QOL 14: The King of Heartbreaker

74 2 0
                                    

CHAPTER 14: THE KING OF HEARTBREAKER
--
(Max's POV)

It's Thursday today. Ilang araw nang pinag uusapan yung pagpasok nung anak nang owner nang school pero wala parin siya. Ewan ko ba. Pero simula nang mabanggit siya ni Belle kahapon, bigla nalang akong nagka-interest sakaniya. I don't know. Nababaliw na siguro ako. Or curious lang talaga. Haaays.

Andito ako sa playground nang school. Sa swing to be specific. Madami kasing tao sa garden at wala kaming klase dahil nag meeting ang mga teachers about sa upcoming event sa school namin.

Yung barkada, magkakasama. Ayoko sumama dahil ang awkward nang atmosphere sakanila dahil may mga problema sila sa bawat isa. Except Belle na hinatak nanaman nang so-called-boyfriend niyang si Jupiter. Buti pa ang isang yun. Kayang ihandle ang sarili pagdating sa lovelife. About kay Kenneth naman, he's still silent. Wala padin siyang sinasabi samin about sa kung sino ang nasa puntod na iyon. Hindi rin kami nagtatanong. Hindi padin kasi niya alam na alam namin ni Belle dahil sinundan namin siya. Wala rin kaming pinagsabihan.

Nagpahangin ako dito dahil sa stress. Ewan ko ba. Ang bigat nang feeling ko.

Maya-maya ay may nagdadabog na babae ang naupo sa katabi kong swing. Nakakunot ang noo niya. Pero kahet na ganon, hindi mapagkakaila ang ganda niya. Ang amo nang muka niya. She has this long black wavy hair na katulad nung kay Belle. Maputi siya na akala mo si Snow White. Manipis ang labi niya. Tapos ang ganda nang ilong. Yung mata niya may pagkabilog pero expressive. Tapos mahaba pilik mata. To sum it all, she looks like a Goddest! Napaka-ganda! May nag eexist pa palang ganito?

"Do you know that staring is rude?"

Nabalik diwa ko nang magsalita siya. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sakin. Nahiya na tuloy ako.

"A-ah.. S-sorry." nauutal kong sabi.

Nagulat ako nang ngumiti siya. "I'm sorry. I'm just a little bit grumpy." she said and smiled.

I nodded and smiled back. "It's okay"

She stared at me for a while. At medyo nakakailang.

"Wait. You look familiar.." she said while still staring at me.

'You do know that staring is rude! So why are you staring?!' gusto ko sanang sabihin yan sakaniya. Kaso baka mayamot nanaman siya.

"Oh yah!" ngiting sabi niya tapos may pag snap pa. Odiba? Imagine how cute she is.

"You!" sabay turo sakin.

Itinuro ko din ang sarili ko. "Me?" I asked.

Tumango siya. "It's you, right? The famous Maxine Montemayor. The Queen of Love."

Ngumiti ako tsaka tumango. Alam ko naman na sikat akp dito sa school. Ba't hindi? Dati na akong pinagkakitaan nila Belle. Aba't sukat ba namang gumawa nang booth. LOVE ADVICE BOOTH pa! 50 pesos bawat payo ko. Odiba? Ang lakas lang mapagkitaan.

"Nice to finally meet you! I've been looking for you this past few days. Ang kaso, nakakaasar si Axe! Kung anu-anong kalokohan ang ginagawa. Dinadamay pa ako sa pagpapaiyak at pagbobroken ng mga hearts nung mga girls niya." sabi niya tsaka nag pout.

Nakakainggit siya. Kahit ano kasing muka niya, ang ganda padin niya. Tapos pag ako nag pout, mukang pato? Asan ang hustisya?! Dejk.

"You see, my twin Axe is an asshole. He was called the King of Heartbreakers in our former school. Pareho sila ng cousin naming si Jupiter who was said to be the King of Ice. Kung si Jups ay cold, Axe is ruthless. Heartless. He doesn't care if he breaks a million hearts. Ewan ko ba kung anong nangyari don!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Queen of LoveWhere stories live. Discover now