Chapter 7

155 67 18
                                    

Doomed

"What do you mean?"curious na tanong ko kay guin.hindi ko alam kung anong binabalak nitong babaeng ito pero masama ang kutob ko."Okay im in.basta hindi ako magiging third wheel"

"That's great"

"Pero kailan nga ba?"takang tanong ko.

"Today at four pm.lets go together."

Agad na nanlaki ang aking mga mata sa sagot nito."What?!are you kidding me?!"

"Mukha ba akong nagbibiro?"seryosong tanong saakin ni guin.

Pagkatapos kong kumain ay agad na kaming nagtungo sa bahay nila guin para makapag-ayos dahil dalawang oras nalang ang natitira sa amin bago mag alaskwatro ng hapon.as usual pagpasok ko ng kanilang bahay ay kaming dalawa lang ang laman nito dahil only child itong si guin at palaging nasa trabaho si tito at tita.

Pinauna ko na si guin dahil panigurado akong aabutin siya ng isa't kalahating oras sa pagaayos lang sakanyang sarili.

lumabas nalang muna ako ng kanilang bahay at umikot sa buong subdivision para bumaba ang aking mga kinain dahil hindi manlang agad sinabi saakin nitong si guin na ngayon pala ang date nila ni ben at ngayon din pala ako makaka-kain sa matagal ko nang gustong mapuntahan na resto. Kaya naman pala hindi siya umorder ng kahit drinks manlang kanina.

Huminto muna ako sa paglalakad at nagpahinga sa isang bench dahil sumasakit na ng kaunti ang aking mga paa.

kabisado ko na ang pasikot-sikot dito sa kanilang subdivision dahil simula nang maging mag-kaibigan kami ni guin ay parati kaming naririto sa kanila at nililibot ang buong subdivision halos abutin na nga ako ng gabi dito sakanila kakagala namin sa subdivision.

ilang minuto pa akong tumambay sa kina-uupuan ko habang pinag-mamasdan ang mga batang nag-lalaro sa tapat ng kanilang mga bahay,mga batang nagba-bike sa daan,matatandang naglalakad at syempre hindi mawawala ang mga mag-jowa na PDA sa daan.

Bigla ko tuloy naalala ang mga paglalaro ko noon sa labas ng aming bahay kasama ang nagiisa kong kaibigan na si lara.hayss.Good old days.

Patayo na sana ako mula saaking pagka-kaupo nang biglang may tumawag sa aking selpon.

"Hello"bungad ko.

"What's up.are you two ready?"tanong ni ben kaya naman madali akong napatingin ng oras sa aking selpon.nakahinga ako ng maliwag ng makitang isang oras palang ang lumilipas simula ng umalis ako sa bahay nila guin.

"Ayusin mo naman yung tanong mo.pinapakaba mo ako eh"

"What?why?"

Ikinuwento ko kay ben ang nangyari kanina at kung bakit ako wala sa bahay nila guin ngayon.i feel comportable telling him what i did.dont get me wrong.

this past week parang nagiging okay na ako sa fact that guin and ben are dating at hindi na ako naaapektuhan sa kanilang dalawa.marahil ay nakaka-move on na ako sakanya.

Pagkababa ko nang tawag ay agad na akong tumakbo papunta kila guin dahil malayo-layo pa ako sa kanilag bahay dahil sa laki ng subdivision na ito at isa lang ang masisigurado ko mamaya.

"Mai-enjoy ko ang pagkain mamaya"nakangising banggit ko saaking sarili.

Nang makarating sa bahay nila guin ay agad akong nagpunta sa kwarto ni nito at nakitang ready na ito.

"Not gonna lie.bagay sayo"bungad ko.

"Thanks"

Nakakulot ang mga buhok nito na siyang bumagay sa make-up niya at itsura.maganda rin ang hugis ng katawan ni guin kaya naman bagay na bagay sakanya ang kulay pula at fitted na dress na kanyang binili.

"Did ben call?"

"Oo.tinatanong kung ready naba daw tayo.napa rush tuloy ako sa pag-balik dito."inis na sagot ko.

"Bakit.san kaba nag-punta?"

"Inikot tong buong subdivision para naman bumaba yung kinain ko."

"You really want to eat their food badly?"natatawang sabi ni guin na ikinatawa ko rin.totoo naman kasi.sino ba namang tatanggi kung makaka-kain ka sa best resto ng lugar niyo.

Ilang minuto pa akong humiga sa kama ni guin para mag-pahinga dahil sa pagod na natamo ko sa paglibot ng buong subdivion.

"Tumayo kana diyan nics isang oras nalang bago mag four."pagsaway saakin ni guin.hindi ko ito pinansin dahil napagod talaga ako sa pagtakbo.
"Bumaba ka nalang pagtapos"dagdag nito sabay labas ng kanyang kwarto.

nang makuntento na ako sa aking pahinga ay agad akong naki-ligo at makalipas lang ng twenty minutes ay natapos na ako.pina-tuyo ko na ang aking buhok at pinaunat ito sabay lagay ng make-up saaking sarili at bihis ng bistidang bigay sa akin ni guin.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napangisi sa ganda ng kinalabasan nito.

"Not bad"komento ko sa aking sarili.Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si guin na nakaupo at nanonood ng t.v."how do i look"

"Your killing it"manghang sabi ni guin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at muling napangiti sa sarili.mahigpit na kinakapit ng bistidang suot ko ang aking katawan na siyang ikinalitaw ng aking kurba.

"You should always wear that kind of dress kasi bagay sayo"

"Hindi na no.masyadong revealing to.okay na yung isang araw lang"

"Masyadong revealing?eh binti mo lang naman nakikita tsaka iyang likod mo.hindi panga makita yung likod mo dahil diyan sa buhok mo."sambit ni guin."tsaka bakit kapa kasi naglugay mas bagay sana kung itinali mo nalang iyang buhok mo."

"Eh bakit kaba kasi nangigialam.hindi nga kita pinakialaman."inis na sagot ko sakanya.nagtatanong lang ako kung anong itsura ko maganda naman daw pero ang dami pang sinasabi.

Pagkatapos naming mag-away ni guin ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan sa labas ng bahay kaya napatayo at nagkatinginan kaming dalawa.

sumilip kami sa bintana at nakita sila tito at tita na papasok na ng gate.Humarurot kami sa pagtakbo sa kwarto ni guin para kunin ang mga gamit namin at lumabas sa likurang pinto ng kanilang bahay.

Nang makapasok sa loob sila tito ay agad kaming lumabas ng gate at tumakbo papalayo.nakahinga kami ng maliwang nang malayo na kami mula sa kanilang bahay.tinignan ko ang laman ng aking bag kung may naiwan ba akong gamit.

napaismid ako nang maalala ang aking selpon sa sofa.

"May naiwan ka?"hingal na hingal na tanong ni guin.

"My phone."

Summer EncounterWhere stories live. Discover now