QOL 10: Confessions

68 2 0
                                    

CHAPTER 10: FIRST COUPLE
--
(MARY's POV)

Pano ko ba siya nagustuhan? Lagi ko yang iniisip. Then I remembered na magustuhan ko sya dahil sa pagsisinungaling ko.

Naglalaro kasi kami nang spin the bottle. Tapos tumapat kay Apol.

"Oh game. Sino crush mo?" tanong sakaniya.

"Si John." nahihiyang sagot niya.

Nag-'yiie' kami sakaniya. Tapos sumunod na tumapat sakin. Napakamot nalang ako nang ulo hindi dahil sa may kuto ako kundi dahil sa wala akong maisip na sagot sa tanong nila na katulad kay Apol. Pano ba naman kase. Iisa lang yung crush namin ni Apol. Si John Paul Tolentino. Well, hindi ko siya masisisi. Gwapo yun. Magaling mag basketball. Sikat pa! Odiba? So sa ngayon, namomoblema ako nang isasagot ko sa mga to. Kaya nilibot ko ang paningin ko sa buong room at sakto nakita ko siya.

"Si Sarmiento. Si Sarmiento ang crush ko. Wag kayo maingay ha?"

Inasar naman nila ako. At gusto ko nalang masuka. Dejk. Tinanong nga nila ako kung baket ko nagustuhan daw yun. Tanging kibit balikat nalang ang nasagot ko.

Nung una, hindi ko siya napapansin. Ordinaryong estudyante. Napaka-kulet. Napaka-gulo. Napaka-ingay. Hindi ko siya napapansin kasi di naman siya kapansin-pansin. Pero simula nung araw na yun, nag umpisa ang lahat. Nag umpisa ko siyang pagtuunan nang pansin.

May pinagawa saming reviewer sa math non. Ilan nalang kami ang hindi pa nakakagawa. Kabilang siya doon. Wala siyang notes noon kaya nagulat ako nang tumabi siya sakin noon. Hindi ako nagulat dahil sa pagtabi niya. Nagulat ako dahil sa naging reaksyon nang puso ko dahil sa simple gesture niya. Biglang kumalabog ang puso ko. Ang bilis nang tibok. Feeling ko lalabas na siya sa katawan ko non. Hindi naman yun ang unang beses na lumapit sya sakin. Nauna pa yung sa business letter non. Pero hindi naging ganito ang reaksyon nang puso ko noon. Ngayon lang..

Simula noon parati na kami naghaharutan at nagkukulitan. Hanggang sa umamin ako sakaniya non.

Akala ko makakabuti ang pag amin ko sayo. Hindi pala. Nilayuan mo kase ako. Iniwasan mo ako. Hindi mo lang alam. Halos mabaliw ako kakaisip nang mga 'What ifs'

What if kung sinabi ko yung totoo non na si John ang gusto ko? What if kung hindi ikaw ang sinabi ko? What if kung hindi kita napansin? What if kung hindi tayo naging close? What if kung hindi ako umamin sayo? Andaming what if ang tumatakbo sa isip ko.

Nanghihinayang ako. Sana.. Sana di nalang ako umamin. Edi sana okay kami. Edi sana malapit padin siya sakin. Edi sana.. Magkaibigan padin kami kahet papano..

Hindi tulad ngayon. Hindi na kita makausap. Hindi mo ako pinapansin. Ni tignan nga di mo ginagawa.. Ang hirap nang ganto. Ang sakit..

---

Friday ngayon. Kasama ko ang barkada. Well, kulang kami. Wala si Max, Russel, Belle at Chester. I guess magkakasama sila.

I sighed. They are together again. Nakakainis. Nakakaselos!

"Haay! Nakakapagod! Tara na nga at umuwi!" biglang aya ni Bryan.

Sumunod nalang din kami. Nakakatmad din kase. Wala naman ako sa mood. Kaya umuwi kami at sobrang tahimik.

"San sila Belle?" tanong ko kay Kenneth.

Tumawa siya. "Ba't kaya ako ang tinatanong? Eh magkasama tayo buong hapon. Hahaha!"

The Queen of LoveWhere stories live. Discover now