23

160 10 0
                                    

Maaga akong gumising para gumayak dahil nga may pasok nanaman. Back to normal na ulit ang schedule sa Hercules at kailangan ko naring magfocus sa lessons dahil malapit nanaman ang exam. Pag tapos ng exam na yun, finals na. Kailangan ko na talaga mag focus baka bumagsak pa ko. Mahirap na. 


"Ay puta--" napahawak ako sa dibdib ko ng makita ang pisteng hopia na to sa labas ng unit ko. Naka-suot na sya ng uniform, hindi naka-butones ang dalawa sa taas, revealing his sando. Magulo rin ang buhok nya at nakasabit na sa balikat nya ang bag nya. 


"Wag mo ko titigan baka matunaw ako" agad naman akong nabalik sa realidad ng magsalita sya kaya naman inirapan ko nalang sya. 


Nagulat ako ng kunin nya ang bag ko at sinabit iyon sa isa nyang balikat bago maglakad. Inirapan ko nalang sya at sumunod narin. 


"Umamin ka nga, may nagawa ba ko kagabi?" nabulunan ako sa iniinom kong tubig ng marinig ko ang sinabi nya. Natawa pa ako kaya nahirapan akong makahinga. Inis naman nyang pinalo ang likod ko para malabas ang tubig na nabara sa lalamunan ko. 


"Parang tanga naman eh" nakasimangot nyang sabi pero tinawanan ko lang sya at nagpunas na ng bibig. Pinag titinginan tuloy kami ng tao dito sa labas ng condo. 


"Tara na" natatawa kong sabi at pumasok na sa passenger's seat. 


"Hindi naman ako lasing kagabi.." kalmado nyang sabi ng ipaandar na nya ang kotse. Lalo naman akong natawa at halos hindi na makahinga. 


"Hindi nga.."


"Sabihin mo na kasi kung anong ginawa ko--"


"Anong ginawa mo? Nagtata-talon ka sa kama mo, sumigaw ka pa ng 'To infinity and beyond' bago tumalon sa sahig.  Tapos sumigaw ka sa balcony ng 'Tangna mo, Calculus!', tapos nagising yung mga kapit-bahay at piangsisigawan ka rin. Pinisil-pisil mo yung pisngi ko hanggang sa magsawa ka tapos nagising nalang ako yakap-yakap mo naa ko--"


"Tangmother, ginawa ko yun?" hindi makapaniwala nyang tanong at tawa naman ako ng tawa ng malakas. Tinawagan nya pa nga si kuya kagabi, pinag mumura dahil iniwan daw sya sa bar. 


"Sabi ko nga, hindi ka lasing" pang-aasar ko pa sakanya na lalo naman nyang kinainis. First time ko syang makitang lasing dahil hindi naman talaga sya umiinom. Bakit nga ba uminom to? Pero ang hindi ko talaga makalimutan yung... hinila nya ko patabi sakanya sa kama at kung ano-ano ang pinagsasabi. 


"Siopao, ano kaya mangyayari sakin kapag wala ka?"


"Okay nang hindi mo maibalik saakin ang nararamdaman ko para sayo, wag mo lang ako iwan"


"Kahapon.. halos matae na ako sa kilig nung ginawa natin yung jowa challenge"


"Diba 24 hrs yun? Edi jowa pa kita ngayon?"


"Waaah!!" tinakpan nya ng unan yung mukha nya at doon sumigaw, "Ang ganda-ganda ng jowa ko!!!"

Btw, He's my BestfriendWhere stories live. Discover now