Chapter 8

1.3K 57 2
                                    

A/N: Sorry po for the late update. And oh, umiikot po ang story na to sa AD so sorry po if di ko nag-grant yung request niyo. Tbh, nangangapa pa ako sa gantong type ng story. Haha! :)
***
Chapter 8 : Sweet Side
Dennise.

It is already 6:30 PM and I'm done packing up my things. Ewan ko ba at parang sobra akong nae-excite na makasama si Alyssa sa gabing to. Ano kayang mangyayari?

"Besh, masyado na yata kayong close ni Ly at may date na.." Sabi ni Ella.

"Promise niya kasi to eh. I'm glad na hindi siya katulad ng iba na hindi tumutupad sa pangako."

"Nagpromise siya na ide-date ka niya?" Gulat niyang tanong. Suddenly, naalala ko na sikreto lang pala dapat lahat ng sinabi ni Ly saakin about her family kaya dapat akong gumawa ng excuse dito kay Ella.

"Ha? Hindi, Ella. Basta mahirap i-explain eh."

Nagnod na lang si Ella. "Pero alam mo besh parang naninibago ako dyan kay Alyssa. Sorry besh pero kasi.. hindi ka ba nagtataka sa biglang pagbago ng trato niya sayo? Bigla ka niya niyaya sa date tapos kinuwento mo pa na hinalikan ka niya sa pisngi nung nakita niya si Ara.. Parang, parang may something lang."

Natawa na lang ako. Maski ako kasi nagtataka pero hindi ko na iniisip yung ganung bagay. Masaya lang ako na kahit papano yung devil na yun magaan ang pakiramdam pag ako yung kasama. Sabi na eh, hindi talaga siya 100% na devil. Siguro 50% lang.

"What is exactly the point of you, Ella?"

"Baka.. ginagamit ka lang niya?"

Napairap na lang ako. "As if magpapagamit ako. Tigilan mo na rin yang mga conclusions mo Ella. Sige na aalis na 'ko."

"Hm.. Sige, ingat ka."

Lumabas na agad ako ng dorm kahit na 7 pa yung usapan namin ni Ly. Then nakita ko bigla si Bea na galit na papalapit saakin.

"Hey.." Bati ko pero nagulat ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinila palayo sa dorm.

"Tell me, Dennise. Anong meron sa inyo ni Ly?" Seryosong tanong niya.

"Ha? Teka naman Bea! Ang sakit!"

"I'm asking you. Sumagot ka."

"Ewan. I really don't know. Pwede ba? Bitawan mo ako!" Agad niya akong binitawan at masamang tinignan.

"Layuan mo si Ly. Umalis ka na dito sa Laneo."

"Ano bang problema mo saakin ha? At bakit ako aalis dito?"

"Dahil sinisira mo lahat ng plano niya. Imbis na mapadali ang lahat sa kanya lalo lang nagiging kumplikado ang lahat at dahil sayo yun."

"I don't know what you're saying, Bea." Sabi ko habang hinihimas yung braso ko. Sobrang sakit lang.

"Exactly. You don't know anything dahil bago ka lang sa buhay ni Ly. Please lang, lumayo ka na sa kanya or else---" Hindi na naituloy ni Bea yung sasabihin niya nang marinig namin ang malamig na tinig ni Alyssa.

"Beatriz." Tawag ni Ly. Seryoso lang siya pero hindi ko alam, kinilabutan ako sa boses niyang napakalamig.

"L-Ly.." Gulat na saad ni Bea.

"I know you're just concern about everything, Beatriz. But you don't have to do something na alam mong ikagagalit ko. You care too much, I appreciate it. But please, do respect my decisions. If it does bother you, just let me handle everything or just simply trust me."

Trapped (Completed)Where stories live. Discover now