Chapter 26

388 9 1
                                    

Chapter 26: This must be my dream
Dennise.

After that bloody seniors' ball.... napuno na naman ng takot at tensyon sa buong Laneo High.

Maraming tumututol na sa labas ng paaralan gawin ang graduation namin dahil baka maulit na naman ang ganoong pangyayari.

Natigil kasi ang kasiyahan nung gabing yon nang makita namin ang bangkay ni Michelle. Maraming nakakakilala kay Michelle na taga-Laneo lalo na yung mga fan ng gang wars.

Wala pang nakakaalam ng dahilan kung bakit naroon si Michelle at kung paano siya namatay nang ganon ganon na lang... maliban sa amin nina Ly, Greta, at Denna.

Obviously, kaya naroon si Michelle ay para pagtangkaan na naman ang buhay ko. At kinumpirma ni Alyssa sa akin yon. 

Nalaman ni Greta ang tangkang pag-atake ni Michelle dahil simula nang makuha kami ng kampo ng mga Fajardo noon... sobra na ang galit ni Greta kay Michelle. Nang makatakas kami, sinigurado ni Greta na bantay sarado sa kanya si Michelle. Lahat ng impormasyon o balita ay pilit niyang kinakalap dahil lang sa inis niya sa babaeng yun dahil sa pag-apak ni Michelle sa pride niya that time.

Pero kahit na pansariling interes naman pala ni Greta ang pagpatay kay Michelle... somehow, thankful ako sa kanya... dahil kung di dahil sa galit na yon, baka wala na ako ngayon.

Alam ni Alyssa ang lahat nang mangyayari nung gabing iyon. Kaya dinistansya niya muna ang sarili niya sa akin para hindi masira ang plano ng kapatid niya.

Hindi lang ako talaga makapaniwala... na ang batang si Deanna ay isa palang assassin ng Ho Mafia. Marami na raw napatay ang "inosenteng" bata na yun sabi ni Alyssa. Si Greta lang naman ang nagturo kay Deanna sa mga ganoong bagay... nung una para lang sa self-defense ni Deanna dahil madalas siyang ma-bully... pero nakitaan siya ni Greta ng potential para maging assassin ng mafia nila.

How come di ko manlang napansin yun? Ang tagal ko na silang nakakasama sa mansion... pero kasi kung titignan si Deanna... ang tahimik niya lang, parang may sariling mundo tapos mahiyain pa.

Pero ganon siguro talaga ang karakter niya para maprotektahan ang sarili niya.

Ilang araw na lang graduation na namin. Kaya sinusulit na namin ang pananatili sa paaralang ito. At ang mga gangsters ng buhay ko... sinusulit ang gang wars na nangyayari sa loob ng Laneo.

Katulad ngayon, may laban ang Archers at ang makakalaban nila ay ang Penta. Isang gang din dito sa Laneo. 

Gusto ng Archers na manuod ako ng laban nila at suportahan sila. Pero ang girlfriend ko naman gusto akong maka-date sa araw na ito.

At dahil gusto ko pa rin naman maging mabuting kaibigan at mabuting girlfriend. Niyaya ko si Alyssa na manuod ng gang war... yun ang date namin.

Kaya nakabusangot naman ang mukha nitong kasama ko habang naglalakad kami papunta sa gym. Take note. Hindi lang kami ni Ly ang magka-date ngayon. Kasama namin si Bea at Jho... Ella, Ponggay, at Maddie.

"Ly, smile ka naman dyan." Sabi ko kay Ly at kumapit sa braso niya.

"Ito talaga ang naisip mong date ha?" Sabi niya habang diretso ang tingin. Hindi ko naman napigilan ang tawa ko.

"Eh bakit ba? Gangster ka naman ah. Hobby mo nga yung panunuorin natin." Sabi ko.

"Tch. Gusto nga kitang ma-solo."

"After ng fight, Love."

Mabilis naman siyang tumingin sakin at nagsmirk. "Promise?"

Trapped (Completed)Where stories live. Discover now