Chapter 27

448 10 2
                                    

Chapter 27: Leaving LH
Dennise.

Graduation Day


Time flies so fast.

Sa sobrang bilis, dun mo lang ma-a-appreciate ang mga bagay at oras na you took for granted. Hindi mo sinulit.

Kung alam ko lang na ganito kabilis matatapos ang lahat...

Sana hindi ko na sinungitan sina Ella at Ponggay nung lumipat ako rito. Sana kinaibigan ko na sila agad.

Sana mabilis kong tinanggap sa buhay ko yung mga taong gustong mapalapit sa akin.

Pero wala eh, ganon talaga.


Ngayon na yung graduation day namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halong emosyon kasi eh. I'm very excited, nervous, happy, yet sad dahil malalayo na ako sa mga naging kaibigan ko.


Pero hindi ako makapaniwala.. I survived staying here.

Kinaya ko lahat ng mga nangyari sa buhay ko simula nang mapunta ako sa school na 'to. I'm really proud of myself.


And at the same time, thankful for those who helped me survive everything in this school.


"Wow! You look beautiful, Den!" Sabi sa akin ni Laura nang matapos niya akong ayusan.


Nandito siya sa dorm namin ngayon dahil gusto niya na siya ang mag-aayos sa akin. Dapat sa mansion kami mag-stay pero ayaw nang bumalik ni Laura ron. She's very scared kasi kaya sinabi niyang dito na lang kami sa dorm magstay. Syempre, kung ako nga noon ay takot na takot sa mansion ng mga Ho, paano pa kaya itong Ate ko na sobrang inosente at hate na hate ang violence.


"Oo nga Ate! Ang ganda mo talaga! For sure maiinlove lalo si Ate Ly kapag nakita ka niya." Sabi ni Ponggay. Actually, bakasyon na nila pero she chose to stay here para maka-attend pa rin ng graduation namin bago siya bumalik ng Australia.


"Huy, Ponggay! Mamaya na yan. Ayusan mo na ko." Saway ni Ella.



Mamimiss ko yung mga ganitong moments namin.


Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung anong mangyayari after graduation. Kung anong plano namin ni Ly.

Like, paano yung magiging buhay namin after Laneo... Ewan ko ba. Sabi ni Ly may plano siya for the both of us, hintayin ko lang daw.



Nang matapos na kami sa pag-aayos. Pumunta na kami sa venue ng grad dito sa Laneo.



I saw my parents. We hugged.


"I'm proud of you, anak." Sabi ni Dad.


I really wanna cry because I'm so touched pero I don't wanna ruin my make up. Kaya I smiled na lang.


"Thanks, Dad!"


Maya-maya pa nakita ko na si Ly and natawa ako dahil kasama niya si Gretchen.


Wow. Ang supportive naman niyang kapatid. Parang di sila nagpapatayan eh. 


At ayun nga, Ly looks so hot and gorgeous as usual. Kahit madalas ko na makita ang gangster na 'to hindi ko pa rin maiwasan na hangaan yung looks niya. Ang perfect kasi.


Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin before. Kung hindi lang namin ikapapahamak ang paglayo sa pamilya niya, malamang daw nagbagong-buhay na siya kasama ako. Pero hindi naman kasi ganun kadali yun.

Trapped (Completed)Where stories live. Discover now