13. Yi sisters

4 2 0
                                    

Romeo's

Hindi ko alam kung ilang beses kong pilit na inaalis sa utak ko ang ginawa ng aking boss kanina, matapos niya akong pagtawanan dahil sa reaksyon ko ay hindi na rin siya umimik pa hanggang sa natapos ko ang paglilinis ng paligid.

Itinabi ko ang vacuum cleaner saka lumapit sa kanya na ngayon ay pangiti-ngiti pa rin habang nakatutok sa screen ng cellphone.

"Boss?"

Saglit itong nag-angat ng tingin sakin. Napaka-moody talaga. Hays.

"Uy Seiji! Tingnan mo 'to!"

Iniharap niya sa akin ang phone. Tuwang-tuwa na rin siyang tawagin akong Seiji kaya hinayaan ko nalang kaysa naman sa Andres diba.

Bahagya akong yumuko para makita ang video na kanina pa niya pinapanood.

"Si Miss Mer to ah..." Yung video na kumakanta siya ng Gurenge kahapon.

"She's viral on every social media platform. Pfft! HAHAHAHAHAHA!"

Hindi ko alam. Kung anong nakakatawa dun eh nakaka-proud pa nga. Akalain mo yun, pinilit lang ng boss ko ang kaibigan niya na kumanta tas ngayon viral na siya.

"Woah! 100k+ reaction, hundred comments and 200k+ shares. Ang astig talaga ni Miss Mer..." She tsked saka binawi ang phone mula sa akin.

"Whatever. Hey, Seiji. Nauuhaw ako, I want coke!" I shook my head saka tumayo tas tinungo ang kusina.

Binuksan ko ang ref at tama nga ang hinala ko, puno iyon ng iba't-ibang mga pagkain pero mas marami pa rin ang mga chichirya. I sighed saka kumuha ng isang box of milk at bumuhos niyon sa isang maliit na baso.

Nang mailapag ang gatas ay kulang nalang bumulagta ako sa sahig dahil sa sama ng tingin niya sakin.

"I told you, I want coke!" I shrugged.

"Kainin mo muna 'to.." inilahad ko ang puto pero umiwas lang siya ng tingin.

"I don't want to!"

"Edi walang coke!"

Nilapag ko ang puto sa lalagyan na plato.

"Hoy! Sino ba ang boss satin? Ikaw or ako?" She eyed me.

"Ikaw, syempre..." I shrugged a bit.

"Exactly!" She snapped.

"Pero matigas ang ulo ko, kaya hindi ko kayo susundin lalo na at masama sa kalusugan ang coke. Look, may period ka pa!" She groaned in pain.

But she eyed me with a hint of amusement, "Matigas ang ulo mo?..." My brows furrowed.

"P-Po?"

She puffed an air, "Pfft -- sige. Kakainin ko yan, gayahin mo muna ang ginagawa ni Tendou Satori..." Matapos niyon ay tinuro niya ang screen ng pc sa harap.

Halos hindi ako makapaniwala sa gusto niyang mangyari.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa screen at sa kanya na ngayon ay walang bahid ng kung anong emosyon ang mukha.

The guy in a red hair brushed upwards sang,

"Baki Baki ni ore,

Nani wo?

Kokoro wo da yo~

Konagona ni kudake,

Nani wo?

Seishin wo da yo~"

I looked at her with a frown but she didn't even moved a bit.

"So?" She's actually waiting for me to do the same as what Tendou Satori did.

Loveless Dynamite (Yi series #1) Where stories live. Discover now