QOL 06: CHESTER's REASON

32 1 2
                                    

CHAPTER 06: CHESTER's REASON

Ilang araw na ang lumipas. At sa ilang araw na yon, parang ang daming nagbago. Naging matamlay ang bahay namin. Hindi ko makita ang mga bagay na madalas kong makita. 

Katulad nila Ren at Apol. They're sweet right? Pero nitong nakaraang araw, naging malamig ang dalawa sa isa't isa. Pilit nilang iniiwasan ang presensya nang isa, but they can't. Because we're in one roof. One house.

Then, Maricris and Bryan. Maricris keeps on ignoring Bryan sa di malamang dahilan. Basta isang araw, umuwi siya dito nang lutang at di.makausap nang maayos. I sometimes caught her crying secretly, and I don't know why and I can't do anything.

Then, as of Kenneth and Russel, wala akong masyadong nababalitaan.

Then, of course, Belle. She's really acting crazy and weird this past few.days. I don't know why. I'm still waiting for her to tell me what's the matter. Well, hindi lang naman siya. Pati na din sa iba.

And lastly, Chester and Mary. Umiwas na si Mary kay Chester. This time, it's getting worst. Hindi na sumasabay sa pagkain si Mary. Breakfast, lunch and dinner, hindi siya sumasabay. She keeps on locking herself in their room and keeps on crying. Iniiwasan na din niya kami. Habang tumatagal, parang lumalayo na siya.

I sighed and went to the garden. Naabutan ko naman si Chester sa bench. Nakatulala at mukang malalim ang iniisip. Naupo ako sa tabi niya at talagang lutang si G*go at hindi ako napansin na katabi na pala niya. Ni hindi nga ako nilingon eh. Leche.

"U-uy. Anjan ka pala." after ilang minute muna, bago niya ako napansin.

Inirapan ko siya. "Hindi, Ches. Picture ko lang 'to." sarkastikong sabi ko.

"Luh? Baliw." sabi niya tsaka bahgyang tumawa pero agad din namang napawi.

Natulala siyang muli sa kawalan. Parang sobrang lalim nang iniisip niya.

"Care to share your thoughts?' I asked.

Nilingon niya ako nang nakangiti. Ngunit agad kong napansin ang mali. Yung mga mata niya.. Hindi katulad dati na walang mabasang ekspresyon. Halatang malungkot siya.. Walang sigla. Matamlay at walang buhay. For the first time.. Nabasa ko ang isang Misteryosong Chester Sarmiento.

"Wag ka ngang ngumiti kung hindi mo feel. Mukha kang tanga. Seriously." ani ko.

Tumingala lang siya sa kalangitan at tinitigan iyon. Ginaya ko nalang ang ginawa niya. I guess, ayaw niyabg magsalita. Ayaw niya talaga maging vocal. Napakagaling niya magtago nang nararamdaman niya. Pero hindi ngayon.. Hindi niya nagawang itago kahet na takpan niya pa yun nang ngiti.

'Your lips can lie, but your eyes can't.'

"Pwede bang.. Pwede bang pasandal sa balikat mo?"

Napalingon ako kay Chester na nakatingala padin. Halos ibulong lang niya iyon, pero narinig ko parin. Napapikit ako nang mariin at dumilat din kaagad. Feeling ko, nagha-hallucinate ako sa nakikita ko at naririnig ko. Tama ba? Naririnig kong malungkot ang boses niya? Nakita kong may tumulong luha galing sa mga mata niya?

The Queen of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora