01 Her 2020 Life

En başından başla
                                    

I know these people. Sila ‘yong mga nakikipagkaibigan sa akin last month, but I know better. Alam kong nakikipag-close lang sila dahil malapit na ang SSC election at alam nilang pipili ako ng estudyanteng susuportahan ko na siyang papalit sa posisyon ko. Humans, really.

Mabait naman akong tao pero medyo bitches of course. Lalo na kung nati-trigger.

Ayaw na ayaw ko talaga na ginagamit ang pangalan ko sa isang pangungusap kasabay ang mga salitang ‘malandi’ at ‘pabebe’. Those two words I hated the most to be associated with me.

Call me ‘maarte’ and all, and I won’t even budge a finger to harm you. Dahil totoo naman. Not just those two.

Mukhang hindi pa ako napapansin ng mga tao sa loob dahil busy sila sa kaniya-kaniya nilang mga mundo. Mukhang vacant nila. Dahan-dahan akong pumasok at naupo sa gitnang upuan, sa may front row. I crinkled my nose nang mapansin ang mga alikabok at dumi sa sahig. Ano ba’ng klase ng mga estudyante ang mayroon dito? Mga burara, mamaya kayo sa’kin.

Pinagpagan ko muna ang armchair dahil may mga kanin pang natira bago ko nilapag ang memo doon. I crossed my arms at nakinig na ulit sa pinag-uusapan ng tatlong babae sa harap.

“I saw Jeff texted her good morning one time.”

“Really?!”

“Ano daw sabi?”

“Hindi ko nabasa lahat e, tinago kasi ni Jeff.”

Napangisi naman ako habang inililibot ang mata sa classroom. Hindi yata nalinisan ng ilang araw ang mga bintana nila.

I think they are having a relationship behind your back, Kat.” umasim naman ang mukha ko at napabalik ang tingin sa kanila. The hell?

“Relationship.” I pronounced the word full of spite and disgust. I may have not gone through relationships yet but I already saw how multiples of it fall.

May it be my parents’, my grandparents’, my classmates’. Name it all. Gaano man kayo katagal, kasal man o nagpakawala ng libo-libong mga pangako sa isa’t isa, it’ll still fall.

Those motivated my beliefs and decisions.

Minata ko ang tatlong babae sa harap. “If you have problems with me, don’t talk about it behind my back.” I smiled at them sweetly kahit kumukulo na ang dugo ko ngayon.

Shock was evident on their faces, dahil hindi siguro nila inaasahan na nandito ako ngayon.

“The whole school knows about your relationship with Jefferson, Katalina.” ibinalik ko ang tingin sa kaniya. “And if ever na pumasok ako sa isang relationship, I won’t settle with a guy who has a girlfriend.” I batted my eyelashes dramatically. “I’m not into second hands.”

She and her minions gasped with horror, offended with what I had just said na siyang ikinatuwa ko. I’m not sorry girls.

“Liar! Nilalandi mo si Jeff! You text each other!” napatayo si Katalina sa kina-uupuan kaya lumikha ito ng ingay. Sayang ang talino nitong babaeng ‘to. I already had my thoughts on considering her to take over my position. Sayang. Looking at her now, mukhang handang-handa na siyang sugurin ako. How pathetic, just because of a guy? Oh, please.

A Voyage Towards the HorizonHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin