Chapter 2

2.4K 109 2
                                    

Inalis ko sa isipan ko ang mga bagay na pilit gustong masagot. Bakit may ganon na kwintas si tita? At kapareho pa ng pendat na nakita ko!

"Ahm tita, san nyo po nakuha yang kwintas?" Tumingin siya sakin pero hindi siya nagsalita. Unti-unting namutla at nangapa. "Nakakita po kasi ako niyan na sobra kapareha kaya san nyo po nakuha?" Nakangiti kong tanong, tumingin naman si tito Roger sa kwintas. "Regalo mo tito roger? Umiling at ngumiti si tito roger..

"Baka binili niya" tumango ako at tumingin kay papa, pilit na ang ngiting binibigay niya. Nakatuon lang ang tingin ko sa dalawa, kay papa at kay tita dahil pareho silang balisa at hindi mapakali sa isang pwesto..

Tumayo ako at kumuha ng tubig na maiinom nila. Una kong binigyan si papa bago si tita..

"Pa inom ka muna para mawala yang pagkabalisa mo" nakangiti kong inabot ang tubig sa kaniya. "Sayo din tita"  halos hindi kunin ni tita ang tubig pero kinuha naman niya. Naging palaisipan sakin ang mga ikinilos nila dahil damang dama ang nananalaytay na awkwardness kay papa at tita..

"Kailan papo yang kwintas nyo Tita?" Nabitawan ni tita ang baso at nabasag yon. Nagtatakha naman kaming lahat na tumingin sa kaniya..

"Im sorry may naisip lang, ahn this necklace? kahapon ko lang to nabili" tumango ako at kinuha ang walis at nilinis ang nabasag ni tita. Naging maayos ang usapan nang biglang mag-paalam si tita na lalabas dahil may nakalimutan siya..

Umabot ang ilang minuto at si papa naman ang lumabas! Nakatingin lang ako sa pinto namin dahil inaabangan ko silang pumasok pero umabot ang isang oras ay walang bumabalik. Naisipan kong lumabas pero agad din akong natigilan sa nadatnan ko sa garden namin! Unti-unting namuo ang luha ko at mabilis na nagtago sa likod ng mga malalabog na halaman, dun ko nakita kung pano maghalikan si papa at tita habang ang kamay ni papa ay umiikot sa buong katawan ni tita!

Mabilis akong pumasok at ngumiti kila mama. Matapos ang ilang oras ay nangunang pumasok si tita na parang walang nangyare sa kanila ni papa, maayos ang buhok at maayos ang Lipstick niya. Tumingin naman ako sa pinto ng mangibabaw ang boses ni papa na may dalang pagkain..

Tumingin ako ng matalim pero patago sa kanila ni tita. Nakita ko ang lagkit sa mga tinginan nila. Ibinagsak ko ng sadya ang kamay ko para maalis ang nakakadiring mga nangyayari sa paligid ko!

"Sorry po nahilo lang" kinuha ko ang mga pagkain at inihain yon.

Nang matapos ang pagbisita nila samin ay dumiretso na si papa sa kwarto at naiwan kami ni la reshma, rica, mama at ako. Tumayo si mama para sana kumuha ng gamot ng biglang...

"Mama!" Natumba siya at nawalan ng malay. Mabilis namin siyang dinala sa hospital pero sabi ng doctor ay siya na ang bahala sa mama namin. Lumipas ang 3 minuto ay lumabas ang doctor at sinabing okay na si mama..

"Ma ayos ka na ba talaga?" Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko..

"Ayos lang ako"  nakangiti niyang sabi pero may iba sa mga ngiti ni mama ngayon. "Gusto ko ng umuwi" tumango ako at sinabihan ang nurse sa iready nasi mama. Pagkatapos makapag bayad ng gamot ay umuwi nakami, tahimik si mama sa buong biyahe namin..

May kakaiba talaga...

Nang makauwi ay nadatnan namin si tito na nasa labas ng bahay at nakangiti saamin. Lumapit kami at nagmano..

"May balita ako sainyo!" Masaya at napakasaya ni tito, pati kami ay nahahawa sa mga ngiti niya. Pinapasok namin siya at pinaupo..

"Buntis si amanda!" Masaya ang tono niya pero naging sanhi naman yon ng pagkabitaw ko sa basong may laman na tubig na para sana kay mama. "Nakakagulat din pero remieah kaidad mo lang naman si amanda, mag kakaron nako ng bunso sa wakas" tumingin si tito sakin at sinabi na walisin ko ang nabasag ko. Lahat ng yon ay pilit kong tinatanong sa isipan ko habang nakahiga sa kama ko pero wala akong sagot na makuha..

Unexpected OneWhere stories live. Discover now