Chapter 8

1.3K 75 1
                                    

Magkaharap kami ng babaeng naka-usap ko kanina, mataba at mataray ang dating pero kung titignan ay mukhang baboy na di pinakain!

"Sino po bang nagbenta sainyo ng lupa namin?" Tumaas ang kilay niya at nagsalita..

"Yung kumpare ng tatay mo!" Uminom ako ng tubig at tinaas din siya ng kilay..

"Eh bat di niyo sa kumpare ng tatay ko hingin ang binili niyo lupa? Tutal siya naman pala ang nagbenta hindi ang tatay ko" kinuha niya ang pamaypay at dinuro ako...

"Hoy! Ayusin mo ang bibig mo hija dahil malaking pera ang binayad ko! Hindi basta-basta barya!" Iniiwas ko ang pamaypay at umayos.

"Magkano huba ang binayad niyo ng malaman ko?" Sinabi niya ang halaga na ikinatawa ko. "Seryoso? Isang daang libo? Punyemas gusto niyong ibalik ko?" Nanglalaki ang nata ng babae sa sinabi ko. Kinuha ko ang pera sa bag ko at ibinigay sakaniya. "Hindi lang isang daang libo ang halaga ng lupa namin.." tumayo ako at umalis.

Dumiretso ako sa ospital at agad kinausap si papa. Naging matunog ang bawat buntong hininga ko sa explanasyon na sinasabi niya..

"Nurses! On room 17 now! ICU is in red sign!" Agad akong napatingala at tumakbo papunta sa kwarto ni mama ng iannounce yon. Pero agad kaming hinarangan ng ibang nurse dahil piliy akong pumapasok!

"Nurse din ako! Papasukin moko! Nanay ko iyon..ano ba!" Pero sadyang malakas siya kaya hindi ko magawang makapasok. Pinilit ko, umiiyak nako habang pinipilit ang katawan kong makapasok sa loob pero tinutulak ako. "Puñeta papapasukin mo ko oh ano?" Tumingin sakin ang lalaking nurse at umiling..

"Pasensya na nurse rieyah, h-hindi talaga pwede" nauutal siyang magsalita dahil pilit ko siyang tinutulak pero nanghina nang hatakin ako ni papa sa kamay nung nurse.

Mabilis kong nilapitan si rica at reshma at tinanong..

"Anong nangyare? Bakit biglang nag red alarm? Bakit?" Umiiyak akong tinignan ni rica.

"Naalis po yung saksak nung makina ate" napa-upo ako sa sahig sa sagot niya.

"Ano bang ginawa niyo?" Lumapits si rica at reshma sakin, hinawakan nila ang likod at kamay ko bago magsalita..

"Nakatulog po ako na h-hawak yung kamay n-ni m-mama ate. Tapos b-bumal-liko yung u-upuan...bi-bigla kong nahila yung linya" humagulgol si rica at paulit-ulit sinasambit ang sorry. Agad ko namang nakita si tito na patakbo kaming pinuntahan, wala si tita dahil nagpapahinga..

"Nurse rieyah? We need you here" agad akong tumayo at nagpunas ng luha. Pumasok ako at pinigilan ang paghagulgol ng makitang wala ng tubo, makina na lang nakasaksak sakaniya. "At last rieyah...aalisin naba talaga o hahayaan mo nasiyang magpahinga?" Sunod-sunod namang pumasok ang pamilya ko. Tumingin ako sakanila ay humingi ng tulong, tumango si papa habang umiiyak, tango rin ang isinagot ni tito at tumalikod na.

"D-doc pag...pag-hingahin na si mama" tumalikod ako at pumikit..

Im very sorry mama......

Umingay ang buong kwarto likha ng Bedside Monitor, humagulgol ako at humawak sa tuhod ko..

"Time of death 3:45 pm" agad humawak si papa sa kamay ko ng muntik nakong matumba, agad namang umalalay si tito sa likod ko..

Sorry mama. You need to rest too...

Agad kong nilapitan ang katawan ni mama na wala na talagang buhay, yumakap ako at umiyak ng umiyak..

"Im sorry mama, i just feel that i need to do this. Alam ko kasing nahihirapan kana....im very very sorry" humagulgol ako at hindi bumitaw sa kaniya, paulit-ulit kong sinasabi ang katagang..

IM SORRY

Sa bahay siya ibinurol, lahat ng tao ay maingay, puro laro at kung ano-ano pa. Tanging ako, si papa at tito ang narito malapit sa kabaong, umaalis-alis silang dalawa kapag may darating. Hindi naman lumalabas yung dalawa sa kwarto, nakatulala naman akong lumuluha, hindi matanggap ang ginawa ko sakaniya..

"Bakit kasi ganito..." agad lumapit si tita sakin para aluin ako pero hindi non maawat ang sakit na nararamdaman ko. "Kung sanang wala kayong ginawa hindi mangyayare to" tumingin ako kay tita, nakatingin lang siya sakin at umiyak.

"Im so sorry rieyah" tumayo siya at pumasok sa kwarto ng mga kapatid ko.

Gusto kong isisi lahat sainyo pero hindi ko magawa. Umiiyak kong naiisip ang mga salitang yon. Napakadaya ng mundo, sila makakabuo habang kami ay nabawasan ng importanteng tao.

"Hija, kumain kana muna" inilapag ni tito ang pagkain sa katabing upuan pero tinignan ko lang iyon at hindi ginalaw. "Wag mo namang pahirapan ang sarili mo rieyah" tumingin ako sakaniya at ngumisi.

"Ano? Wag pahirapan? Seryoso tito? Punyemas buong buhay ko hirap na hirap ako tapos sasabihin niyo sakin na wag pahirapan yung sarili ko? Nanay ko yan tito, NANAY KO! At kapatid mo!" Hinawakan ni tito ang kamay ko ng sabihin sakaniya yon..

"Kapatid ko ang nakahiga diyan sa putanginang kabaong nayan pero eto ako nagiging malakas para sainyo! Kaya sana bilang panganay na anak..maging malakas ka para sa mga kapatid mo!" Napaupo ako sa upuan at umiyak dahil sa mga sinabi ni tito. "Rieyah hindi lang ikaw ang nasaktan dito, lahat kaming nasa paligid mo nasaktan sa pagkawala ng nanay mo! Maging malakas ka para sa mga kapatid mo hija" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko at umiyak. Naramdaman kong tumabi si tito sakin. "Alam kong mahirap mawalan rieyah pero kahit anong gawin mo..pag wala na...wala na" lalo akong naiyak sa katanggang yon. Mahirap tanggapin na pinalaya ko si mama, mahirap ding isipin na mahihirapan pasiya kung hindi ko ginawa ang bagay na yon.

Pagkatapos nung usapang yon namin ni tito ay halos ako ang sumalubong sa lahat ng dumadalaw kay mama, may ngiti pero hindi umaabot sa mata. Ako rin ang nagseserve ng kape at mga tinapay, bumaba narin si rica at reshma para tumulong. Si papa naman ay inaasikaso ang lugar kung saan ililibing si mama. Buong araw akong nakikipagpalitan ng ngiti sa mga tao, buong araw akong nakatayo para salubungin sila. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala ang mga luhang gustong kumawala.

"Ate, uminom kamuna oh" umiling ako at inayos ang pagkakalagay ng kape sa table. Tumayo ako at inipit ang buhok ko, lumabas ako ng bahay at ngumiti sa bagong dumalaw, hindi ko napigilan ang luha ko ng makitang si jem yon. Agad akong lumapit sakaniga at niyakap siya.

"Tahan na, gurang ka na nga tapos iiyak kapa" natawa naman ako, pinapasok ko siya at pina-upo. Binigyan naman siya ng pagkain ni tito, wala parin si papa simula ng umalis siya kahapon. "Tahan na, ñeta rieyah ang pangit mo." Nangingiti kong pinunasan  ang luha ko at humarap sakaniya..

"Thank you" tumango siya at hinawakan ang balikat ko.

"Wala yon no, mas maganda parin naman ako sayo" natawa ako sa sinabi niya, si jem yung tipo ng tao na kaya kang pangitiin kahit gaano kahirap ang buhay mo. Kaya kang patawanin kahit umiiyak ka sa problema, kahit may sarili siyang problema ay uunahin kaniya.

"Swerte ko sayo" umirap siya at humarap sakin. "Shempre swerte ka kasi maganda ako duhh! Pero seryosong usapan gurang" tumango ako at uminom ng tubig. "Ano ng estado ng tatay at tiya mo?" Buntong hininga ang ginawa ko.

"Hindi sila nag-uusap, may balak rin na lumipat sa ibang bansa si tito para mailayo si tita kay papa" narinig ko namang bumuntong hininga si jem.

Ang hirap magdesisyon kapag may

sakit pang nakapaligid sayo.....

To be continued.....

Unexpected OneWhere stories live. Discover now