Chapter 8

158 68 24
                                    

Set up

"Shoot!four na."gulat na sambit ni guin habang nakatingin sa selpon nito."tara na.male-late tayo."

"What about my phone?!"

"Balikan mo nalang bukas saamin."natatarantang sabi nito sabay hila sa aking braso.

Pumara kami ng sa-sakyan at agad na sumakay.sinabi namin kay manong kung saan kami baba saka nagbayad.bakit kaya sunod-sunod ang malas ko ngayong araw na ito.

Habang nakatingin sa labas ng bintana ay napaisip ako kung bakit maaga ang uwi nila tito dahil kadalasan ay gabi na ito umuuwi sa kanila."alam mo ba na maaga uuwi sila tito?"

"Kung alam ko.hindi nako papayag na saamin pa tayo mag-ayos"sagot ni guin sabay irap nito.

---

Pagbaba namin ng sasakyan ay pinag-masdan namin ang labas ng restaurant.hindi ko mapigilang hindi maexcite dahil ito ang unang beses na makakapunta ako dito at hindi na ako makapag-hintay na matikman ang pagkain nila dito.

Habang papasok sa loob ng restaurant ay agad na inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at grabe ang gara ng mga ito.

Napatingin ako sa mga table nito na kulay pilak at ginto.ganun din ang mga upuan at syempre hindi makakatakas sa aking paningin ang mga chandelier sa itaas na mayroon ang bawat table at ang mga kandila sa gilid ng mga mesa.

Agad na nahagip ng aking mga mata si ben na nakaupo sa gitnang bahagi ng resto.agad namin itong nilapitan at hindi maipinta ang gulat sa mga mata nito habang nakatingin sa amin.nag-iisa lang itong nakaupo sa mesa na siyang ikinainis ko.mukhang third wheel nga ako.

"Libre mo to ah"bungad ko kay ben pagka-upo ko sa isang upuan.

Tila natauhan ito at napaubo sa aking sinabi."oo naman."

"Hindi pala third wheel."pagpaparinig ko kay guin.

Ipinatong ko ang aking ulo sa ibabaw ng mesa sabay pikit ng aking mga mata.sa susunod ay hindi na ako magpapa-uto dito kay guin.nang maramdaman kong may umupo sa aking harapan ay itinaas ko ang aking ulo at tinignan kung sino ito.

Shit.

Hindi makapaniwala kong tinignan si guin na ngayon ay nakangisi na sa akin.this is worse.really worse."cr lang ako."

Agad akong tumayo sa aking upuan at pumuntang cr.huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob.kung ganto lang pala ang magiging sitwasyon ko ay mas okay na ang maging third wheel ako.

Guin's POV

"You didn't tell her?"tanong ni ben sa akin.

"Nope"

Alam kong una palang ay hindi na papayag si nicole na sumama saamin kaya naman gumawa ako ng paraan para mapasama siya at nagkataong siya pa mismo ang gumawa ng paraan para mapasama ko siya.i buy her that dress and that's when i got her at alam kong hindi na siya makakatanggi pa saakin.

"Kaya naman pala"

Pagbalik ni nicole ay halatang hindi parin ito komportable.tinignan ko si jeff na nakatingin lang dito at walang sinasabing kahit ano.alam nito na si nicole ang ka date niya pero hindi ito tumanggi but for nicole she dont know a thing because if i tell her lalo lang itong hindi sasama knowing that her date is the one who break her heart.

"So.what should we order?"pagbasag ko sa katahimikan.

"Order anything you want.its my treat"sambit ni ben.

Nicole POV

Kinuha ko ang nakalagay na menu sa aking harapan at tinignan ito.nagningning ang aking paningin ng makita ang litrato ng mga pagkaing nakalagay dito."special pork steak,pasta and bacon cheddar potato skins."

Inilapag ko na ang menu at nakitang nakatingin ang tatlo sakin.napatingin ako kay guin na hindi makapaniwala sa akin.this is free plus this is my first time so kailangan ko na itong sulitin.i act like nothing is wrong and smile at them."why?"

"This is her first time here."sambit ni guin na halatang peke ang ngiti.

"Baka meron ka pang gusto?"tanong ni ben na ikinangisi ko.

Napatingin ako sa aking magaling na kaibigan na ngayon ay pinanlalakihan na ako ng mga mata."wala na"natatawa kong sagot.

Habang nag-aantay ng order namin ay hindi ko mapigilang hindi mapakali.hindi parin ako komportable but thanks to myself because i act well dahil dito natatago ko ang totoo kong nararamdaman.

Napatingin ako sa tatlo kong kasama na nagkwekwentuhan at mukhang komportable sa isat-isa.i feel out of place here dahil tahimik lang akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila.

hindi ko maiwasang hindi tumingin kay jeff na sumasagot lang pagtinatanong siya ni guin na mukhang napilitan lang sumama.nahuli ako nitong nakatingin sakanya pero hindi ko inaalis ang tingin dito at ganun din siya kaya naman tinaasan ko ito ng isang kilay.

we just stare at each other and not backing down.

"Magtititigan nalang ba kayo diyan?"tanong ni guin pero wala parin saming dalawa ang gustong alisin ang titig sa isat-isa.

"They're inlove.let them be"sambit ni ben na lalong ikinataas ng aking kilay.inalis ko ang pagkakatingin kay jeff at inilipat ito kay ben na nakangisi.

"What"sambit ko sakanya na ikinatawa nito.

"Panalo ako"natatawang sabi ni jeff na ikinainis ko.

kung hindi lang dahil sa ben nato ay hindi ko aalisin ang tingin ko kay jeff.hinampas ko ang lamesa sa inis na siyang ikinatawa ng dalawang animal at iling ni guin.

"So tell us.pano kayo nagkakilalang dalawa?"pagiiba ni guin at tanong nito sa dalawang lalaki.

"Mag-pinsan kami"sagot ni jeff

Nanlaki ang mga mata ko at napaubo sa narinig.kinuha ko ang tubig sa aking harapan sabay inom."mag-pinsan kayo?!"

Bago pa man nila ako masagot ay dumating na ang aming mga order.muling nag-ningning ang aking mga mata sa pagkaing kanina ay nasa picture lang at ngayon ay nasa aking harapan na.

agad kong kinuha ang tinidor at tinikman ang mga ito.napapikit ako sarap ng lasa nito at tuloy-tuloy na itong kinain.

"Huy dahan-dahan lang.mabilaukan kaniyan."sambit ni ben

Binalewala ko lang ito at tuloy-tuloy parin sa pagkain.pagka-ubos ko nito ay nagsalin ako ng red wine na inorder ni ben sabay inom.

napangiti ako ng mapagtanto na sulit na sulit ang pagsama ko kahit na hindi ako naging komportble nung una.

"Pano nga pala kayo naging mag-pinsan"pagbabalik ko nang usapan kanina.

"Magkapatid ang mama at papa namin"sagot muli ni jeff na ikinatango ko.

Kaya pala medyo mag-kahawig sila sa isat-isa at mukhang nasa dugo na nila ang pagiging magandang lahi.

"And we both know that you have a crush on us."nakangising sambit ni ben.

Summer EncounterWhere stories live. Discover now