Chapter 17

791 15 0
                                    

Note: Since super tagal walang update nito. I suggest na balikan ang past chapters bago basahin ito para bumalik ang feels. Hehe. Sobrang sorry kung sobrang tagal. :(


Chapter 17 : Twisted Fate
Dennise.

"ALYSSA!!!" Sigaw ko habang pinipilit na makalapit sa kanya. Nakahawak siya sa bewang niya, puro dugo ang kamay niya, labis ang dugong lumalabas sa katawan niya.

Hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko. Pinilit kong makalapit kay Alyssa na nakatingin sa akin. Puno ng lungkot ang mga mata niya. Wala na akong makitang bahid ng galit.

"Alyssa please... don't leave me." Umiiyak kong sabi habang niyayakap siya.

"I'm sorry for everything, Den." Halos pabulong niyang sabi.

"Shh... okay lang... okay lang, Alyssa." Sabi ko habang pinupunasan ang luha niya.

Nakarinig akong muli ng kasa ng baril. Napatingin ako sa gawi ni Kim. Puno ng galit ang mga mata niya. Nakatutok ulit ang baril niya kay Alyssa.

"STOP IT KIM!!!! PLEASE STOP IT!! MAAWA KA NAMAN!!" Sigaw ko. Hindi ako makahingi ng tulong sa mga Archers. Dahil may nakatutok din na baril sa kanila mula sa F Mafia.

"Itigil? Tang*na! Kulang pa yan! Wala kang kwenta, Valdez! Dapat sa'yo patayin!"

"NO! PLEASE KIM! TAMA NA!" Pagmamakaawa ko.

Bigla naman itinutok ni Kim saakin ang baril. Dahilan upang bumalik ang galit sa mata ni Alyssa.

"Don't you ever f*cking dare, Kim." Nanginginig sa galit na sabi ni Alyssa. Kanina, sobrang lungkot ng mata niya, ngayon, she's deadly. Hindi ko gugustuhing makita na ganito si Alyssa. Parang kahit sino, kaya niyang patayin.

Kim smirked. "Bakit hindi? Mas maganda sigurong si Dennise ang patayin. Sa ganoong paraan, mas mahihirapan ka."

"Walang kinalaman si Dennise rito, Kim." Hinawakan ko ang kamay ni Alyssa. Nanginginig siya sa galit.

"I love seeing you like that, Valdez. So weak, really weak." Sabi ni Kim at lumapit pa sa amin. Naramdaman ko na lang ang baril na nakatutok sa leeg ko.

Pinipilit ni Alyssa na tumayo. Pero dahil sobrang daming dugo ang patuloy na nawawala sa kanya. Nahihirapan at nanghihina siya.

"L-Ly..." Bulong ko. Habang nararamdaman na pinipilit ni Alyssa na tumayo.

"K-Kim... please... take me instead... kill me. Go f*cking kill me... spare Dennise." Pabulong na wika ni Alyssa. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. The Great Alyssa Valdez pleaded someone para lang hindi ako mamatay. She is the most dangerous woman I have ever known, but then, para lang sa katulad ko, makikita kong ang pinakamalakas ay magiging pinakamahina.

"A-Alyssa..." Nakapikit kong sabi dahil lalo pang idiniin ni Kim ang baril sa leeg ko.

Malakas na tumawa si Kim. "Too late, Valdez... Too late."

Hinintay ko na lang ang malakas na putok ng baril habang nakapikit at mahigpit na nakahawak sa kamay ni Alyssa.

Pero masyadong matagal.... napadilat ako.

"F*CK! Nawalan pa ng bala!" Inis na sabi ni Kim at ibinato ang baril niya. Kinuha niya ang baril ng isa sa mga kasama niya sa F Mafia at agad na itinutok sa akin.

"This time. Totoo na. I'll f*cking kill you, Dennise." Mariing sabi ni Kim at ikinasa ang baril.

Nagulat na lang ako nang biglang makarinig ng putok ng baril. Pero hindi iyon galing kay Kim. Galing iyon kay Alyssa na pasimple palang sinipa sa kaniya ni Mika. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Ang alam ko lang, nakabulagta si Kim. Puno ng dugo ang dibdib. Samantalang ang Archers, patuloy lang na inuubos ang mga kalaban.

Trapped (Completed)Where stories live. Discover now