Chapter 37

96 0 0
                                    

Chapter 37: Revelation


Third Person's Point of View


At the Shadow Royalty HQ...
(a week before the Graduation)


Nagtitipon-tipon ang lahat ng mga kasapi ng Shadow Royalty sa kanilang headquarters. Batid nilang magplano tungkol sa susunod na atake na kanilang gagawin. Naalala ni Duke ang kondisyon na ibinigay niya sa kaibigang si Maxon, na kailangan ay hindi sila umatake sa tuwing mayroong maraming tao.

Katulad nga ng nakasanayan, ang Golden Warrior One na naman ang namuno ng kanilang pagpupulong. Gustuhin man ni Duke na alisin ang taong ito ngunit marami siyang utang na loob rito kaya hindi niya magawa.

Kaya minsan ay mas pabor pa ang kaniyang mga tao kay Norman kaysa sa kaniya na siya mismo ang Hari ng Royalty na ito.

Si Norman ay kasali sa dalawang royalty, ngunit ang totoong pinapaboran niya ay ang Shadow Royalty. Matagal nang kumampi ang pamilyang Gyselinck sa royalty na ito ngunit walang ibang nakakaalam, kahit mismo ang kadugo nilang de Silva ay hindi alam. Simula pa noong paghiwalay ng pamilya Enriquez sa namumuno ng Dark Royalty ay kakampi na nila ang mga Gyselinck, ilang taon na ang lumipas, dekada, siglo.

Kaya kung anong ibinibigay na utos ni Norman sa kabila ay alam rin nila dito. At sa ganoong paraan sila naging malakas. Ngunit, ang henerasyon na ito ng mga Enriquez ay balak nang ihinto ang laban sa pagitan ng dalawang royalty.

"I have a great news for you all", anunsiyo ni Norman sa lahat na para bang siya ang Hari ng mga ito. "Tyler Funtello is the real King of Dark Royalty, and he knew about it just a month ago."

Naririnig ang mga bulungan sa buong hall kaya pinatahimik niya ang mga ito tsaka nagsalita ulit. "This is now our chance to bring them down just like how we planned for a long time."

"So will we really abduct Funtello, my Lord?", tanong ng isang tauhan.

Gustong tumayo at magsalita ni Duke ngunit pinigilan siya ni Eulenna na nasa tabi niya. Napatingin siya rito at pilit na inalis ang mga kamay nito sa braso niya, "Bitiwan mo ako, dapat ako ang mamuno ng pagpupulong na ito.", mahinang sita niya sa katabi.

"Huwag mo siyang ipahiya sa harapan ng mga tauhan natin. Mamaya na kapag ang mga may ranggo nalang ang naiwan.", agad na sagot ni Eulenna kaya tumikhim nalang si Duke at inayos ang pag upo ng kaniyang upuan.

Ipinaliwanag ulit ni Norman ang plano sa buong royalty, kung paano "raw" nila maipapatumba ang Dark Royalty.

Pagkatapos ay tinipon ni Duke ang mga Warrior at Knights na mayroong ranggo dahil doon nila pag-uusapan ang tungkol sa pakulo ni Norman para kay Tyler. Ayaw niya sa ideyang iyon ni Norman ngunit dapat niyang ipakita pa rin sa lahat na gusto niya pa ring ipatumba ang Dark Royalty.

"So the day before their graduation, magpapadala tayo ng sulat o banta kay Tyler na dapat niyang ipaalam sa buong royalty na siya ang Hari nito, kung hindi ay malaking kaguluhan ang mangyayari sa araw mismo ng Graduation nila.", ipinaliwanag ni Norman. Napatango ang iilan, samantalang konti nalang ay sasabog na si Duke sa inis.

"Hindi ka humingi ng permiso sa akin tungkol sa plano mong iyan, Norman.", aniya.

"Your majesty, karamihan na rin sa mga tauhan na'tin ay sumang-ayon sa plano ko. At iyon ang importante.", ipinagmalaki ni Norman na para ba'ng siya ang nagwagi sa labang ito. Hindi man lang iniisip ang mga dadating na delubyo sa kaniya.

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon