Chapter 25

387 7 0
                                    

Chapter 25 : Bloody Seniors' Ball
Dennise.

Ilang weeks na rin nakalipas simula nung gang war. Hindi naman big deal kila Ly ang pagkatalo kahit pa kaliwa't kanang negative comments ang naririnig nila na kesyo hindi na nangialam ang Dad ni Ly eh natalo na sila sa gang war. Well, kumalat na rin naman na wala sa kondisyon si Ly that time dahil sa may sakit nga siya. Kaya bahala na silang mag-isip ng gusto nilang isipin.

Pero masaya naman ako for the Archers. They're my friends.

Naalala ko four days akong naging nurse ni Ly. Grabe pala magkasakit ang babaeng yun. Gustong-gustong inaalagaan siya. Naglalambing ganun. Na-kwento sa'kin ni Greta na ganon talaga yun si Ly pag may sakit... bihira lang naman daw tamaan yun ng sakit kaya ganon reaction niya kapag nilalagnat siya... hinang-hina.

Aso't pusa tuloy kami ni Ly that time... tapos mamaya maglalambingan. Arte kasi niya. Sa bugbugan ang tapang tapang pero pahirapan naman kapag gamutan.

Sa mga nakalipas na araw, ang tahimik ng buhay namin dito sa Laneo. Hindi katulad nang dati na grabe ang tensyon kapag maghaharap ang Agila at Archers... siguro simula rin nang malaman naming patay na si Kim...

Nakakalungkot dahil naging parte naman ng buhay ko si Kim. Pero sa tuwing iniisip ko na tinangka niya kaming patayin ni Ly... natatakot ako... nababahala. Na-trauma siguro ako sa mga nangyari. 

Ngayong gabi na gaganapin ang Seniors' Ball. Ibig sabihin... malapit na ang pagtatapos namin. Malapit na matapos ang kwento ko rito sa Laneo High. Malapit nang makumpleto ang mga alaala na babaunin ko.

Pero I'm happy dahil may kasama akong aalalahanin ang lahat... si Alyssa.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba para sa gabing ito. Halo-halong emosyon eh. Excited ako sa mga mangyayari, masaya na malungkot... Geez! I don't know!

"Yan! Perfect!" Rinig kong sabi ni Ponggay. Tapos na niyang ayusan si Ella. Nakasuot si Ella ng pink cocktail dress. Ang ganda!

"Waa! Ako ba ito? Ang ganda ko! Thanks Pongs!" Tuwang-tuwa na saad ni Ella habang tinitignan ang repleksyon sa salamin.

Napangiti ako sa kanilang dalawa. For sure mamimiss nila ang isa't isa... para na silang magkapatid. At oo, mamimiss ko rin sila lalo na pag umalis na kami ni Ella sa Laneo.

Nakasuot naman ako ngayon ng deep red cocktail dress. Ako na rin nag-ayos sa sarili ko dahil marunong naman ako. Kinulot ni Pauline ang buhok ko kanina.

"Grabe mga Ate ko! Proud na proud ako sa inyo! Enjoy kayo ron! Ang gaganda niyo po!" Tuwang-tuwa na sad ni Ponggay.

"Thanks, Ponggay." Sabi ko at nginitian siya.

Maya-maya lang ay umalis na kaming tatlo. Si Ponggay ang driver namin sa gabing 'to. Hinatid na niya kami sa venue. Sa hotel gaganapin ang ball namin... sa labas ng Laneo para masulit at ma-enjoy daw namin ang gabing ito.

Hindi kami sabay ni Ly sa pagpunta sa venue dahil umuwi siya sa Mansion. Pero ayos lang sa akin dahil magkikita naman kami mamaya.

**

Nakarating na kami agad ni Ella sa venue at umuwi na rin naman agad si Ponggay. Sakto naman na naroon na agad ang Archers at maraming nagpapa-cute sa kanila ngayon. Pero wala pa rin sila Ly... ni isa sa mga Agila ay wala pa.

Lumapit naman agad sa akin si Mika nang makita ako. Nakasuot siya ng white polo and blue slacks and brown leather shoes. May nakasabit pang leather jacket na brown sa balikat niya. Ang gwapo niya ngayon dagdag pa na lagi siyang nakangiti.

Trapped (Completed)Where stories live. Discover now