9

180 11 0
                                    

"Aray, punyeta naman eh!" Sigaw ko kay Zean ng pitikin nya ang noo ko. Nandito na kami sa condo unit ko at sobrang hilong-hilo ako.


"Sabi mo hindi ka umiinom?!" Inis na tanong nya saakin. Hindi naman talaga ah! Hindi ko nalang sya sinagot at dumiretso sa kwarto ko.


"Papagalitan nanaman ako ng kuya mo nyan eh!" Sabi nya pa at binato saakin ang lalagyan ng gamot ko. Napasimangot nalang ako at ininom ang gamot ko.


"Hindi nga naman kase ako umiinom!" Pagtatanggol ko pa sa sarili ko. Humingi lang ako sa bartender ng tubig tapos bigla na akong nahilo. Dont tell me alak na ang tubig ngayon?!


"Eh bakit ganyan ang itsura mo?"


"Kyut parin" sabay pacute sakanya. Napairap naman sya na ikina-simangot ko ulit. Kyut naman ako ah?


"Nagugutom ako.." naka-pout kong sabi sakanya habang tinatanggal ang leather jacket nya. Ang init kasi.


"Anong gusto mong kainin?" Tanong nya pa habang tinatanggal ang boots ko. Para ko talaga syang kuya, aish. Mas kuya pa sya kesa sa kuya ko. Ano daw?


"Uhhmm.." napaisip ako. Ano ba masarap na kainin? "Fries!"


"Saan naman ako kukuha ng fries?!" Inis na tanong nya saakin.


"Eh yun ang gusto ko eh!"


"Wala nga akong mabibilhan. Madaling araw na" sabi nya pa at umupo sa tabi ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis.


"Bakit ba napaka-sungit mo ha?! Fries lang hindi mo pa mabili! Tapos inis na inis ka pa kapag kausap ako! Samantalang yung babaeng kausap mo kanina todo ngiti ka pa! Hinahawakan ka na sa braso, ngiting-ngiti ka pa! Napaka-landi mo—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang tumawa ng malakas.


"Anong nakakatawa doon?! Hindi ako nagjo-joke! Tapos kung makapag-landian kayo parang wala ako sa harapan nyo! Ano ako? Display?!"


"Are you jealous?" Nakangising tanong nya pa saakin. Napaiwas naman ako ng tingin at inalala ang mga sinabi ko sakanya kanina. Wings!


"Gusto ko ng Fries!" Yun nalang ang sinabi ko bago padabog na humiga. Narinig ko pa syang tumawa pero lumabas narin ng kwarto ko.




 











"Ouch!" Daing ko ng sinubukan kong bumangon pero biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako doon at napapikit. Aray!


"Inom pa more"


"Ay punyeta ka—" napatakip ako sa bibig ko ng makita syang inaayos ang higaan nya sa sahig. Nakakainis naman! Sobrang sakit ng ulo ko. Wait—


"U-Uminom ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya at pilit inaalala ang lahat pero lalo lang sumakit ang ulo ko.

Btw, He's my BestfriendWhere stories live. Discover now