24

175 14 3
                                    

"Ano ba kasi nangyari dito?" Kunot noong tanong nya habang ginagamot yung pasa ko sa braso. Napakagat naman ako sa labi ng maramdaman ang hapdi.


"Na-Nauntog lang.." pagsisinungaling ko at napaiwas naman ako ng tingin ng makitang tinignan nya ako at pinanlisikan ng mata.


"Alam kong tanga ako sa acads, wag naman pati sa ganitong sitwasyon pagmumukhain mo kong tanga" mariing sabi nya at pinagpatuloy na ang pag gagamot sa braso ko.


"Aray! Dahan-dahan naman!" Sigaw ko ng idikit nya yung buong yelo sa braso ko. Ang sakit kaya!


"Katangahan mo yan eh"


"Hoy si Winter may—" napapikit ako at napakagat sa labi ng mapagtanto ko ang sinabi ko.


"Yun. Lumabas rin ang katotohanan." Naiiling na sabi nya at tinignan ako ng seryoso. Napaiwas naman ako ng tingin, hindi ko talaga kayang mag sinungaling sakanya.


"Si Winter ang sumapak sayo?"


"Hindi."


"Eh sino?"


"S-Si Pearl" napakagat nanaman ako sa labi ko. Siguro maya-maya lang ay magdudugo na tong labi ko sa kakakagat.


"Ano?! Si Pearl?! Eh nag aaral mag boxing yun ah!" Hindi makapaniwalang sabi nya at napatayo pa sa gulat.


"Hayaan mo na.. nangyari na eh" sabi ko nalang at hinila ulit sya paupo sa sofa. Bumuntong hininga nalang sya bago pinagpatuloy ang pag gagamot saakin.


"Maliligo lang ako" paalam nya ng matapos na nya akong gamutin. Tumango lang ako at umayos ng upo sa sofa nya.


Kakaligo ko lang at nagsuot lang ako ng over-sized shirt at maong ripped shorts. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil sabi nya lang ay sumama ako sakanya.


Saglit akong nanoood ng netflix sa Tv nya at nakita ko narin syang lumabas. Nakasuot lang sya ng nike sweatpants at white tshirt. Basa pa ang buhok, halatang nag mamadali.


"Phori— tangna" napasapo sya sa noo nya ng tumunog nanaman ang phone nya kaya lumayo sya saakin para sagutin iyon.


Inirapan ko lang sya. Girlfriend nya siguro yun. Tch. Pinatay ko na ang Tv at uminom ng tubig bago sundan sya sa may balcony. Halata sa mukha nya na istress na istress sya habang may kausap sa phone.


"Okay.. cge.. we're on our way" sabi nya at binaba ang tawag bago tumingin saakin. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko para makatingin sakanya ng diretso.


"Bakit? May problema ba?"


"Yung kuya mo.." napapikit sya na para bang hindi kayang sabihin saakin ng diretso.

Btw, He's my BestfriendWhere stories live. Discover now