Epilogue

116 51 116
                                    


"Ang tagal naman nila, Dianne. Naunahan pa sila nitong pagkain." Sinarado ko ang pinto habang dala-dala ang bagong deliver na fast food.

"Nakaka-proud namang naunahan ko sila." Tumayo si Meg at sinundan ako sa kusina. Naghugas siya ng kamay saka kumuha ng fried chicken habang hinahain ko ito.

"Talaga 'tong babaeng 'to. Hintayin muna natin sila." Pero hindi niya ako pinakinggan at pinapak na ang manok.

"Ang tagal nila. Nagugutom na'ko."

"Ayan na ata." Pumunta ako sa pinto nang may mag-doorbell ulit. "O? Bakit ang tagal niyo?" Nagliwanag naman ang mga mata ko nang makita kong dala pala ni Dianne baby niya. "Hala, sinama mo pala ang inaanak kong cute." Kinuha ko sa ito agad sa kaniya.

Ang puti! Sana all. Tapos ang taba ng pisngi, ang cute talaga!

"Malamang mana sa'kin. Ay wow! Himala at hindi ka late?" ani Dianne at naglakad palapit sa dining saka umupo sa tabi ni Meg.

"Paanong male-late, e ang lapit niya lang dito sa condo?" sagot ko at saka sinarado ang pinto pagkapasok ni Alyana na nag-cha-chat.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Meg.

"Ito kasing si Alyana, nagprisinta na susunduin ako kasi nga kasama ko si Celine. Hindi ko naman ni-expect na may personal driver na 'yan! Pinagtalunan pa nila ni JK 'yung tungkol doon kaya natagalan."

"Naks naman! Dati May paparazzi tapos ngayon may driver na. Baka may personal bodyguard ka na rin ah?"

"Ano ba, Meg? Ako kang 'to!" pabirong pagmamalaki ni Alyana bago umupo sa tapat ni Dianne.

"Ito pa mas nakakaloka, kaya pala pinagpipilitan ni JK na mag-hire ng personal driver, two months pregnant na pala kasi 'yan!"

"Hala, weh?! Yie, congrats!" bati ko sa kaniya saka ko siya kinurot sa tagiliran habang karga-karga ko pa rin si Celine.

"Huy, enebe. Thank you fo."

"Congrats! Buti naman at naisipan mo nang magpabuntis? Mas nauna kayong kinasal pero mas naunang nabuntis si Tine kaysa sa'yo," sambit naman ni Meg habang sumasandok na ng kanin.

"Gusto na ni JK e," tipid na sagot ni Alyana habang may ka-chat pa rin.

"Kumain ka na muna. Mamaya ka na makipag-chat d'yan sa asawa mo," suway ni Meg.

"Ay sorry po." Binaba naman ni Alyana ang cellphone.

"Anyway, ano ba'ng ganap mo sa buhay at pinapunta mo kami rito? Dito pa talaga sa condo ni Vincent?" tanong ni Dianne bago kumuha ng fries.

"Ikakasal na'ko."

Saglit silang natahimik at tinignan lang ako. Parang nagproseso muna sa kanila ang sinabi ko.

Pumapalakpak naman nang malakas si Dianne. "Sa wakas naman at ikakasal ka na! Congrats! Hindi ka na bridesmaid ng bayan. Ikaw na mismo ang bride!"

"Puta, ano 'to? Speed lang?" komento naman ni Alyana.

"Hoy, bawasan niyo na pagmumura niyo. Magiging nanay na kayo e," suway ni Meg saka humarap sa'kin. "At ikaw, ang sabi nila subukan mong makipagbalikan. 'Di ko naman ni-expect na magpapakasal agad kayo."

Passionate Love (Love Trilogy #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن