4

213 14 1
                                    


"AAACKKK!" napatingin kaming dalawa ni Colai ng tumili si Larity sa harapan namin. Btw, kakatapos lang ng klase at nandito kami sa Pakening Sht. Magka-tabi kasi ang Parking saka ang Garden na tinatawag naming Park kaya ayun Park plus Parking, Pakening Sht.


"Anyare sayo?" Kunot noong tanong ko sakanya sabay kain ng pizza. Hindi ko kasi nakain to kanina dahil nawalan ako ng gana sa pag aaway namin ni Hopia.


Nanlaki ang mga mata namin ni Colai ng ipakita nya saamin ang Ipad nya. Agad namin kinuha ang kanya-kanyang Ipad sa bag at napangiti nalang ako.


"Hula ko, ikaw nanaman highest no?" Tanong saakin ni Larity at nginitian ko lang sya. Sanay na naman kasi ako. Wala nang thrill. Lagi nalang ako yung highest, parang hindi na pinaghihirapan abutin yun para sakin.


Tinignan naming dalawa ni Larity si Colai na malungkot na nakatingin sa Ipad nya. Agad na kinuha yun ni Larity at tinawanan sya ng malakas. Napabuntong hininga nalang ako at sinandal ang ulo ni Colai sa balikat ko.


"Okay lang yan, bawi nalang next time"


"Lagi naman ako bumabawi, pero bagsak parin—" agad kong natulak si Colai palayo sa balikat ko dahil para masubsob sya kay Larity ng makita ko si Raze na palapit saamin.


"Hey," bati nya saakin at tumayo naman ako sa pagkakaupo ko sa bermuda grass.


"Hi," bati ko rin sakanya at umiwas ng tingin dahil feeling ko kahit anong oras sasabog na ako sa kilig dito.


"Congrats, ikaw ulit yung highest" nginitian ko lang sya at inabot yung kamay na nilahad nya para mag shake hands kami. Napangiti nanaman tuloy ako.


Ang lambot ng kamay nya.. ang init pa.. ang sarap hawakan ng matagal. Kaso hindi iyon nag tagal dahil binitawan nya agad ang kamay ko at nilagay sa bulsa.


"Congrats rin sayo." Nginitian nya lang ako at umalis na. Napatakip ako sa mukha at doon tumili na parang ewan.


"Hoy, anong katangahan nanaman yan?" Tanong saakin ni Larity pero binigyan ko lang sya ng ngiting abot langit.


"Patingin nga ng kamay mo—"


"Dont touch me! Baka hindi nga ako mag hugas ng kamay eh!" Putol ko sa sasabihin ni Colai dahilan para mapasimangot sya at tinawanan ni Larity.


Niligpit ko na ang mga gamit ko na nakakalat sa bermuda ng maubos ko na ang pizza na kinakain ko.


"Uuwi na ako." Paalam ko sakanila matapos isabit ang bag sa balikat


"Hindi mo iintayin si Franz?" Napaiwas ako ng tingin ng tanungin ako ni Colai. Ba't ko pa sya iintayin? Kasabay na nya ata yung babae nya.


"Mag sorry ka na sakanya, Phori" napataas ang kilay ko naman sa sinabi ni Larity.


"Ba't ako mag sosorry? Ako pa yung nakipaglandian habang may ginugutom na tao?" Pagtataray ko pa sakanya at pareho nalang silang napatampal sa noo.

Btw, He's my BestfriendWhere stories live. Discover now