Chapter Four

122 55 138
                                    


"Nag-order na lang ako ng pizza para mas mabilis."

Pagkapasok namin sa condo niya agad akong napatingin sa paligid. White and gray ang combination ng mga kulay habang gawa sa kahoy ang karamihan sa furnitures.

"Mag-isa ka lang dito?" tanong ko dahil malaki ng condo niya.

"Oo naman. Kilala mo naman ako. Mas prefer ko na maluwag 'yung paligid kapag nagtatrabaho ako."

Noon pa lang kasi kahit sa Cebu, hindi siya tumira sa bahay nila Lulu. Ayaw niya ng maingay o matao kapag may ginagawa siyang papeles kaya nag-rent pa siya ng apartment dati.

"Sorry ah? Kung nalipasan ka na ng gutom," sambit ko at umupo sa sofa niya na napakalambot. Nasa coffee table niya ang laptop at iba pang mga blueprint.

Nakapatong din dito sa sofa ang ilang unan at comforter. Ang linis din ng condo niya. Nalilinisan lang siguro ako kasi medyo makalat ako kadalasan kapag nagtatrabaho? Parang ang onti kasi ng mga gamit niya na pang-trabaho.

"Saan ka na ba nakatira sa ngayon? Bakit ka na-traffic?" tanong niya at umakyat papunta sa kwarto. Tanaw ko mula rito 'yung iisang room sa taas.

"Doon sa bahay namin malapit sa Antipolo kung nasaan mga magulang ko," sagot ko at tinignan ang mga email ng ilang kliyente .

"I see. Doon nakatira parents mo?" tanong niya ulit habang nagsusuot ng bagong shirt at bumaba na ulit siya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Ang gwapo sana kung hindi lang siya bingi. Char.

"Oo. Gusto ko nga rin sana maghanap ng condo na malapit sa kumpanya. Para hindi ko na kailangang gumising nang maaga para hindi maabutan ng traffic."

Pumunta naman siya sa pinto nang may mag-doorbell. Nilabas niya naman ang wallet at nagbayad bago kinuha ang mga box ng pizza at drinks. Ang dami naman?

Gutom na gutom?

Sinundan ko naman siya sa dining area na katabi lang ng living room. "Puwede namang dito ka mag-stay. I don't really mind," natigilan ako sa sinabi niya kaya naman napatingin siya sa'kin.

"Bakit?" Natawa siya. Malamang dahil sa itsura ko. "Puwede namang dito ka muna habang naghahanap ka pa ng lilipatan, or puwede namang dito ka na lang tumira."

Hala, enebe. Kinikilig ako?

Inabala ko naman ang sarili sa pagbukas ng box ng pizza para umiwas ng tingin. Kunyari 'di ako affected. "Baliw ka ba? Duh? Ang weird non," sagot ko at naglagay ng straw roon sa drinks saka uminom.

Bakit bigla akong nauhaw kapag naiisip kong sa iisang bubong kami titira?

Oo, gusto ko naman pero ano 'yon? Speed lang? 'Di ba pwedeng magkabalikan muna kami bago live in?

"Weird kung bibigyan mo ng malisya."

Ay, wala ba? Okay.

"Besides, karamihan sa mga project mo, makaka-trabaho mo'ko. Mas mapapadali ang communication natin," pagpapatuloy niya as if he was selling the idea to me.

Pinu-push niya talaga 'to?

"Okay. Pag-iisipan ko," sagot ko bago kumuha ng slice ng pizza. Papayag din naman ako pero para naman hindi obvious, papakipot muna tayo nang kaunti.

Habang kumakain, naramdaman ko namang nakatingin lang siya sa'kin. Nakaka-conscious! Ang oily ko na ba? May pimple na naman ba ako? "Bakit?" tanong ko kaya naman natawa siya bigla.

"Wala," sambit niya bago kumuha ng panibagong slice ng pizza. Kumagat naman ako sa sariling pizza para itago 'yung ngiti ko. Natatawa ako sa itsura niya e. Mukhang tanga.

Passionate Love (Love Trilogy #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें