Chapter 13

166 59 1
                                    

Chapter 13: Anonymous People



Tyler's Point of View


Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Palagi itong tumutunog dahil may nagtetext, tiningnan ko kung sino, number lang ang nakalagay. Pumunta na muna ako sa cr para manghilamos bago binuksan ang cellphone. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang mga mensahe galing sa iba't ibang numbers.

Ganiyan na ba ako ka gwapo para pag piyestahan ang numero ko? Sino ba kasing nagkalat nito Tch! Baka sina Benzi lang rin ang may gawa nito -.-

Binasa ko ang mga mensaheng natanggap ko,

Remember me?
-SK1

It's good to be back here again.
-DK

We're all here, keep yourself safe
-GK1

Huwag kang maging bulag, alamin mo ang mga nangyayari
-Uno

Ang dami naman ng admirers ko. Hehe syempre, dugong Funtello 'to mga bro! Ano ba kasi yang mga pangalan ng mga taong 'to? May lahing alien ba sila? May pa initials talaga. Wew!

Gusto ko na sanang balewalain ang mga mesaheng ito pero interesado akong malaman kung sino ang nagsesend ng mga 'yun. Nakakacurious kaya, ikaw ba naman pag pyestahan ang number mo? Ang gwapo ko talaga hehe.

Kaya naman, dumiretso na ako sa bathroom para maligo at makapaghanda na dahil ngayon na yung presentation namin ni Kayla. Ang dali lang ng panahon, kahapon pogi pa ako, ngayon ay pogi pa rin. Walang nagbago, ang oras lang hehe ulit.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at inayos ang buhok ko para bumagay sa gwapo kong mukha. Bumaba na ako para kumain at nakitang andoon na rin sina Dad.

"Goodmorning! Hi Mom, Hi Dad! Hi bro!" masayahing bati ko sa kanila

"Ganda ata ng gising mo Son ah?" sabi ni Dad sa akin

"Namaan! Eh sa pag gising ko etong gwapong mukha ko agad ang makikita sa salamin"

"Yie si baby, inspired ka siguro noh?" Panunukso naman ni Mom sa akin

"Inspired 'yan sa classmate niya na transferee" sabat naman ni Kuya at sinamaan ko siya ng tingin

Classmate? Transferee? Gago ka ba? Yung Elena o yung CJ? Oh baka naman si Jacob? Aish! Kadiri yak!

"Nakakasira ka ng araw, Kuya"

"Eh yang mukha mo, sira na nga ang araw ko mas sinira mo pa. Doble ang epek ng sayo" sagot naman niya

"Hep! Tama na yan, kumain na muna tayo" pagsalita naman ni Dad

"Ang aga aga ayan na naman kayo. Dapat happy tayo hihi" si Mom

Ngumiti nalang kami at kumain na. Pagkatapos naming kumain ay nag toothbrush na ako para makapunta na sa school. Ng papasok na sana ako ng kotse ay biglang sumulpot si Kuya

"Oh Kuya?" sabi ko sa kaniya

"Blaze, may nareceive ka ba kagabi?" pagtatanong niya

"Ha? wala naman, bakit?" naguguluhan kong tanong

"O-oh okay sige. Ingat ka sa pagdrive, Bye"

"Bye"

Ano naman kaya ang inaasahan niyang nakuha ko? Yung mga text ba? Eh? Weird.

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon