Chapter 16

147 61 0
                                    

Chapter 16: She beat him up?!




Mckayla's Point of View




Pagkatapos naman ay naligo na ako para matulog na. Inayos ko ang aking study table na gulong gulo, nagtaka naman ako kung bakit ganito. Wala naman ako sa bahay buong araw at iniwan ko naman itong nakaligpit ng maayos. Tss bukas ko na nga lang titingnan ang hidden camera. Humiga na ako kama at pagkatapos naman ay nakatulog na.

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng aking alarm clock. Tiningnan ko ang oras at 5:50 AM na kaya dumiretso na ako sa bathroom para maligo. Pagkatapos naman maligo ay nagbihis na ako ng aking uniform na sa sobrang ikli ng palda ay parang panty na ito. Just kidding, hindi siya kasi katulad ng ibang schools na abot tuhod ang palda, ang ito naman ay parang kalahati lang sa usual skirt ng ibang schools. At naka long socks na may tatlong blue stripes sa parteng dulo nito. Ewan ko ba kung bakit ganito, tss.

"Kayla, you almost done?" Narinig kong kumatok si Kyle

"Yeah, I'll go downstairs in a minute"

"Okay"

Sinuot ko na ang sapatos ko at kinuha ang mga gamit ko na dadalhin. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain. Pagdating ko sa kitchen ay nadatnan ko si Kyle na nagluluto

"Good morning bae" narinig kong bati niya sa akin pero hindi ko ito pinansin

Binuksan ko ang ref at kumuha ng pomegranate juice tsaka dumiretso sa dining area. Andoon na silang lahat maliban sa akin at kay Kyle

"Good morning baby hihi"

"Good morning, hija"

"Good Morning Kayla" bati nina Mommy, Daddy at Maxon sa akin

Tumango naman ako "Morning" at tsaka umupo na sa aking usual spot. Doon ko lang napagtanto na dito na nga pala muna titira ang lalaking nasa tabi ko kaya naman napalingon siya sa akin

"Good Morning, Mckayla" bati niya sa akin at tinanguan ko nalang siya

"Finally done! Hey guys, I have here some croissants, french toast, crumpets, belgian waffles & pancakes, and pain au chocolat. You should also taste my homemade Cajun Benedict, it is made of Soft cheddar beer biscuits topped with andouille sausage, poached eggs, and a spicy homemade hollandaise sauce" napalingon kaming lahat kay Kyle na dala dala ang kaniyang iniluto at ang mga maids na dala dala yung mga croissants at iba pa.

"Wow that's alot of pastries you got there, son" commento ni daddy

"That's the reason why I woke up very early today, Dad"

"Nagmana talaga sa akin ang gwapo kong anak hihi"

"Of course, Mom" sagot naman ni Kyle habang naka-smirk pa.

"Okay, let's eat" pang-iba ko sa usapan dahil alam kong iiral na naman ang pagiging conceited nila. Tss

Nagdasal na muna kami at si Maxon naman ang nag lead. Pagkatapos ay nagsimula ng kumain dahil pupunta pa kaming school. Tinikman ko ang ginawang Cajun Benedict ni Kyle at hindi ko maitatangging masarap talaga ito. Iba sa mga natikman kong Cajun Benedict.

"This tastes good, Kyle" turo ko sa aking kinakain "Bakit ngayon mo lang to ginawa?" I asked

"Thank you bae. Basta it's made from the bottom of my heart, masarap talaga 'yan"

"Tss"

"Ngayon ko lang 'yan ginawa dahil kinakailangan ko rin ng iilang trials para makuha talaga ang tamang lasa" tumawa pa siya "How is it, Rox?" tanong niya

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon