Chapter 29

174 48 0
                                    

Chapter 29: Acquaintance Party


Third Person's Point of View



Isang linggo ang lumipas pagkatapos nung unang aksiyon na ibinigay ng Shadow Royalty, ngayon ang araw ng Acquaintance Party ng BLU. Pagkatapos ng ilang sagutan sa SHSSG ay napag-isipan nalang nila na huwag na magkaroon ng Theme. All students are free to have their own theme, para hindi na magkasagutan, kaya pumayag lang naman ang Dean.

Medyo magaling na ang sugat ni Mckayla at silang apat ni Rox, Aliesah at Tyler ay patuloy pa rin na pinag-uusapan ang tungkol sa pagdududa nila kay Youzef. Lalong lalo na kay Zach, dahil nga kaklase nina Kayla at Tyler ito, napansin nila na hindi pumasok si Zach pagkatapos nung araw na may nakalaban si Mckayla. They thought it could be just a coincidence but Zach has been absent for a week already.

Kaya naman, nagulat si Mckayla nang makita niya si Zach sa dancefloor kung saan ay nagsasayawan ang mga mag-aaral sa sobrang lakas na music sa loob ng Function Hall ng BLU.

Ang kasama ngayon ni Kayla ay ang lima niyang kaibigan, nasa second floor sila ng function hall kung saan andoon ang sound system at mayroon ring mga soundproof rooms.

Sila ay nasa loob ng isa sa mga soundproof rooms at tatawagan na sana niya si Roxtonn para papuntahin sa itaas ngunit biglang nagsalita si Reigh

"Ah Kayla, bababa kami, sama ka?" tanong ni Reigh sa kay Kayla na seryosong nakatingin sa kaniyang cellphone

"Tatawagan ko muna si Rox. Mauna na kayo" sagot niya at ngumiti.

"Sure ka ah?" pasiguradong tanong naman ni Auhb at tumango si Kayla, sumenyas na umalis na sila

"Have fun! hihi" narinig niyang sabi pa ni Leur at inirapan niya lang ito.

Nang masigurado niyang nakababa na ang kaniyang mga kaibigan ay agad niyang tinawagan si Rox, agad naman itong sumagot "Hey, asan ka? Pumunta ka dito sa taas, I have something to tell you" sabi ni Mckayla

"I'm currently eating lasagna, but sure I'll come for you, babe" malanding tugon ni Roxtonn sa kabilang linya at napairap naman si Mckayla dahil sa kakornihan ng lalaki. Pinatay na niya ang tawag at naghintay nalang na dumating si Rox.

Nang makababa sina Reigh ay agad silang humanap ng matagong lugar. At ito ay yung isang soundproof room sa baba ng function hall na nasa backstage. Tinignan muna nila kung may mga installed bugs ito at ng masigurado nilang wala, agad silang umupo para pag-usapan ang tungkol sa Dark Royalty.

"Kahit hindi man sabihin ni Mckayla sa atin, alam nating lahat na nagdududa siya kay Zef. Baka nga tama ang mga hinala natin guys" pagsisimula ni Leur

"Na isa siyang parte ng Shadow Royalty at nagpapanggap na isang ally ng royalty natin?" ani ni Jurielle

"Oo" si Reigh.

"At tsaka yung Zach, boyfriend yun ng kapatid ni Zef diba? Si Youzia? Baka kasali din 'yon. Tsk, crushie ko pa naman 'yon" komento ni Auhb at napatingin ang lahat sakaniya "Oh ano? Leur alam ko ring nagagwapuhan ka dun noh"

"Oo naman. Pero hello? Si Kyle priority ko ngayon, ako kaya yung nag-iisang Golden Knight Three" sabi ni Leur at nag hairflip pa ito.

"Yung mga may ranggo, sa mga warriors kayo mag focus at kaming mga tauhan ay ang bahala sa mga binabalak ng mga shadow royalty" sabi ni Leanne, para maging maayos na ang pagpaplano at hindi na humaba pa ang usapan.

"Ayos yun. Si Leur na Golden Knight Three at Si Auhb na Silver Knight three, gawin niyo lang mga responsibilidad niyo. Tas kami nina Jurielle at Leanne ang magiging spy" sabi ni Reigh at sumang-ayon naman ang lahat.

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon