Chapter 33

63 8 0
                                    

Chapter 33: Christmas Break




Third Person's Point of View





"Saan niyo balak mag vacation sa Christmas Break, Kaye?" tanong ni Leur sa kaniya.

It's December 20 at andito ngayon silang lahat na magkakaibigan sa SHSSG Office, nag-uusap tungkol sa mga balak nilang gawin sa Christmas Break. Katatapos lang ng Christmas Party nila ngayong alas singko kaya napag-isipan nilang dito nalang muna sa office mag tambay at kumain ng dinner.

"Sa Bangkok kami, kasama ang mga Funtello at Hunt" Kayla answered and had a sip on her milktea.

"Wow naman. So lahat pala tayo pupunta sa ibang bansa. Mga pasalubong natin sa isa't isa ha!" ika ni Leur at napa "oo alam namin 'yon" naman sila ng sabay-sabay. Marahil ay kanina pa sila pinapaalala ni Leur tungkol sa mga pasalubong.

"Bakit sa ibang bansa ang pamilya ni Jurielle, hindi ba sila kasama sa inyo?" nagtatakang tanong ni Lei.

"Oo nga, Kaye. Sa Japan sina Jurielle eh" pag sang-ayon naman ni Reigh.

"Tyler's family particularly ang business partner nina Mom kaya ganon" paliwanag naman ni Kayla sa kanila. Pero ang totoo talaga ay silang dalawa ang naka-arrange eh, kaya ang kanilang pamilya ang magkakasama.

"Akala namin napag-iwanan niyo na kaming pamilya na Funtello eh", biro ni Jurielle. But truth is, alam nila ang totoo. They just hope Kayla won't find out about them earlier than they expected. Nahuli na ni Kayla si Leur.

Umiling-iling nalang sila at nag-uusap pa tungkol sa mga plano nila sa break. Mayroong pupunta ng Japan, Bangkok, France, Ireland, New York at iba pang mga lugar.

Alam nilang kasama ang mga Hunt dahil boyfriend ito ni Kayla, kaso ang totoong dahilan rin doon ay sila ang mga tagapagbantay ng pamilya.

Nagtext ako kay Leur at sinabing hintayin niya ako sa garden dahil may sasabihin ako sa kaniya. Nagtinginan kami at siya ang naunang lumabas ng office.

"Puntahan ko muna si Rox" sabi ko sa kanila at pumayag naman.

Nang makarating ako sa garden ay agad naming sinuri kung mayroon bang nakabantay, at nakita naming wala naman. "How's the investigation? May lead na ba?" patungkol ko doon sa unknown player ng baseball sa ROU.

"Alam na namin kung sino ang may-ari ng jersey na 'yon. Pero ang sabi niya nawala sa kaniya ang jersey niyang 'yon at hindi rin siya nakasali sa Sports Fest dahil nagka chicken pox siya. Kaya naman sigurado kaming kinuha iyon in purpose para yung may ari ng jersey ang pagdudahan natin at hindi yung nagsuot non" paliwanag ni Leur kaya napaisip naman si Kayla.

"Naconfirm niyo yung statement ng may ari ng jersey?" tanong niya.

"Oo. And, 2 weeks before siya nagka-chicken pox ay naiwan niyang bukas ang locker niya na andoon nakalagay ang jersey na iyon. Kinabukasan daw ay nawala na 'yon sa locker niya kaya pinabayaan niya nalang dahil magpapagawa nalang siya ng bago" dagdag pa ni Leur.

Bumuntong hininga si Kayla, "His statement checks out so keep on looking for the one that stole the jersey. Keep your people on duty while we're away from the country" she ordered kaya tumango naman si Leur.

"No problem, Uno" sagot niya.

Habang naglakad pabalik sina Leur sa Office ay nakita nilang tumatakbo si Rox papunta sa direksyon nila.

"Girl, si bebe mo ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Leur.

"Bakit 'yan tumatakbo?" ani ni Kayla.

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon