10: The Practice with the Girls

31 16 2
                                    

Pagkatapos namin kumain sa Jollibee, nagyaya si Gab na pumunta kami kina Julia. Nagtext kasi ito na nagpapractice rin sila ng boyfriend niyang si Jason para sa YLF. Gusto ni Julia na panuorin namin sila. At gusto rin ni Gab na panuorin nila kami.

Ayaw ko pang umuwi kaya pumayag ako. Iniwan ko rin kasi cellphone ko sa bahay para may excuse ako kung bakit di ko masagot ang tawag ni Papa. Yun ay kung tatawagan talaga niya ako. Di natin alam baka may date na naman siya.

Malapit lang din bahay nila Julia sa kinakainan namin kaya naglakad nalang kami. Hawak ko bike ko at siya naman, bitbit ang guitara niya.

"Sa tingin mo ba, magugustuhan nila Julia at Jason ang performance natin?" biglang tanong nito.

"Ano ka ba? Baka nakakalimutan mong boyfriend niya ang sumulat ng kantang to? Tsaka, siya naman nagsuggest nito, diba?"

"Edi, magiging bias sila pag nagkataon."

"May point ka naman." pagsasang-ayon ko.

"Wait!" bigla sitang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Ano yun?" tanong ko. Ang lapad kasi ng ngiti niya.

"Iparinig kaya natin ang kanta kay Diego?" mas lumapad naman ang ngiti nito.

"Anong nangyayari sayo?" Ang weird niya kasing tignan. Para siyang wala sa sarili.

"Sige na, Chandria! Iparinig natin to kay Diego!" pagpupumilit niya.

"Huh? Bakit kay Diego pa?" naguguluhan kong tanong.

"Hmmmm.... kasi ang cute niya!" nag-umpisa siyang maglakad ulit.

Si Diego, cute? Bulag ba siya?

Hinila ko siya pabalik at hinarap sa akin. "Saang banda, besh? Alam mo, may problema na yata yang mga mata mo."

Kumunot naman ang noo nito. "Chandria, kung irerate ko si Diego, lampas 5 stars siya sa kin!"

"Teka nga? Since when pa yan napasok sa isip mo?"

"Hmmmm.." nag-iisip siya. "Ewan. Basta cute siya. Tapos ang bait pa niya at ang talino. Lahat na siguro nasa kanya!"

Naglakad siya ulit pero ako naman, naguguluhan pa.

Mataas kasi ang standards ni Gab sa lalaki eh. Minsan lang siyang magbigay ng 5 stars. Pero kanina, sabi niya, lampas pa?

Wag mong sabihing may crush si Gab sa bestfriend ko? Tsaka, yung mukhang yun, cute at gwapo?

"Hindi ko talaga makita, Gab." Sabi ko sa kanya nang maabutan ko siya.

"Eh di, ikaw ang bulag!" sabat nito.

•••

Kumatok kami sa front door nang nakarating sa balay nila Julia. Sa labas pa lang, rinig na rinig na namin ang boses nila ng boyfriend niya.

Mas nilakasan ko ang katok. Si Gab naman, sumigaw. "JULIAAAAAA!"

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa aming ang nakababatang kapatid niyang lalaki na nitatakpan ang tenga nito.

"Nasa kwarto!" Sigaw ng kapatid nito at tumakbo palayo. Ang lakas kasi ng music eh, abot talaga dito.

Nilock ko muna ang bike ko sa labas at umakyat kami ni Gab sa kwarto ni Julia.

Pumasok na kami agad kasi hindi naman nakalock. Busy na busy sila sa pagpapractice. May papikit-pikit pa. Di man lang kami napansin.

Nang natapos ang kanta, napapalakpak kami ni Gab. Ang ganda kasi pakinggan ang boses nilang dalawa. Sakto lang ang pagkablend.

Nagulat naman sila ng marealize nilang nandito kami.

"So ano guys? Okay lang?" tanong ni Julia sa amin.

"Ang ganda bes! Gusto ko na tuloy magkajowa ng singer!" tili ni Gab.

Nagthumbs up naman ako. Wala na akong masabi, magaling talaga.

"Kayo naman." sabi ni Jason. "Excited akong marinig ang kanta!"

"Syempre sulat mo, eh." sabi ko.

Umupo sa kama ang magjowa at kami naman tumayo sa harap nila.

"Go guyyysss!" Cheer naman ni Julia na parang final performace na talaga namin to.

"Good Evening, Everyone. This song is entitled, 'Let me play your guitar' written by the one and only Jason Cruz." pambungad ni Gab. Natawa naman kaming lahat.

Nagsimula siyang magstrum at kumanta na ako. Nang matapos ang kanta, itong si Julia kulang nalang tumalon sa tuwa. Yung boyfriend naman niya nakatunganga.

"Hoy! Ang galing niyo dalawa! Hindi niyo akalaing may hidden meaning yung kanta!" comento ni Julia.

"Thanks Julia!" sabi namin ni Gab.

"Teka, hindi to ang ineexpect ko eh." napalingon kami kay Jason.

"Huh, bakit? Ano bang ineexpect mo Jason?" tanong ko.

Napakamot siya sa batok. "Hayop ang galing! Ang ganda rin ng boses mo Chandria. Dapat matatawa ako dahil sa meaning nung lyrics eh. Pero nangingibabaw ang ganda ng performance niyo!"

Napahiyaw naman kaming tatlo. Shet! Naexcite na tuloy akong iperform ito sa YLF!

"Pwede isa pa?" request ni Julia.

Sino ba naman kami para umayaw diba? Namotivate na kami sa sinabi ni Jason eh!

So ayun, kumanta na ulit kaming dalawa. Tapos nagperform ulit sina Julia at Jason.

•••

Nung lumalim na ang gabi, nagyaya na si Gab na umuwi kami kaya nagpaalam kami kina Julia at Joshua.

Hinatid ko si Gab sa kanila pero bago siya pumasok sa loob, humarap muna siya sa akin.

"Thanks, Chandria! Finally, hindi na ako mamroroblema sa clearance ko." Niyakap niya ako.

"Ano ka ba? Wala lang yun. Tsaka, bayad na rin to sa kasalanan ko nung nag role play tayo noon!" at nagtawanan kami sa ala-alang yun.

"Teka, Gab. May tanong ako, pero wag kang mabibigla ha?" sabi ko sa kanya.

"Sa aspect na mabibigla besh, di ako sure pero sige, shoot. Ano ba yun?"

"Hmmmm..... Nagkafirst kiss ka na ba?"

Bigla naman itong tumawa. "Hindi pa ako nagkajowa. Fling-fling lang pero.... OO! Shhhh! Atin-atin lang to ha?"

"Huuuuy! Turuan mo naman ako oh? Sigeee naa! Baka one day halikan ako ni Jay tapos di ko alam ang gagawin ko." pagpupumilit ko.

Wala kasi akong ibang matanungan. Ang awkward naman kung kay Papa diba?

"Hindi naman naituturo yun, eh."

"So paano ka natuto?" Curious kong tanong.

"Hindi ako natuto, sumasabay lang ako. Pikit ka lang, tapos ifeel mo!"

Kumunot naman ang noo ko. "Parang ang daling sabihin pero ang hirap gawin."

"Lagi kang nanunuod ng Kdrama tapos di mo alam? Watch ka nalang ng YouTube bes! Search ka ng tutorials." suggestion niya.

"Hay, ewan ko sayo. Naguguluhan tuloy utak ko. Bakit ba kasi tinanong kita!"

"Aba ewan ko sayo? Sige pasok na ako. Go ka na."

Sumakay ako sa bike ko at nagpaalam.

"See you sa school bukas! Bago ako matulog ngayon, manunuod muna ako ng YouTube!" Sabi ko at nagsimulang magpedal.

"Gaga! Wag kang magpuyat! Baka malate ka na naman! Ang ingay pa naman ng teacher mo sa umaga!" Sigaw niya.

Natawa nalang ako nang maalala ang mukha ng adviser ko sa tuwing nalalate ako.

"Malalaman natin bukas!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

♡♡♡
Thank you for reading! Don't forget to vote before moving on to the next chapter! God bless!

[COMPLETED] MOM, WHAT'S TRUE LOVE?Where stories live. Discover now