QOL 04: ONE ROOF

43 0 0
                                    

CHAPTER 04: ONE ROOF

-

Nakalipat na kaming lahat sa iisang bahay. Friday ngayon at talagang ito ang araw na napili namin na maglipat. Well, mga damit at ibang gamet lang naman ang kailangan ilipat. Dahil kumpleto na ang mga gamit dito sa bahay namin sa isang exclusive na subdivision.

Andito kami sa sala. Maliban sa 3 na sila Bryan, Belle at Russel. Nasa kusina kasi sila at sila ang naka-schedule na magluluto. Nagkaron na kase kami nang schedule para sa mga gawaing bahay. Everyday yan. May magluluto, maglilinis, maghuhugas at maggo-grocery. Syempre by 2's lang sana para sakto. Pero dahil nag inarte si Belle kaya may dalawang by 3's at dalawang by 2's. Sa by 3's at sina:

Bryan, Belle at Russel. Ts yung isa pang by 3's ay: Ako, si Mary at Chester. Mas okay na kasi mas maaayos ko ang plano ko. Ts sa by 2's si Apol at Maricris at si Kenneth at Ren.

"Takte. Di pa ba tapos sila Belle magluto? Nagugutom nako!" reklamo ni Chester.

"Baka inubos na ni Russel yon! Hahahaha!" tawa ni Kenneth.

"Uyy baliw. Hindi naman siguro. Kasi nagugutom na rin ako."

Natawa kami kay Maricris. Ang kulit talaga nang babae'ng to.

"Teka. Che-check ko na." sabi ko tsaka dumiretso sa kusina.

Naabutan ko naman si Bryan na cute na cute sa apron niyang pink at pot holder ding pink na nagsasaling na nang niluto niyang adobong baboy sa lalagyanan.

"Matagal pa daw ba yan?' tanong ko.

"Tapos na. Isasaling nalang iyan. Tawagin mo na yung mga ugok. At alam kong mamamatay na 'yong mga yon sa gutom." utos ni Belle na naka-upo sa isang highs stool sa may counter.

"Okay." kibit balikat kong sabi at bumalik na sa sala.

"Hoy mga unggoy! Luto na pagkain. Tara na sa dining." aya ko sa mga rito.

At dahil mga gutom sila ay nag unahan sila papunta roon. Tsk. Mga loko-loko talaga.

Pagpasok ko ay nakapwesto na sila at nakahain na ang pagkain. Hinihintay nalang ang mga kulang. Pagkaupo ko ay agad na sasandok sana si Chester nang pagkain nang hampasin siya ni Belle sa kamay.

"Aray! Ano ba!?" inis na tanong niya.

Tinaasan siya nang kilay ni Belle.

"Hindi tayo magsisimula kumain hangga't hindi tayo kumpleto." diniin ni Belle ang salitang 'kumpleto'

Napatingin naman ako sa kabuuan nang mesa kung sino ang kulang. Si Bryan ang nasa gitna. Sa kaliwa niya ay si Maricris, Apol, Ren at Kenneth. Sa kanan naman ay si Russel, Belle at Chester. Bakante na ang katabi ni Chester dahil sa kabilang dulo sa gitna ako naupo. Katapat ni Bryan.

"Ano ba 'yon?! Nagugutom na ako eh!" reklamo ni Chester.

Pero dahil si Belle ay si Belle at halos magkadugtong ang mga bituka namin ay piningot niya patayo si Chester.

"Eh ano?! Pare-pareho lang tayong gutom dito. Hala! Sige! Hanapin mo si Mary at hindi ka kakain hangga't hindi mo siya kasama! Chupi!" binitawan ni Belle si Chester at tinulak.

"Aray! Punyeta! Ang sakit!" daing ni Chester at lumabas nang dining.

Napailing nalang ang mga kasama namin.

"Denial kasi. Bobo." rinig kong sabi ni Russel.

Napa-buntong hininga nalang ako. Haaay. Sana maging successful to.

The Queen of LoveWhere stories live. Discover now