"Tss. Mangbababae na lang nga ko mamaya sa party." Sabi ni Mika kaya nagtawanan kami.

Attractive naman si Mika kaso maharot masyado kaya karamihan dito sa Laneo eh takot na jowain siya. Ang mga nilalandi pa naman niya eh matitinong babae. Pihikan kasi. Ayaw niya sa kasing harot niya. Ewan ba jan!

After namin kumain... iniwan ko na sila at bumalik sa dorm. May two hours pa bago magstart ang gang war. Kaya may time pa ako to rest.

Pagbalik ko sa room namin nila Ella. Mga nakaligo na sila... tapos namimili ng isusuot.

"Ang aga niyo naman magprep!" Sabi ko.

"Eh ikaw lang naman 'tong mabagal noh!"

"Tulog muna ako." Sabi ko sa kanila.

"Hoy! Jowa mo lalaban ngayon. Tamad na tamad?" Sabi ni Ella.

"Ehhh idlip lang naman eh."

At dahil hindi nila ako hinayaan na umidlip dahil baka raw ma-late kami at walang maupuan. Naligo na ako... at nag-ayos.

Nakasuot ako ng black romper at nag messy bun. Naglagay din ako ng light make up.

"Grabe. Mai-inspired lalo si Ly niyan. Ganda mo Den!" - Ella

"Oo nga Ate! Ganda!" Sabi ni Ponggay.

At kahit 30 minutes early pa... umalis na kami ng dorm. Marami kasing estudyante ang may gustong makita ulit ang pagtutuos ng dalawang grupo.

Nakarating na kami sa venue nila Ella. Marami-rami na ring tao. Sa bandang gitna kami naupo nila Ella.

Maya-maya pa dumating ang Eagles. Himala at nauna silang dumating ngayon. Pero kulang sila... Wala si Ly.

"Wow! First time ang aga nila!"

"Sana manalo Archers!"

"Sure yan. Panalo Archers di na makikialam mafia nila Aly eh."

"Asan kaya lider ng Agila?"

Ilan lang yan sa mga bulong-bulungan na naririnig ko. Naghintay muna ako ng ilang minuto para tignan kung dadating si Ly... Baka kasi nahuli lang. Pero wala pa rin kasi.

"Den tawagan mo kaya si Ly." Sabi sa akin ni Ella.

"Di ko dala phone ko." Sabi ko.

Maya-maya pa dumating na si Ly. Saktong dumating na rin ang Archers kaya nagtilian na naman ang mga kababaehan dito sa gym.

Pinagmasdan ko lang si Ly. Parang wala siya sa mood. Well, lagi namang seryoso face niya. Pero kasi iba ngayon... Parang may mali sa kanya.

Nilapitan siya ni Bea. Mukhang seryoso yung pag-uusap nila.

Maya-maya pa, nag warm up na sila. Nakakapagtaka dahil first time kong nakita si Ly na sumabay sa warm up ng mga Agila.

Sa sobrang yabang kasi ng girlfriend ko na yan, hinahayaan niya lang mag warm up teammates niya. Confident siya masyado. Pero ngayon... Hmm... Nababahala ba siya dahil baka matalo sila? Eh ang lakas lakas kaya niya!

Gusto ko sanang lapitan si Ly dahil hindi pa kami nagkakasama buong araw ngayon. Galing din kasi siyang mansion. Pero bawal na silang lapitan.

Maya-maya lang, sinabi na nung announcer na malapit na magstart ang event.

"Good evening, students! Tonight we'll witness again the battle of the rivals! Are you ready?"

Nagsigawan naman ang mga tao. At kanya-kanyang cheer sa gang na gusto nila.

Trapped (Completed)Where stories live. Discover now