11: The Audition

32 14 10
                                    

Kinabusakan, nakasalubog ko si Jay. Well, actually kanina pa ako maghihintay dito sa labas ng room niya. Tapos kunyare, coincidence lang na nagkasalubog kami.

Haaaaay, the things we do for love, ika nga.

"Uy, Hi Jay!" bati ko, kunyareng gulat pa ako. Pwede na akong manalo ng Oscar's nito. Best Actress.

"Hi Chandria!" Bati nya at lumapit siya sa akin. Nagpout naman ako. Asan na yung nickname ko? Free trial lang ba yun?

"Uy, ngayon yung auditions para sa singer ng banda ko ha? Punta ka sa music room after class."

Shet, seryoso pala siya dun? "Ah, sige. Pupunta ako." sabi ko nang wala sa isip. Nakakadistract kasi lashes niya. Bakit ang haba ng lashes ng boys? Unfair ha!

"Sige, aasahan kita dun ha? May iba ring mag-aaudition pero nung sinabi mong marunong kang kumanta, ikaw na ang gusto ko para sa banda." Pinat naman niya ang ulo ko.

SHET! AKO DAW GUSTO NIYA! Well, technically sa banda daw PERO pareho na rin yun! Bumilis tuloy tibok ng puso ko.

"Sige, see you, C!" Sabi niya at umalis na.

Gusto kong sundan siya, gusto kong hilahin siya pabalik para lang mas matagal ko pa siyang makausap pero ayaw kong mawala ang natitirang dignidad ko. Magkikita pa naman kami eh.

•••

Buong araw sa klase, di ako mapakali. Distracted na distracted ako kaya di ako makapagfocus sa klase.

Hindi rin ako sure kung anong nararamdaman ko. Kinakabahan? Natatakot? Ewan! Basta wala ako sa sarili ko.

Hindi ko pa nasasabi kina Gab at Julia ang tungkol sa Audition. Baka kasi magalit sila. Di paman sure kung kukunin akong singer ni Jay sa banda niya.

Nung nagbell para sa dismissal, agad akong tumakbo sa labas ng room at dumiretso sa music room. Nasa labas pa lang ko, rinig na rinig ko na ang hampas ng drums at guitara.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Pagkapasok ko, nakita ko si Jay sa platform hawak ang guitara niya at dalawang lalaking taga grade 10 din na hindi ko alam ang pangalan.

Yung ikinagulat ko, nandito si Krizzy na nasa tabi ni Jay at may hawak na mic. Walang ibang tao dito. Kami lang. Mukhang kaming dalawa lang bi Krizzy ang mag-aaudition.

"Oy, C! Dumating ka." Tawag ni Jay nang makita niya ako.

Lumingon naman si Krizzy at nagsmirk. Grabe, ang kapal ng make up niya ngayon at ang palda niya, napakaiksi. May pa eyeliner pa siya nalalaman. Nagmukha tuloy siyang rocker na nawalan ng career.

"Uy, nandito ka rin pala Chandria? Kaya pala feel ko ang bad energy." komento niya.

Nagroll eyes nalang ako at naupo sa harap nila. Sanay na ako sa mga banat niyang yan. Kung akala niyang affected ako, niloloko lang niya ang sarili niya.

"Sige, simulan na natin." Sabi ni Jay at nagsimula na nga sila.

Maganda naman talaga boses ni Krizzy. Nung summer dati, nagvoice lessons pa nga kami kasama si Julia. Kung titignan ko si Jay at Krizzy, bagay na bagay ang aura nila. Yung talagang bad boy meets bad girl vibes. Parang kabilang talaga si Krizzy sa banda ni Jay. Napakadark ng vibes.

Nalungkot tuloy ako bigla.

Nang natapos ang performance nila, wala akong choice kundi pumalakpak. Ako lang naman kasi ang audience dito. Ang disrespectful naman kung hindi ako papalakpak diba? Tsaka ang gwapong tumugtog ni Jay eh.

"Ikaw na, C." Tawag ni Jay kaya tumayo na ako at umakyat sa platform.

Nung nagkasalubong kami ni Krizzy, talagang binangga niya pa talaga ako. Grabe!

"Ooops, sorry!" Wow, ang sarcastic niya.

Nagfake smile nalang ako sa kanya. Akala mo ha? Tignan natin ngayon.

"Ito yung lyrics, C." Inabot nya ang papel. Tinanggap ko naman kahit kabisado ko na ang kantang to.

To be honest, ayaw ko mg mga ganitong kanta. Yung parang Rock o Metal? Basta yung masakit sa tenga? Pero dahil ito gusto ni Jay, gagawin ko nalang.

Gusto ko rin patunayan ang sarili ko kay Krizzy na nakaupo na sa harap namin. Nakakainis. Wala naman akong ginagawa pero parang ang laki ng galit niya sakin.

Nagsimulang tumugtug ang banda. Hinintay ko ang cue at nagsimulamg kumanta. Talagang tinodo ko ito at feel na feel ko naman kahit ang sakit sa tenga.

Pagkatapos ng kanta ay agad nagsalita si Jay. "Si Chandria na ang singer natin." Nagsmile siya sa akin.

Shet! Gusto kong tumalon sa tuwa. Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto!

"Ano?!" Reklamo naman ni Krizzy.

"Ay nakalimutan ko, Sorry Krizzy." sabi ni Jay sa kanya. Talagang pinigilan kong matawa kasi mukhang galit na galit siya.

"Pagsisisihan mo to!" dagdag pa ni Krizzy at tumayo na siya para umalis. Bago niya padabog na isinara ang pinto, itinaas pa niya ang middle finger niya sa harap namin. Attitude talaga!

"Grabe, ang lit ng boses mo, C!" amaze na sabi ni Jay. Mukhang mahilig talaga siya sa salitang lit.

"Thanks!" sagot ko naman.

"Punta ka sa amin within this week. May practice tayo." Sabi niya habang nililigpit ang guitara niya.

Sheeeeeet! Ininvite na niya ako sa kanila. Big move to! Kalma lang heart!

"Eto pala si Ralph at Lanz." Pakilala niya sa ibang bandmates.

"Hi sa inyo!" Nagwave ako sa kanila at nagwave back naman sila kahit busy sila sa pagliligpit ng gamit.

"Pagkatapos ng practice, pwede tayong mamasyal." Sabi Jay at lumapit siya sa akin.

Napalunok naman ako. Pinagpapawisan kasi siya. Pero ang bango pa rin. Ang hot ng dating!

Teka, ano ulit sabi niya? Mamasyal daw kami? Ihhhhhhhh. Para namang lalabas kaluluwa ko sa katawan.

"S-sige." Takte! Ba't nautal ako bigla.

"Pero dapat tapusin natin ang practice. Marami pa tayong kailangang ayusin kung gusto nating maging successful ang performace ng banda sa Fest."

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. "Ano ulit sabi mo? Performance para?"

"Sa YLF."

SHET! Pakiramdam ko mahihimatay ako. Once kang pwede magperform eh! Paano na to?

Kung pipiliin ko si Jay, nakukuha siya ni Krizzy. Kapag pinili ko naman si Gab, mawawalan na ako ng chance kay Jay.

Takte! Ano tong pinasok ko?!

Biglang kumunot noo ni Jay. "Bakit? May problema ba, C?" tanong niya.

"A-ah wala. Excited lang ako sa practice." Pagsisinungaling ko.

"Excited din akong makasama ka sa mga practice." Ngumiti siya. "Mas lalo na sa after practice." Nagwink pa.

Bigla ko namang nakalimutan lahat ng pag-aalala ko. Pagkatapos kong magpaalam sa kanila. Naglakad na ako palabas ng school.

Habang naglalakad ako pauwi, naalala ko naman ang problemang pinasukan ko at isa lang naiisip ko habang naglakakad ako:

PAPATAYIN AKO NI GABRIELLA.

♡♡♡
Thank you for reading! Don't forget to vote before moving on to the next chapter! God bless you!

[COMPLETED] MOM, WHAT'S TRUE LOVE?Where stories live. Discover now