga kagaguhan ko. Magsisimula ako ng panibago para sa kanya, para kay Kath."

Win Your HeartWhere stories live. Discover now